Pagkalipas ng mga ilang buwan.. Marami ng nag bago.. Tulad ng nakapag aral na si Andoy at Nonoy sa Monte carlo University College na hiniling ni Debie sa Lolo ni Uno.. Si Andoy ay pansamantalang tumutuloy sa bahay ni Jeyzen habang si Nonoy naman ay sa Bahay ng mag asawang Ramon at Divina.. Pansamatalang pina gamit muna ang kwarto ni Ichiro dahil malayo ang byahe pa uwe at pag pasok nito ng skwelahan.
Umuuwe lang si Nonoy kapag wala shang pasok at uuwi sha ng Malabon para
tumutulong sa pag titinda ng isda sa palengke..Si Lykah at ang anak niyang si Ichiro ay bumalik muna ng Japan kasama rin nito si Rayu at Jace.. Hindi parin natatapos ayusin ang kanilang tirahan roon pati ang factory ng pagawaan nila ng mga accessories.. Ang mga naipon ni Genzo sa pag tatrabaho niya ay pinambili ng mga materyales at ang iba naman nito ay ipinambayad niya sa mga manggagawa nilang nadamay sa pag sabog.. Wala naman nasawi sa insedenteng iyon pero marami sakanila ang nasugatan at nabalian ng mga buto dahilan ng matamaan ito ng mga debris,
..At ang dalawang anak ni Lykah na babae na sina Summer at Harrashiko ay kasama ang kanilang Ama na si Genzo Kanazaki..
Nag tatrabaho paren si Genzo sa Mansion Del fuero hanggang ngayon.. Gusto man shang bigyan ni Jeyzen ng malaking halaga sa pag papaayos ng kanilang bahay ay hindi niya iyon tinatanggap.. mas gusto niya yong pinag hihirapan.. Pagkain lang at alak ang hindi niya matanggihan dito..
Si Jeyzen ay masayang nag sasama na ngayon ni Debie sa Mansion.. Binahay na sha nito mula ng makuha niya ang sagot ke Lykah na pwede ng maging nobya ang bunsong anak nito.. Problema lang ang pinsan niyang si Arthorr dahil hindi paren binibitawan magpa hanggang ngayon si Debie..
Naiintindihan naman ni Jeyzen ang nararamdaman ng kanyang pinsan.. kung sha rin daw ang nasa lugar ni Arthorr ay ganun rin ang kanyang gagawin.. sa halip na mag selos ay hinayaan na lamang niya ito..
Sa paninirahan ni Debie sa Mansion ay parang prinsesa ang turing sakanya ng nobyo.. Mas lalo shang minahal ni Jeyzen ng maging nobya niya na ito.. Hindi na ito nahumaling sa mga babae kahit maraming umaaligid sakanya at nagpaparadam sa tuwing pumapasok itong ng skwelahan o kahit saan mang lugar, Sha pa itong hinahayaan ni Debie kahit may mga magaganda at nag seseksihang babae ang nag kakainteres sakanya.. Dun niya kasi masususbukan kung gaano karupok ang nobyo at kung loyal ba ito sakanya..
Ang ibinigay sakanyang trabaho ni Don Alfonzo sa Monte Carlo University College ay nasimulan na niya.. Kasama ang step sister niyang si Summer sa Cafeteria.. Naka assign ito sa serving line at kabilang sha sa mga staff na nag se- serve ng food ng mga college students, Habang si Debie naman ay nasa ketchen at tumutulong ito sa pag luluto at pag hihiwa ng mga Karne at gulay..
Sa isang buwan niyang pag ta-trabaho sa Monte Carlo University ay naging maganda at maayos naman ang pakikitungo sa kanya ng mga tao roon..
Walang nanakit sakanya tulad nang naranasan niya sa dating niyang pinapasukang eskwelahan, Pero hindi niya inaasahan na darating ang araw ang kanyang kinakatakutan..Ang makaharap ang isa sa mga apo ni Don Alfonzo..
..si Zinco Zeernova o sa kilala sa pangalang 'ZZ'
Kilala ito sa buong Monte Carlo University dahil sa angking ka gwapuhan nito, Half Rusian si Zinco kaya ang lahat ng babae ay nahuhumaling sakanya.. isa rin shang sikat na Varsity player, at pinapasok din niya ang mundo ng pag momodelo.. may mga commercials din sha na lumalabas sa television, Pero sa likod ng maamo niyang mukha ay may nakatagong ka demonyohan, Matapobre, mayabang at higit sa lahat ay Homophobic,
Naging mainit ang dugo nito ng makita niya si Debie sa cafeteria, o saan man sulok na makikita niya ito sa loob ng campus.. Hindi malaman ang dahilan ni Debie kung bakit ganun na lamang ang ipinapakita sakanya ng lalake samantalang wala namam shang ginagawang mali rito, Naging madalas ang pag tatagpo ng dalawa na humantong sa pananakit nito sakanya ng lalake, Lihim lang niya itong itinatago sa mga kaibigan lalo na sa nobyong si Jeyzen,.. Pero hindi ito nakaligtas sa mga mata ni Summer nang makita niya ang mga iilang pasa sa braso ni Debie.. Iba na ang kulay nun at talagang natakot sha..
Una ay napag hinalaan pa ito na sinasaktan ang kapatid niya ng kanyang nobyo, Pero mali din sha ng inakala, Lihim niya na itong sinundan sa tuwing aalis ito ng cafeteria at dun niya nakita ang taong nanakit sa kapatid niya..
Dinala ang kapatid niya sa 2nd floor ng building at walang katao-tao roon, Mejo madilim ang paligid at sadyang nakapatay ang ilaw roon, Nilabas niya ang pahabang punyal na may lason at maingat shang nakatago sa likod ng mga silya, Handa na sana shang atakihin ang lalake subalit nakaramdam shang may iba pa shang kasama rito,
Hindi nga sha nag kamali dahil likas na malakas ang kanyang pakiramdam, Pero hindi niya mahulaan kung sino ba ang nilalang na ito, Nakakatakot dahil anino lamang ang nakikita niya rito, Samantalang nakikita niya ng malinaw ang dalawa kahit mejo madalim ang lugar,
'S-Sir please... Ughh!.. wag nyu na akong saktan! H-Hindi naman..Uhgg! ako nag susumbong ee..
Umiiyak at nag mag mamakaawa ito sa lalake habang paangat shang sinasakal,
'Hindi ako tanga!! dahil nakita kitang kausap mu si Lolo!! Anong palagay mu saken mauuto mu huh!!!
Mas lalo pa nitong diniinan ang sakal na halos mag habol ito ng hininga..
Hindi malaman ni Summer kung sino ba ang uunahin sa kanila, Kalaban ba ito?? Tanong nito sakanyang isipan na pinag mamasdan ang aninong nakatayo sa ibabaw ng silya,Ang aninong iyon ay kumilos ng mabilis na kinagulat nito na parang isang hangin na napaka bilis nitong inatake ang lalake,
Tumilapon ito sa bintana at nawalan ng malay..
Sino nga ba ang Aninong iyon na nag ligtas ke Debie?.. Isa ba shang kakampi?? O kaaway??..
BINABASA MO ANG
DEBIE (GAYXBOY)
Humor(GayxBoy) ☑️(COMPLETED) Si Debie ay may katangiang taglay na kayang maka-akit ng isang straight na lalake kahit na isa siyang binabae?kaya mabilis niyang napa ibig ang isang mabangis na tigre at na paamo ito ng ganun lang kadali sakanya,. Hinde niya...