FAREWELL party ni Seth. He was leaving for Indonesia the following morning. Kinuha ito ng dati nitong employer sa Malaysia noon para sa bagong bukas na branch ng coconut milk factory nito. Kung noon ay isa lamang Production Engineer ang binata, ngayon ay promoted na ito bilang Production Manager.Ang orihinal na plano ni Jessica ay isang overnight party sa isang beach resort, pero tumanggi si Seth dahil gahol na raw sa oras. Kaya ginanap na lamang ang salo-salo sa dalawang palapag na building ng St. Matthew.
Nasa ilalim ang warehouse at opisina ni Marcus na siyang General Manager dito. Sa itaas ay may kitchen at dalawang silid na maaaring gamitin during siesta time. Ang isa pang silid sa dulo ay conference room. Sa rooftop nila ginanap ang party.
Kumpleto ang tropa ni Seth. Nandoon din ang staff na bumubuo sa St. Matthew. Dumating din ang ilang pinsan nitong lalaki na galing sa Marikina.
Si Jessica ay abala sa pag-entertain sa mga bisita, samantalang si Daphne ay nagmumukmok sa isang tabi. Ngayon niya ramdam ang halaga ng presensya ni Seth sa buhay niya. Pero ano ba ang magagawa niya? She was just a kid sister to him. Lagi itong nasa tabi niya to protect her and cheer her up, just as he always did to his sister Jessica.
Past ten pa lang ay nakaramdam na siya ng antok. Palibhasa ilang gabi na siyang hindi nakakatulog dahil sa kaiisip sa binata. Tumayo siya at nagpunta sa kitchen sa ibaba. Pinakialaman na niya ang coffee maker. Nagsalin siya sa isang tasa at dinala sa mahabang mesa. Wala sa loob na umupo siya sa isang upuan habang tinititigan ang umuusok na kape. Ilang minuto rin niya itong hinipan at hinalo hanggang sa palagay niya ay kaya na niya ang init. Nang iangat niya ang tasa para humigop ay nagulat siya sa isang tinig na nagmula sa kanyang likuran.
“Ano’ng ginagawa mo dito sa ibaba?”
Dahil sa gulat ay napalundag siya sa kinauupuan. Ang mainit na kape ay tumapon sa kandungan niya. Isang impit na daing ang kumawala sa lalamunan niya.
“Jesus! I didn’t mean to scare you!” Mabilis siyang dinaluhan ng binata. Kinuha nito ang tasa sa kamay niya at walang sabi-sabing binuhat siya at iniupo sa itaas ng mesa. Hinawi nito ang suot niyang palda para tignan ang nabanlian niyang hita. “Shit!”
Mabilis itong nagpunta sa ref at kumuha ng ice tubes. Pagbalik ay itinaas nito ang kaliwang binti niya. Nang pagapangin nito ang yelo sa hita niya ay nangilabot siya. Bawat dantayan ng yelo at ng dulo ng mga daliri nito ay naghahatid ng nakalilitong pakiramdam sa kanya... ginhawa mula sa init ng pagkakapaso at ibayong init naman na gumagapang sa buong pagkatao niya.
Patuloy ito sa ginagawa, mula sa tuhod pataas sa hita niya, at pababa ulit. “Wait, magpapabili ako ng burn ointment.”
Bago pa nito naibaba ang binti niya ay napigilan na niya ito. “I’m okay. Hindi naman grabe ang pagkakapaso ko dahil makapal na maong ang skirt ko, isa pa’y hindi na ganoon kainit ang kape.”
“Are you sure?”
“Yeah, okay na ang ice.”
Muli itong dumampot ng yelo mula sa bucket at idinikit sa balat niya. Nang mag-angat ito muli ng mukha ay nasalubong niya ang mga mata nito. May kakaibang emosyon siyang nababasa doon na hindi niya dating nakikita sa binata. There was worry and there was tenderness. Then there was...
“Daphne...”
She felt uneasy and nervous. Sinikap niyang bumaba mula sa mesa pero ang katawan ni Seth ay nakaharang sa harap niya. Ang palad nito na nakapatong sa hita niya ay bumaba sa tuhod. Nang umangat ang isang palad nito papunta sa pisngi niya ay napalunok siya.
BINABASA MO ANG
I Couldn't Ask For More
Romancepublished under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi na lamang siyang dinadalaw ng isang lalaking walang mukha sa mga panaginip. Kaya nga naging mission...