DEBIE POVHindi ko maayos-ayos itong pag huhugas ko ng plato dahil panay ang kulit nitong si nonoy abnoy sakin! Nakakatakot lang at baka makabasag ako ng baso,
'Bakit ba ayaw mung sumama?? Tanong ni Nonoy sakin na sinusundot pa ang aking tagiliran
'Nonoy?? Walang maiiwan dito sa bahay kung sasama pa ako senyo nila Boyet!
'Sshh! Parang pinapahiya muna ako niyan ee!!? Geh na??.. Hindi naman tayo gagabihin ee, Mag eenjoy kapa kasama kami??..
Binatawan ko agad ang sponge na hawak ko at naiirita ako sa pangungulit ni Nonoy,
'Edi si Janin na lang isama mu?? Hindi ba kayo makaka lakad kung wala ako? Dun kana nga hindi ako matapos-tapos dito sa ginagawa mu weh! Pananaboy ko sakanya,.
'May ginagawa si Janin kaya ikaw ang gusto naming isama! Sige ka mag tatampo na yan sila Boyet at Atoy sayo??
Nabahala ako ng sabihin iyon ni Nonoy, Kelan lang ay nag aya din sila pero tumanggi ako dahil walang maiiwan dito sa bahay, Baka kasi isipin kasi ni Nanay Pilar inuuna ko ang pag lalakwatsa, Mabuti sana kung nakapag paalam ako? Pwede pa,.
'Oo na!! Nangngunsensha ka pa ee? Kapag ako napagalitan ni Nanay Pilar humanda kayo sakin!!
'Tsh! Hindi ganun si Nanay ano ka ba?? Kaya siguro ayaw mung sumama dahil iyon pinangangambahan mu ano??
'Oo shempre? Pabigat na nga ako rito uunahin ko pa yang pag lalakwatsa niyo! Ano lang sasabihin sakin ng Nanay mu?? Kaya lang ako sumama dito para magawa ko ang lahat ng gusto ko??
Sabay natawa shang bigla sa sinabi ko kahit wala namang nakaka tawa dun,
'Baliw!! Anong pabigat pinag sasabi mu Debie? Ganun ba ang tingin mu ke Nanay?? Dito sa bahay malaya ka kung ano ang gusto mung gawin? Basta ang importante ay buo kang makaka uwi ng bahay?? Geh na tapusin muna yan tas maligo ka agad aa?? Sabay talikod niya sakin at pumanhik agad ito sa taas,
Wala rin akong nasabi dahil lahat ng katanungan sa isip ko ay nasagot na ni Nonoy, Pero kahit sabihin na nating ganun nga sila ay hindi ibig sabihin nun ay hindi ka makiki bagay? Shempre palamunin lang ako dito at hindi rin nila ka dugo? Kaya dapat marunong ka ring mahiya diba?? Hindi katulad ng iba jan na makakapal talaga ang mukha!
Matapos kong mag hugas ng Plato ay nag walis naman ako ng sahig, Para pag alis namin ni Nonoy ay malinis ang bahay,
'Saan ba ang punta natin?? Sabi ko ng makasakay kami ng Jeep,
'Sa fisher Mall mag hahanap ng bagong damit, Sagot ni Boyet sakin,
'Ee bakit sa Fisher Mall pa kung pwede naman sa palengke na lang??
'Pwede rin naman kaso mainit dun at mabaho?? Baka hindi mu rin matagalan! Wika ni Atoy
Sabagay may tama sha? Hindi na rin ako nag tanong pa at nag focus na lamang ako sa labas ng bintana ng Jeep, Mga ilang minuto lang ay huminto na ang sinasakyan namin sa tapat ng malaking mall, Nauuna sina Boyet at Atoy mag lakad habang kami naman ni Nonoy ay nasa likod nila naka buntot,
Hanggang sa pag pasok ng mall ay naka sunod lang kami sakanila, Nakarating kami ng 2nd floor at doon hinanap ang kanilang bibilhin,.
'Okay na ito? Wika ni Atoy hawak ang itim na T-shirt, Pang pasok raw nila iyon sa trabaho at iyon ang napili niyang kulay para hindi raw dumihin,
Tumagal nga kami roon sa loob ng Tiangge ng mahigit twenty minutes para makapili lang ng matitipuhang damit, Walang napili si Boyet dahil mashadong maliit sakanya ang mga size, Matangkad kasi sha at may kalakihan rin ang katawan, Batak kasi ang katawan nila sa pag tutulak ng kariton na nag lalaman ng mga banye-banyerang Isda, At si Atoy naman ang pinakamaliit sa kanilang tatlo kaya ang size ng mga damit ay umaayon sa sukat niya,
BINABASA MO ANG
DEBIE (GAYXBOY)
Humor(GayxBoy) ☑️(COMPLETED) Si Debie ay may katangiang taglay na kayang maka-akit ng isang straight na lalake kahit na isa siyang binabae?kaya mabilis niyang napa ibig ang isang mabangis na tigre at na paamo ito ng ganun lang kadali sakanya,. Hinde niya...