DEBIE POV
Huminto muna ako sa tapat ng pintuan ng makalabas ako sa kwarto ni Bonbon, Pakiramdam ko ay na offend sha dahil nakita ko iyon sa mga mata niya, Ewan ko ba sa taong ito kung kaibigan ba niya si Rayu o hindi, Paano kasi ganun na lang inis niya sa taong iyon kahit wala namang ginagawang masama sakanya, O baka siguro may dati silang alitan? Kung galit man sha ke Rayu wag niya akong idamay noh? Tas tatanungin niya ako ng ganun? Edi mabuti ng malaman talaga niya at kailangan marinig mismo niya ang totoo kung ano ang pinag kaiba nilang dalawa ni Rayu,
Nakakainis kasi ee alam mu ba yun?
Hindi ko malaman kung ano bang ugaling meron sha ee? May mga oras kasi na okay naman shang kasama pero ilang minuto lang tinutopak na sha, Hay naku hindi talaga pwedeng magsama ang aso't pusa dahil parehas lang kaming mainitin ang ulo,. Jusko na e-stress na ako! Buntong hininga ko pa ng lisanin ko ang tapat ng kwarto ni Bonbon..Maingat akong bumaba sa magarang hagdan ng mahinto agad ako sa paghakbang ng makita kong paakyat si Rayu, Ngumiti ito ng makita ako..
'Pupuntahan mu ba si Bonbon? Tanong ko ng makarating ito sa aking kinatatayuan,
'Hindi,. Susunduin sana kita.. tsaka Hinahanap kana rin ng mga kaibigan mu roon sa pool,
'Aah naliligo na ba sila?? Sabay hakbang ko pa-baba ng hagdan at inalalayan pa niya ako, Napaka gentle man talaga ni Rayu kaya mabilis kong nakagaanan sha ng loob,
Tumango sha ng isang beses, 'Buti pinahiram ka niya ng damit.. himala?
'Oo.. bakit naman hindi? Ngumiti pa ako ng sagot
'Hindi kasi yan basta-basta nag papahiram ng damit, At yang T-shirt mung suot branded yan,
'Ito? Tiningnan ko pang maigi ang suot ko at may naka printa sa ginta na may baliktaran na letrang 'F' masasabi kong maganda yung tela pero parang normal na T-shirt lang ang tingin ko dito, -Bakit mahal ba ito?? Alanganin kong tanong
Tumango sha ulit, -Ginto ang presho niyan?
'Weh?? Natawa ako baka kasi nag jo-joke lang sha saken, Parang hindi naman..
'Im not joking Debie.. FENDI yang suot mu at talagang mahal ang presho niyan?.. At sapalagay mu ba nasa itchura ni Jeyzen ang mag suot ng mumurahing damit?
Sabay nahinto ako ng makababa na kami ng hagdan,.. 'Jeyzen? Pag uulit ko
'Okay ka lang Debie? Pagtataka niya
'Oo kaso.. Sino bang Jeyzen?? Pagtataka ko.. Paano bigla ba naman niyang isiningit sa usapan namin ang pangalan na iyon .. Malay ko ba kung sinong Boldstar na iyon!
Nagkamot muna ito ng ulo, siguro kinukuto na sha - Si Bonbon ang tinutukoy ko..
'Aah.. so ibig sabihin.. palayaw niya lang yung Bonbon??,. Sorry aa ngayon ko lang din nalaman ee..
'Its okay- Pero teka paano kayo nag ka kilala??
'Umm.. Aksidente lang nung time na nakatambay kami nun sa playground kasama ang mga kaibigan ko, Nakilala namin una si Cailo tas yun.. Mejo hindi nga lang maganda ang sunod na nangyari.. Sabay tumawa sha ng tipid na pinagtaka ko.. -Bakit ka natawa?? Dagdag ko.
'Wala naman.. Kahit hindi muna tinapos ang kwento mu ee parang alam ko na agad.. Tumitig pa ako sakanya at mukhang kilalang-kilala niya ang pagkatao ni Bonbon, -Hindi naging maganda ang trato niya sayo tama ba ako?? Tumango ako ng sagot, -Kasi alam mu kung bakit? Dahil ayaw niya sa mga bakla..
Nang marinig ko ang sinabi ni Rayu ay parang sinagot niya na ang katanungan sa isip ko kung bakit ganun na lang ang pakikitungo saken ni Bonbon.. Kaya ba ganun ang ugali niya? Pero parang ang gulo? Samantalang nag kiss na kami?Kung ayaw niya talaga sa katulad ko ee bakit niya pa ako pinahiram ng damit? Bakit hanggang ngayon ay nandito paren kami ng mga kaibigan ko sa bahay nila at nakaka ligo sa swimming pool nila?..
BINABASA MO ANG
DEBIE (GAYXBOY)
Humor(GayxBoy) ☑️(COMPLETED) Si Debie ay may katangiang taglay na kayang maka-akit ng isang straight na lalake kahit na isa siyang binabae?kaya mabilis niyang napa ibig ang isang mabangis na tigre at na paamo ito ng ganun lang kadali sakanya,. Hinde niya...