Falling Apart

11.6K 277 4
                                    


“SUMASAKIT na ang ulo ko sa kaiisip kung ano'ng posibleng dahilan ng ipinagkakaganyan ni Daphne.  It can’t be just my delayed flight!  Grabe namang tampo iyon.  Ayaw niyang sagutin pati ang mga tawag ko sa Mama.”

“Ipinaliwanag mo bang mabuti sa kanya?”

“Hindi ko nga siya makausap.  Pero panay naman ang padala ko ng mensahe sa kanya at ipinaliwanag ko ang sitwasyon.”

“Nabanggit ko na rin sa kanya ang problema mo sa trabaho, pero no comment lang siya.”

“What is going on?  Don’t you have any idea?”

“Eh, Kuya, baka dahil doon sa ipinagtapat ko sa kanya bago siya nanganak.  Kasi hindi rin niya ako masyadong kinikibo kapag dinadalaw ko siya.  Baka galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon.”

“What do you mean?”

Matapos magkwento ni Jessica ay hindi napigilan ni Seth ang matinding galit dito.  “Pati ba naman ikaw, Jessica?  Anong kabaliwan iyan?  Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo?”

“I’m sorry, Kuya.”

“Alam mo naman kung paanong seryosohin ni Daphne ang mga kalokohang iyon!  She married me for the wrong reason, and now... Look what you’ve done!”  Ngayong malinaw na sa kanya ang lahat ay hindi matanggap ng pride at ng puso niya na hindi siya totoong mahal ng asawa. 

“Hindi ako naniniwala doon.  Alam kong mahal ka talaga ni Daphne.”

“Magmula ngayon ay huwag ninyong pakikialaman si Daphne.  Sabihin mo kay Mommy iyan.  Huwag n’yo siyang kukulitin, naiintindihan mo ba ako, Jessica?”

“Opo.”

********************************

       CHAPTER ELEVEN

DALAWANG linggo pa ulit ang lumipas.  Sa loob ng mga panahon na iyon ay hindi na ulit nakatanggap ng tawag si Daphne mula kay Seth.  Hindi na rin dumalaw ang biyenan niya at pati si Jessica. Nasasaktan siyang isipin na iyon na talaga ang katapusan ng lahat. 

Isang hapon ay nabigla na lamang siya nang sumulpot sa harap niya ang asawa.

“Kailan ka pa dumating?” alanganing tanong niya dito.  Halos bumuka ang dibdib niya sa lakas ng kabog nito.

“Last night.”  Iginala nito ang paningin sa loob ng bahay.  “Gusto kong makita ang anak ko,” malamig na sabi nito.

Itinuro niya ang silid niya sa itaas.  Nilampasan siya ng lalaki at mabilis itong nagtuloy doon.

Naabutan niya itong karga ang natutulog na sanggol.  “Careful, baka magising mo siya.” 

Nang humarap ito sa kanya ay nakita niya ang paghihirap ng loob nito.  “I’m sorry kung wala ako sa tabi mo noong mga panahong kailangan mo ako.  Naipit lang ako sa sitwasyon.”

“Tapos na iyon.  All I want now is my freedom, so we can both go on with our own lives.”

Napanganga si Seth.  “You’ve got to be kidding me.”

“Hindi ginagawang biro ang ganitong bagay.  This is my life."

“Is that really what you want?” 

“Iyon ang nararapat gawin.”

“We can give it another try, Daphne.”

“No.  I just can’t live like this.”

“Paano ang anak natin?”

“You can visit Stephie anytime, hindi ko aalisin ang karapatan mo sa bata.”

Nagbuga ito ng hangin.  “Kinatatakutan kong darating ang araw na ito.  And here it is.  Ginawa ko ang makakaya ko to make this marriage work...”

“It won’t work, because we married for the wrong reason.  Let’s save ourselves from misery, ngayon pa lang ay itama na natin ang mali.”

“I thought you’re just a natural cry baby.  Hindi ko inakala na ganyan ka rin kababaw at ka-asal bata.”  Ibinaba nito ang sanggol sa crib at walang sabi-sabing lumayas sa harap niya.

Nanlalambot na ibinagsak niya ang sarili sa higaan.  Round one.  Hindi niya alam kung hanggang saan siya tatagal.

Araw-araw ay dumadalaw si Seth.  Pero minsan man ay hindi siya nito kinibo o sinulyapan man lang.  Lalo lamang siyang nasasaktan sa kalamigang iyon.  Can’t they part ways as friends, alang-alang man lang sa bata?

  💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

PAGDAAN ni Daphne sa harap ng isang jewelry shop ay naagaw ang atensyon niya ng isang simpleng gold bracelet na para sa bata.  Niyuko niya ito para sipating mabuti.  Nang mag-angat siya ng paningin ay nasalubong niya ang isang pares ng mga mata sa kabilang bahagi ng glass cabinet.  Siguro ay doon din ito sa bagay na iyon nakatingin kanina. 

Lumabas ang lalaki para harapin siya.

“Hi,” alanganing bati niya dito.

“Seth, I really like this one.  Ito na lang,” tinig ng isang matangkad at magandang babae mula sa loob ng shop. 

Nilingon ito ng lalaki na naka-krus ang dalawang braso sa dibdib.

“We’ll take it.”

Mula sa pag-aassess sa kabuuan ng babae ay bumalik ang mga mata niya kay Seth, na ngayon ay matiim na nakatitig sa kanya.  “I have to go.”

Mabilis ang mga hakbang niya palayo sa lugar na iyon.  Nang makakita ng restroom ay nagtuloy siya sa loob at doon ay malaya niyang inilabas ang sakit na nararamdaman.

   💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔💔

I Couldn't Ask For MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon