CHAPTER TEN
TUWING gabi ay kausap ni Daphne ang asawa through the internet, maliban na lang kung may overtime work ito at inaabot ng madaling-araw sa planta. Maging hanggang sa pagtulog ay gusto nitong naka-on pa rin ang kanilang video chat. Gusto raw nito na parang magkatabi pa rin sila sa pagtulog kahit karagatan ang layo nila sa bawa’t-isa.
Pagkagising niya sa umaga ay laging may iniiwan itong habilin sa kanya para sa buong maghapon. Pero minsan man ay hindi nito binanggit ang mga salitang hinihintay niya. Ganoon pa man, hindi niya maikakaila ang kaligayahang nadarama sa tuwing nakikita at nakakausap niya ito online.
Mabilis na lumipas ang panahon. Ngayon ay kabuwanan na niya at nakatkda ng umuwi si Seth bago dumating ang due date niya. Na-approved na ang early exit nito dahil dumating na ang kapalit na kasalukuyan nitong tine-train bilang bagong production manager.
Abala siya sa pagbabasa ng newsfeed at pagbukas ng mga shared links sa Facebook nang biglang may sumulpot sa ibaba. It was Karen. Napakunot ang noo niya doon. Matagal na niyang friend ito sa FB, that same day na makilala nila ni Jessica ang dalaga ay ini-add na sila nito. And now, just like an old close friend ay nakipag-chat ito sa kanya.
Karen: Hi, still remember me?
Daphne: Yeah, of course.
Karen: Seth is still busy. Nagka-problema kasi ang isang makina kaya naantala ang production.
Daphne: I see.
Karen: Umaga na matatapos iyon. Nasayang lang nga iyong inihanda kong dinner, nilamig na sa mesa. Ipapainit ko na lang pag-uwi niya, for breakfast.
Daphne: Nandiyan ka sa bahay niya ngayon?
Tumaas ang isang kilay niya.Karen: Magkasama kami sa bahay, katulad din sa Malaysia noon. It’s inside the company premises. Masuwerte kami dahil kumpleto sa kagamitan. But you know, it’s so lonely here. Walang night life. Liblib na lugar kasi itong napuntahan namin. Kaya nga Seth and I just stare at each other every night.
Stare at each other? My foot!
Biglang kumulo ang dugo niya sa nalaman. Walang nababanggit ang asawa tungkol sa balahurang ito. Hindi tuloy niya malaman kung paano magre-react ngayon.
Karen: Got to go, Daphne. Magpe-prepare pa ako ng mga kailangan para sa birthday party niya bukas ng gabi. Take care of your baby.
Daphne: Okay.
Mabilis siyang nag-log out. Gaga! Iyon lang ang kaya mong sabihin? Okay?
Galit na galit siya sa asawa. Oo nga’t alam niyang kasama nito sa trabaho si Karen, pero hindi sa ilalim ng iisang bubong. Past ten na ng makatanggap siya ng overseas call mula dito.
“Baby, I can’t go online. I’m kinda busy, may trouble sa planta, eh. Don’t wait for me, okay? Matulog ka na nang maaga.”
“Okay.”
“Is something wrong? You sound strange.”
“Nakasumpong ang rhinitis ko.”
“Check your inhaler, okay? Magpahinga ka na.”
“Okay.” She clicked the end button. She’s sick and tired of saying the word “okay” when she’s feeling otherwise.
Minabuti niyang libangin ang sarili. Lumabas siya ng silid ng asawa at natanawan niya si Jessica sa verandah na may kausap sa cellphone.
BINABASA MO ANG
I Couldn't Ask For More
Romancepublished under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi na lamang siyang dinadalaw ng isang lalaking walang mukha sa mga panaginip. Kaya nga naging mission...