The Courtship

21.9K 553 74
                                    

"YOU ARE in serious trouble. Habulin mo, baka maabutan mo pa," tulak ng babae kay Seth.

"Paano ka?" alanganing tanong niya dito.

"Parating na si Cyd. Huwag mo akong alalahanin."

"Okay, salamat." Mabilis siyang tumalikod.

"Wait! You forgot the ring!" Hinabol siya ng babae para iabot ang maliit na kaheta.

Nang makarating siya sa sakayan ay hindi na niya naabutan ang kaaalis lang na jeep. Mabilis niyang binalikan ang bagong Montero sa car park at pinaharurot iyon papunta sa bahay ng biyenan.

"Mama, si Daphne po?" Nagmano siya sa babae.

"Sumaglit sa mall, anak. Naubusan kasi ng diaper si baby. Hintayin mo na sa itaas. Tamang-tama, gising ang anak mo."

Pinuntahan niya ang anak. Nilaro-laro niya ang baby sa crib at saka inilibot ang paningin. Ngayon pa lamang niya napagmasdang mabuti ang silid ng asawa. Sa tuwing dadalaw kasi siya dito ay nasa bata lang ang focus ng mga mata niya.

Napansin niya ang laptop na nakapatong sa side table. Pinindot niya ang power button nito. Maya-maya pa ay lumitaw ang desktop background nito. Larawan nilang mag-asawa noong araw ng kasal nila. Pinagmasdan niya ang mukha ng asawa. There was that glow in her eyes. Bakit hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang larawan na iyon, samantalang malinaw na sinabi nitong gusto na nitong ipa-annul ang marriage nila?

Bumukas ang pinto. Nang lingunin niya ito ay nahuli pa niyang nagpahid ng mukha ang asawa.

"Are you... crying?"

Halatang nabigla ito nang maabutan siya doon. Hindi nito siguro napansin ang sasakyan niya dahil ipinarada niya ito sa unahan ng van ng Tito Oliver nito.

"My... my rhinitis."

"Bigla ka na lang umalis. Hindi tuloy kita naipakilala sa kasama ko."

"I thought you love Karen? Bakit ibang babae na naman ang kasama mo?"

Kumunot ang noo niya doon. "What did you say?"

"You heard me."

"Sino'ng nagsabi sa 'yo na may mahal akong Karen?"

"Ikaw mismo."

"I never told you that," he said with conviction. May hinalang bumangon sa isip niya.

"Iyon ang gustong iparating ng mensahe mo."

"Which message?"

"C'mon, you know what I mean. You don't need to deny or explain anything. Karen told me everything I need to know."

"Paano mo nakausap si Karen?"

"Sa FB."

"You're friends with her?" totoong nagulat siya doon.

"Only on Facebook. Alam ko na ang tungkol sa pagbubuntis niya. Dahil doon ay kailangan mong timbangin ang sitwasyon. Kailangan mong pumili. At naiintindihan ko kung bakit nagsisisi ka sa pagpapakasal mo sa akin."

"Wait! What the hell..." napapailing siya sa naririnig. "Kung totoong buntis si Karen, wala akong kinalaman doon, I swear!"

"I don't believe you. Magkasama kayo sa iisang bahay."

"It was our hostel! Anim kaming nakatira doon."

"Eh, ano kung isang dosena pa kayo doon, kung ikaw naman ang karelasyon niya? Hindi ka nga makatingin nang diretso sa akin sa tuwing pupunta ka dito dahil guilty ka." Ang katatagan sa anyo nito ay biglang nabura. "Puwede ka naman sanang magkunwari na nasasabik ka sa muli nating pagkikita."

I Couldn't Ask For MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon