KINAGABIHAN ay bisita nila ang pamilya Esguerra, minus the head of the family. Pero ayon sa Mommy ni Seth ay pinaaabot ng Daddy nito ang blessing nito para sa kanilang dalawa. She almost winced when the old lady hugged her tightly. Kasunod noon ay ang umiiyak na si Jessica.
“Kainis ka! Bakit lahat na lang ay ipinaglilihim mo sa akin? Iniisip mo ba na hindi kita gusto para kay Kuya? Gusto ko talaga na kayong dalawa ang magkatuluyan. Kaya lang dahil doon sa hula...”
“Shut your big mouth, Jessica!” mabagsik na putol ni Seth sa sinasabi ng kapatid. Itinuro nito ang silya para paupuin doon ang dalaga.
Ang Mama at Tito Oliver niya na napilitang umuwi dahil sa tawag niya ay nanatiling nakamasid at walang alam sa nangyayari.
“Nandito kami para hingin ang kamay ng iyong anak,” natutuwang sabi ng Mommy ni Seth.
Lumipad ang nagtatanong na tingin ng Mama niya sa kanya. “Ano’ng ibig sabihin nito, Daphne?”
“I’m sorry, Mama. Si Seth po ang ama ng dinadala ko.” She glanced at him, at nakita niya nang bumuga ito ng hangin.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” nagdaramdam na tanong ng Mama niya. “Akala ko ba...”
Si Seth ang sumagot sa tanong na iyon. “Pasensiya na po kung ipinaglihim namin ang tungkol sa amin. Daphne is so young. She’s afraid and confused. Ang totoo po niyan, kahit sa akin ay naglihim siya. Kung hindi pa sa pinsan kong si Marcus ay hindi ko po malalaman ang tungkol sa kalagayan niya. Gusto ko po sanang makasal kami agad bago ako bumalik ng Indonesia.”
Natapos ang gabing iyon na hindi niya nakuhang magsalita ulit. Panay tango lang siya habang pinag-uusapan ang petsa at detalye ng kanilang civil wedding. Ngayon ay mas mauuna pa tuloy siyang ikasal sa Mama niya.
Kinabukasan ay sinundo siya ni Seth para dumalo sa seminar na kailangan para sa paglakad ng kanilang marriage contract. No one dared to speak. Funny that all of a sudden they became strangers to one another. Kung kailang ikakasal na sila ay doon pa nagkaroon ng malaking pader na nakapagitan sa kanilang dalawa.
Kung noon ay protective si Seth sa kanya, nadoble pa ngayon dahil sa dinadala niya. Lahat ng iyon ay para sa magiging anak nila. Habang naglalakad ay mahigpit ang kapit nito sa beywang niya. Nang magpatingin siya sa OB-Gyne ay mas madami pa itong tanong kesa sa kanya.
Pababa na sila ng building nang may makasalubong silang kapwa nito Sales Rep noon. Ang braso nitong nasa balakang niya ay umangat para akbayan siya.
“Seth! Akala ko ba nag-abroad ka?”
“Oo, naka-bakasyon lang ako nito. By the way, meet my wife, Daphne.”
Kinamayan siya ng lalaki na naka-suot ng purple polo na may tatak ng isang multi-national drug company. “Hello,” bati nito sa kanya bago muling hinarap si Seth. “Hindi na ako magtataka kung bakit noon pa man ay dedma mo si...”
“Walang laglagan, P’re!” Nakangiting putol nito sa sasabihin sana ng lalaki na ikinatawa na lang nito.
“Tindi mo talaga, idol!”
Nang makatalikod ang lalaki ay sinita niya si Seth. “Hindi mo pa ako asawa.”
“You will be my wife, Daphne. Walang makapagpipigil no’n, not even the devil himself,” buong katiyakang pahayag nito.
Pauwi na sila nang biglang may sumulpot na motorsiklo mula sa isang kanto. Bigla ang pagtapak nito ng preno. “Shit!” Kasabay noon ay ang pagharang ng braso nito sa harap niya. Mahihiya ang seatbelt na suot niya sa bilis ng reflexes ng lalaki. Hinarap siya nito at hinawakan ang kanyang palad.
BINABASA MO ANG
I Couldn't Ask For More
Romancepublished under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi na lamang siyang dinadalaw ng isang lalaking walang mukha sa mga panaginip. Kaya nga naging mission...