The New Neighbors

16.9K 366 3
                                    

                 CHAPTER ONE

NAGISING si Daphne at inikot ang mga mata sa madilim na silid.  Napahinga siya nang malalim. Isa na namang panaginip.  Isang lalaking mas malaki sa kanya at semi-kalbo, pero walang mukha,  ang kahawak-kamay niyang naglalakad sa isang mahaba at makipot na daan.  Sa panaginip niya ay nanatili siyang bata, samantalang katatapos lamang niyang mag-celebrate ng kanyang ika-sixteenth birthday noong nakaraang buwan. 

Magmula ng araw na isama siya ng kanyang Mama sa Quiapo para mamili ng mga paninda ng lola niya sa tindahan nila sa palengke ay lagi na siyang nagkakaroon ng mga ganoong panaginip.  Pauwi na sila noon nang madaanan nila ang hilera ng mga manghuhula.  Ewan ba kung anong pumasok sa utak ng Mama niya at naisipan nitong umupo na lang basta sa isang bangko at iniabot ang kanang palad sa isang babae na mukhang witch dahil sa kapal ng lipstick at make-up nito. 

Sa nakita niya sa kanyang Mama ay mukhang hindi nito sineryoso ang sinabi ng manghuhula, dahil walang naging pagbabago sa kilos nito kapag kasama nito ang kanyang ama.  Hindi na rin ito nagbanggit pa ng kahit ano tungkol sa bagay na iyon.  Pero sa kanya ay hindi ganoon ang epekto.  Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang dinalaw  ng lalaking iyon sa panaginip.   Minsan nga ay natatakot na siya.  Pero nang maikuwento niya iyon sa mga kaklase niyang babae ay tuwang-tuwa pa ang mga ito.  “Soul mate” daw niya ang lalaking iyon na nagpapakita sa panaginip niya.  Napailing na lamang siya sa malaking kalokohang iyon.

Ang hulang iyon na matagal ng ibinaon sa limot ng kanyang ina ay biglang nagkatotoo.  Isang gabi ay umuwi ito na lumuluha.  Kahit anong comfort ang gawin niya ay hindi niya  ito napatahan.  Kinabukasan ay umalis sila at nakituloy sa bahay ng Tita Jenny niya.  At dalawang araw pa matapos niyon ay nakakita sila ng house for rent sa isang village na malapit sa ospital na pinapasukan ng Mama niya. 

Pabiling-biling lang siya sa higaan kaya minabuti na lamang niyang bumangon na at ayusin ang mga naka-kahong gamit.  Siguro ay namamahay lamang siya dahil ito ang unang gabi nila sa bahay na iyon.

Isinama niya sa basket ng basura ang hawak na birthday card na bigay sa kanya ni Jayson, ang kanyang masugid na manliligaw noong siya ay nasa elementarya pa.  Itinapon na rin niya ang ilang love notes na galing naman sa mga kaklase niyang lalaki ngayon. 
Kung dati ay malaki ang kanyang silid at may built-in cabinet na pwede niyang pagsaksakan ng lahat ng bagay na may sentimental value sa kanya, ngayon ay hindi na.  Damit pa lang niya ay hindi na kasya sa cabinet na nandito sa bagong silid niya.  Kaya lahat ng puwedeng itapon ay dapat ng itapon.

Bakit pa ba siya magsesentimyento sa pagkawala ng maliliit na bagay at sa paglisan niya sa bahay na kinalakihan niya?  May mas titindi pa ba sa sakit at emptiness na dulot ng pagkawala ng kanyang ama?  No, he was not dead.  Sumakabilang-bahay lang naman. 

Sa edad na thirty-nine ng kanyang Mama ay ipinagpalit ito ng kanyang ‘nagbibinatang ama’ sa isang sexy at magandang babae.  Magka-edad lang ang parents niya, pero feeling yata ng Papa niya ay nasa mid-twenties lang ito dahil naka-bingwit ito ng twenty-two-year-old-ex-japayuki-single-mom na ngayon ay ibinabahay nito sa ewan kung saan.  Kaya tuloy siya at ang kanyang Mama na original at legal na pamilya nito ay napilitang mag-alsa-balutan mula sa malaking bahay ng ama na minana pa nito mula sa mga magulang nito na matagal ng patay. 

Hay, life!  Kanya-kanya lang talaga ng suwerte.  At ito ang suwerte ng kanyang ina.  Sino nga ba ang makapagsasabing hindi nagkakatotoo ang hula? 

Nang magliwanag ay binitbit niya ang mga basura sa gilid ng bahay.  Dinampot niya ang mahabang walis-tingting at winalis ang mga tuyong dahon at bunga na nangalaglag sa lupa mula sa puno ng talisay.  Maya-maya ay may narinig siyang sumisipol, sinundan ng tunog ng malakas na tilamsik ng tubig na nanggagaling siguro sa hose.  Tumungtong siya sa silya para silipin ang nasa kabilang bakuran.  Tumambad sa paningin niya ang isang lalaking nakatalikod na nakasuot ng yellow basketball uniform.  Esguerra 17. 

I Couldn't Ask For MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon