New Prospect

10.9K 313 3
                                    

               CHAPTER FIVE

“BILIS Chloe, magsisimula na iyong sinusubaybayan nating drama sa TV,” hila-hila niya ang chain ng alagang aso.  Sa kabilang kamay ay isang pakete ng sangkap sa pagluluto na pinabili ng lola niya sa tindahan.  Pagtapat niya sa kanilang gate ay may humintong pulang kotse sa tabi niya.  Nang magbukas ito ng bintana ay nakilala niya ang magandang babae.  Si Karen.

“Miss, puwedeng magtanong?” Itinaas nito sa ulo ang suot nitong shades.  “Oh, you’re... ano na nga kasi ang pangalan mo?”

“Daphne.  Si Seth ba ang hinahanap mo?”

“Yeah.  Akala ko ay naliligaw na ako,” nakangiting sagot nito.

“Ayan ang bahay nila.  Halika, sasamahan kita sa loob.”

Itinabi ng babae ang dalang kotse.  Paglabas nito ay nanliit siya sa nakitang anyo nito.  Para itong artista na sasabak sa shooting.  Ang makikinis nitong legs ay litaw na litaw sa suot nitong mini skirt.  Sumunod ito sa kanya nang pumasok siya sa gate ng kabilang bahay.  Kumatok siya sa pinto.  Habang hinihintay itong magbukas ay hinarap niya ulit ang babae. 

“Alam ba niyang darating ka ngayon?”

“Gusto kong sorpresahin siya kaya hindi ko sinabing pupunta ako dito.”

“Naku, madalas pa namang wala siya kapag araw ng Sabado.”

“Ganoon ba?” 

Hindi na siya nakasagot dahil bumukas na ang pinto, at sinunggaban na ng magandang babae ang guwapong binata na halatang nabigla sa pagdating ng bisita. 

“Seth, darling!”  Then she kissed him passionately. 

Napasandal siya sa dingding ng bahay para hindi siya makita ni Seth. Nang hilahin na nito ang bisita papasok ng bahay ay doon pa lamang siya humakbang palabas ng gate.  Saktong naisara niya ang gate nang may marinig siyang tunog ng biglaang pagpreno ng sasakyan.  Nang lumingon siya ay nakita niya si Chloe na nasa ilalim ng gray na kotse.

Napasigaw siya nang malakas nang makita ang dugo sa paligid ng aso.  Mabilis na lumabas ang driver ng kotse. 

“Miss, I’m so sorry!  Bigla na lang tumakbo ang aso sa gitna ng daan.”

Doon bumukas ang gate at lumabas si Seth kasunod ng bisita nito.  “Daphne!  What happened?”

Umiiyak na sumubsob siya sa dibdib ng lalaki.  “I don’t want to see her!” 

Niyakap siya nito at hinimas-himas ang buhok niya.

“Pare, hindi ko sinasadya,” hinging paumanhin ng driver.

“Kasalanan ko, naiwan kong nakaawang ang gate namin,” humagulgol na siya ng iyak dahil sa sinapit ng kawawang alaga. “Is she...”

“Hush, baby.  Hindi mo kasalanan, aksidente ang nangyari.”  Sige ang hagod nito sa likod niya at panay ang halik sa buhok niya. 

Nagsalita si Karen na nasa likod ng binata. “It’s just a dog, for Christ’s sake.”

Nanlilisik ang mga mata niya nang harapin ang atribidang babae.  “That dog is so important to me, kaya huwag mong ma-just-just!”

“Papalitan ko na lang ang alaga mo, Miss,” alanganing sabi ng driver ng kotse.

“I don’t want another dog!”

“Hahanap tayo ng kamukha ni Chloe, huwag ka ng umiyak, please.”  Pag-aalo muli ni Seth sa kanya.  “Halika na, ihahatid na kita sa loob ng bahay ninyo.”

I Couldn't Ask For MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon