JEYZEN POV-
-
Madali kaming umalis ng mga kaibigan ko habang akay namin ni Uno si Daddy pero hindi pa nga kami nakakalayo sa kinaroroonan ni Mommy Lykah ng magulat kaming lahat sa malakas na kalabog na iyun..
'BLAAAAG!!!
Dito kami napahinto sa aming paglalakad at napasigaw pa ang mga kaibigan ni Debie sa lakas nun, Mabilis na nahagip ng aking mga mata ang pagtilapon ng kapiraso'ng bagay sa ere at bumagsak ito sa mga upuan na hindi ko alam kung saan ito nanggaling,
'Pintuan yun aa!??
Lingon ko ng marinig ko ang boses ni JM na mejo nanlaki pa ang kanyang mga mata at bahagyang napa nganga ng makita ang pagbagsak nun.. Pasalamat kami at hindi iyon tumama samin..
'Jey tingnan mu yung kamay ng Mommy ni Debie -Sabi pa ni Uno habang naka tuon ang paningin ke Mommy Lyka,
At dun ko na napansin ang pag durugo ng kamao niya na tumutulo sa sahig at bakas sakanyamg mukha ang matinding galit, Ngayon pa lamang ako nakakita ng isang tulad niya.. Parang wala shang inaatrasan o kinakatakutan kahit na marami shang makakalaban ngayon..
Sunod na nabaling ang paningin ko sa isang lalakeng naka suot ng maskara ng demonyo at may hawak itong patalim na nilalaro laro pa niya sa kanyang kamay..
'Jey ano ba tatayo na lang ba tayo rito!!?
Pukaw ni Arthorr saken at nakalimutan kong may mga kasama pala ako.. Agad akong napatingin sa mga kaibigan ko na bakas na rin ang takot nila kaya kumilos na ang lahat para makahanap ng matataguan namin..
Mabilis narin ang bawat hakbang ng aming mga paa at naka sunod lang kami kay Arthorr na karga si Debie na walang malay, may dugo ri'ng gumapang na sakanyang mukha at may mga ilang galos din sakanyang balat,
At sa ilang minutong paglalakad ay nakahanap na si Arthorr ng matataguan namin at nasa kanang bahagi lang kami ng stage, meron ditong isang silid na madilim na pinasukan namin at tanging flash light lang ng cellphone ang naging ilaw namin sa loob.. saka namin inihiga si Daddy sa sahig at wala rin itong malay tulad ni Debie..
'Arthorr bantayan nyu muna sila Dad at babalik ako dun.. Pakiusap ko sa pinsan ko na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko..
'Bakit ka babalik dun!?? Gusto mu bang mapahamak ka!? dilikado Jey mashado silang marami!! Sigaw pa niya
'At ano Arthorr magtatago na lang ako dito habang si Mommy Lykah ang lumalaban sa mga tauhan ni Mommy.. Kung kaya niya makipag laban sakanila ng walang iniindang takot! Pwes kaya ko rin makipag sabayan at hindi ako natatakot sakanila kahit gaano pa sila karami Arthorr!! at walang makakapigil sakin diin ko pa sakanya. .
Dito na nagising si Debie sa pagtatalo namin ni Arthorr at agad niyang tinawag ang pangalan ko.. Mabilis akong lumapit sakanya at nakasandal ito sa pader at umaalalay si Arthorr sakanya..
'Debie ayos ka lang ba?? May masakit ba sayo?? Iling pa niya
'Bon… plss dito ka lang wag mo kaming iwan.. Pakiusap ni Debie sakin habang nakalapat ang kamay niya sa aking pisnge,
'Babalik agad ako Debie.. K-kailangan ko balikan ang Mommy mo hindi ko sha pwedeng pabayaan dun..
'Nasaan si Mommy ko??
Tinginan pa namin ni Arthorr
Nasa labas sha ngayon Debie kaya nga kailangan niya ng tulong ko.. Baka hindi niya kayanin mag isa dun lalo na at marami shang makakalaban.. Makinig ka saking mabuti huh.. dito ka lang at wag kang lalabas.. Hinalikan ko agad ang noo niya ng mabilis at agad akong tumayo pagkatapos nun ang parang ayaw niya akong umalis ng makita ko reakshon ng mukha niya..
BINABASA MO ANG
DEBIE (GAYXBOY)
Humor(GayxBoy) ☑️(COMPLETED) Si Debie ay may katangiang taglay na kayang maka-akit ng isang straight na lalake kahit na isa siyang binabae?kaya mabilis niyang napa ibig ang isang mabangis na tigre at na paamo ito ng ganun lang kadali sakanya,. Hinde niya...