The "Boyfriend"

11.1K 298 5
                                    

              CHAPTER FOUR

KASAMA ang Mama ni Daphne sa gaganaping free medical mission na programa ni Mayor para sa mga kapus-palad sa resettlement area.   Nagpresinta si Daphne na sumama tutal naman ay walang pasok.

Pagdating niya sa venue ay nagulat pa siya nang makita ang pick-up ni Seth na nakaparada sa gilid ng malaking tolda.

“Hey!  Bakit nandito ka?” gulat na tanong nito nang mamataan siya.
“Sumama ako kay Mama.”

“What a bright sunny day, lalong nagliwanag ngayong nandito ka.”

“Yuck!  Paano mo napapasagot ang mga girls sa baduy na linyang iyan?”

“Hindi ko pa naranasang manligaw ng babae, kaya ang baduy na linyang iyan ay para lamang talaga sa ’yo.” 

“Eeww!”  Humakbang siya para habulin ang ina, at para iwasan ang nakakailang na titig ng binata. Umupo siya sa registration table kung saan siya iniwan ng Mama niya.  Inilabas niya ang mga naka-gupit na card board na may mga numero at ang blank forms na ipapa-fill up sa mga pasyente.

“Nag-almusal ka na ba?” tanong ni Seth na hindi niya namalayang nakasunod sa kanya.

“Oo,” tipid na sagot niya. 
Umupo ang binata sa bakantang upuan sa tabi niya.  “Ako, hindi pa.  Ang sabi kasi ni Marcus maghahatid lang kami ng gamot dito, tapos sisibat na.”

“O, eh bakit hindi ka pa umuwi?”

“Mag-aassist muna daw kami.  Hanggang mamaya ka ba dito?”

“Hindi rin.  Pagdating ng mga kasama ni Mama ay uuwi na rin ako.”

“Sabay na tayong umuwi.   Wala man lang nag-sponsor ng almusal?  Gutom na ako, eh ”

Hindi niya ito sinagot.  Nag-umpisa na siyang mamigay ng papel sa mga nakapila.  Nang tumayo ang lalaki ay sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa paningin niya.  Pagbalik nito ay may dalang biscuits at dalawang chocolate drink.  Iniabot nito ang isa sa kanya. 

“Sa tingin mo ba ay makakakain ako sa harap ng mga taong iyan?” bulong niya dito.

“Why not?”  Akma na itong susubo ng hawak na biscuit nang sumagot siya.

“It’s rude, Seth.  Look at that poor boy.  Nakatingin siya sa iyo.  Kapag binigyan mo iyan ay maiinggit lang ang ibang mga bata.  Nalimutan mo na bang slum area ito?”

Bigla ay ibinaba nito ang hawak na biscuit at iniabot sa batang lalaki na nasa harap nila.  Hinarap siya nito pagkatapos.  “Kailangan mo ba talagang gawin iyan?”

“Alin?”

“Iyang ikaw pa ang susulat para sa kanila.”

“Ang iba kasi ay hindi marunong sumulat.”

Napakamot ito sa batok.  “Baka puwede namang uminom, ano?”

Natawa siya sa anyo nito.  “Kumain ka na muna sa sasakyan.”

“Ikaw?”

“Okay lang ako dito.”

Nang makabalik si Seth ay may katabi na siyang isang may edad na ginang na isa sa mga organizers.  Ito na ang may hawak ng forms at siya ay taga-abot na lang ng numero.

“Excuse me po, puwede ko pong hiramin ang girlfriend ko sandali?”  paalam nito sa ginang na ngumiti nang malapad dito saka tumango.

Pagtayo niya ay hinila siya nito papunta sa nakaparadang sasakyan. “Girlfriend?”

I Couldn't Ask For MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon