18

2.3K 103 3
                                    

Mukbang is real

Kinakabahan ako habang nakatingin ke louie para itong me pina planong hindi maganda, dahil sa mga ngisi palang niya ay makikita munang excited sha sa ipapagawa niya saken, isang dare na hindi ko alam kung tama ba na ito ang napili ko, imbes na truth ay pinalitan ko ito dahil sa walang pakundangan na tanong ni louie saken na ayaw kung marinig pa ng iba, pero mas lalo akong natatakot dahil hindi ko na itong pwedeng baguhin pa, binitawan ko muna ang kinakain kong ice cream dahil sa kaba ay hindi ko na magawang malunok ang kinakain ko, tumutok na lamang ako sa kaibigan ko at hinihintay ang kanyang ipapagawa, sa mga kilos pa lang nito ay alam kung may kakaiba na ipapagawa saken dahil napitingin pa ito kay Arthorr na ngumisi pa saka ito nag salita,


"DEBIE MAG HALIKAN KAYO NI ARTHORR!!


Debie mag halikan kayo ni Arthorr!!

Debie mag halikan kayo ni Arthorr!!


Debie mag halikan kayo ni Arthorr!!


Debie mag halikan kayo ni Arthorr!!


Para itong nag echo na paulit ulit kung naririnig na halos kinalaki pa ng mata ko, sabi ko na nga ba at may nararamdaman akong hindi magandang ipapagawa saken itong baklang ito,


'L-louie tumigil ka nga! nasisiraan kana ba ng ulo!! Pinanlakihan ko pa sha ng mata ko baka sakaling nag bibiro lang ito,

'Bakla!! Yan ang dare ko kaya wala kang magagawa, Ngisi pa niya sa akin'
kung ayaw mung gawin mag hubad kana lang ng makita nilang lahat yang perlas mu! Hagikhik ulit niya, 

'Ok lang yan wag kang kabahan kesa naman mag hubad ka diba?? Sabat pa ni Rayu na ngumiti pa ito saken

'Bakit ako pa!! Gulat ko sa boses ni Arthorr na galit pa itong tumayong naka tingin kay Louie

'Its a Dare Arthorr pag hindi ka pumayag mag pahalik sa kaibigan ko parehas kayong maghuhubad, kung maka arteh ka hindi naman isusubo yang sayo tawa pa ni louie at ang mga kaibigan ni Arthorr na sila kiko at Juan miguel, pero hindi maipinta ang mukha nito sa pag kainis, Feeling ko ay hindi talaga niya gusto dahil sa itsura pa lang ni Arthorr ay alam munang ayaw niya talaga saken


'Ok mag huhubad na lang ako, mahinang pagkakasabi ko ng nakatingin sa kaibigan ko, kahit naman gustuhin ko ay napaka imposimbleng mangyari yun, kaya tatanggapin ko na lang ang parusa

'Siraulo ka bang bakla ka at gusto mu bang ipahiya ako ng nakaharap sa kanilang lahat ng walang saplot,
Salubong na ang kilay nito ng nakatingin sa akin, kung gusto mung mag hubad, mag isa ka?

imbes na mainis ako ay parang natuwa pa ako sa inasal nito. Oh baka nag aassume lang ako? Baka nanaginip ba ako??? Tanong ko pa sa aking isipan, So it means mag papahalik talaga sha… haruyyyy namamasa na mani ko mga besh.

'Ano pa hinihintay mu jan bakla pasko!
Sigaw pa ni louie sa akin na parang wala ako sa aking sarili dahil bumibilis na ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung magagawa ko ba ito, nakakaramdam na kasi ako ng panlalamig sa aking kamay dala ng sobrang kaba, parang tinatraydor naren ako ng mga paa ko dahil hindi ko makuhang humakbang pa, baka isipin niya pa ay napaka chusi ko, ee anong magagawa ko hindi ako maka kilos sa sobrang kabang narardaman ko, lalo pa at lahat sila ay nakatingin samin, mga tingin na may halong pang aasar. Pero may isang naka tingin sa akin na parang ayaw niya ang mangyayari, dahil sa mga mata niya ay makikita mu yung lungkot na gusto niyang sabihin na wag ko na lang gawin, pero ayaw ng puso ko, gagawin ko paren kahit magalit man sila, susundin ko muna ang puso ko kahit ngayon lang, kagat labi ko pang naka tingin kay Bon-bon,

DEBIE (GAYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon