YUJIN 'NONOY' FAUNTLEROY
- ARAW NG MARTES-
'Nay hindi muna ako makakasama senyo ngayong tanghali mag tinda aa may bisita kasi akong darating?
Hinto ni Nanay sa pag aayos ng kanyang mga gamit ng marinig nito ang sinabi ko,.
'Bisita? Bakit pupunta ba rito ngayon si Debie??
'Hindi po Nay.. Natatandaan nyu po ba yung lalaking sumundo rito ke Debie na sinabihan nyu na mukhang artista??
'Ahh… oo natatandaan ko nga ang gwapong batang iyon .. Ngiti pa ng bahagya ng aking nanay ng maala niya ito, -Ang ibig mu bang sabihin sha ang sinasabi mung bisita?
'Opo Nay ang sabi pa po niya saken may mga kasama din po sha pag punta rito sa bahay at sila po yung nakasama ko nung pumunta kami ng samar..
'Oh sige walang problema Nonoy.. . Basta mag linis ka muna dito at nakakahiya naman sa mga bisita mu kapag nakita nilang walang ka ayos ayos ang bahay natin.. Ngiti pa ulit ni Nanay saken at pinagpatuloy na ang pag aayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa palengke..
At ako naman ay umakyat na sa taas at nag simula ng mag linis ng magulong kong kwarto ang madalas kasing nag lilinis ng kwarto ko ay si Nanay pati narin ang kaibigan kong si Debie, nakakahiya na nga sakanya ee.. Paano wala na rin kasi akong oras linisin ang kwarto ko dahil parehas kami ni nanay na nasa palengke at sa gabi naman ay nag kakargador ako na umaabot ako ng alasdos ng madaling araw ang uwe ko..
Habang winawalis ko ang mga papel sa ilalim ng kama ko ay sumagi sa isip ko kung bakit nila naisipan ang pumunta rito.. hindi ko narin kasi naitanong kay Uno dahil nawala rin sa isipan ko at mabilis lang din ang aming pag uusap sa cellphone..
Hindi na ako nag iisip pa at pinag patuloy ko na ang aking pag lilinis at baka hindi ako matapos nito.. Pagkatapos kung mag walis ng sahig ay sa kama naman ako nagawi sa kama at inayos ko naman ang bed sheet nito at tinupi ang kumot saka pinag patong ang mga unan ko.. Nang matapos ko lahat ng iyon ay tumingin tingin ako sa paligid kong ano pa ang dapat linisin dito at dun napahinto ang aking paningin ng makita ko ang puting dress ni Debie na naka display sa aking kwarto kaya't nilapitan ko agad ito
'Tatanggalin ko ba ito?? Kagat ko pa sa aking labi na tinatanong ang sarili ko kung aalisin ko ba ito o hindi.. baka kasi makita nila ito at nakakahiya pa kay Arthorr 😕.. Hawak ko sa puting dress at naisipan kong ilagay ko na lang kaya ito sa cabinet ko??..
'NOYY!!
Napahinto ako ng marinig ko ang pag tawag ni Nanay saken at patakbo akong lumabas ng kwarto
'Bakit Nay??
'Aalis na ako at ikaw na ang bahala dito sa bahay huh!?? Linisin mu rin dito sa baba at mejo magulo?
Tumango tango naman ako ng sagot kay nanay na bitbit na ang kanyang bayong at handa na itong umalis ng bahay.. Bumaba na ako ng hagdan at inihatid ko pa ito sa labasan para maka sakay ng tricycle
'Ingat po kayo Nay!
Nang maka alis na ang tricycle na sinasakyan ni Nanay ay nag madali na akong bumalik sa bahay at kelangan ko pang mag linis sa baba..
'Hindi pa nga ako nakapag saing ee 😫
Pero ok lang naman dahil konte lang naman ang lilinisin sa baba, konting walis lang yun at ayos ng mga gamit sa bahay.
Wala pa atang dalawang minuto ay nakarating na agad ako ng bahay namin at dinampot ko ng mabilis ang walis tambo saka ko sinimulan ng mag linis..
Walis sa hagdan.
Inayos ang lamesa.
Ayos ng mahabang monoblock na upuan..
Punas ng tv..
Punas sa bintana..
At ang panghuli nag hugas ng pinggan..
BINABASA MO ANG
DEBIE (GAYXBOY)
Humor(GayxBoy) ☑️(COMPLETED) Si Debie ay may katangiang taglay na kayang maka-akit ng isang straight na lalake kahit na isa siyang binabae?kaya mabilis niyang napa ibig ang isang mabangis na tigre at na paamo ito ng ganun lang kadali sakanya,. Hinde niya...