CHAPTER EIGHT
IBINABA ni Daphne ang binabasang libro sa side table nang makaramdam ng antok. Nasa bakasyon ang Mama niya kaya sila lamang ng lola niya ang naiwan dito sa bahay. Next month ay matatapos na siguro ang pina-renovate na bahay ng Tito Oliver niya. Nagpadagdag ito ng dalawa pang silid para sa kanila ng lola niya. Siguradong bago siya manganak ay nakalipat na silang lahat sa bahay nito.
Nagising siya sa malalakas na katok sa pinto ng silid niya. Matanda na ang lola niya at hindi na nito kayang kalampagin ng ganoon ang pinto niya. Nagtatakang napabangon siya para tignan kung sino ang may gawa no’n. Pagbukas niya ng pinto ay automatic na napaatras siya dahil daig pa niya ang nakakita ng multo.
Nang makapasok ang intruder ay malakas nitong itinulak pasara ang pinto. Mula sa mukha niya ay lumipad ang tingin nito sa tiyan niya.
“How could you do this?” may galit sa tinig at mata ng binata. “How long do you intend to keep this from me?”
“Anong...”
“Answer me!”
Ito ang ikalawang beses na nakita niyang nagalit si Seth at muli ay nanayong lahat ng balahibo niya sa braso.
“Sino ang ama ng batang iyan? Say it, Daphne, please. I beg you.” Mula sa galit ay napalitan ng pakiusap ang tinig nito.She was confused and hurting. Dapat ba niyang ipaalam dito na nabuntis siya nito? Para ano? Para kaawaan nito? Para mag-offer ito ng financial support? Para pag-usapan ang custody sa bata?
“It’s not yours,” taas-noong sagot niya dito.
“Liar! Look into my eyes at sabihin mo ulit na hindi akin iyan,” hamon nito. “You don’t even have a boyfriend, Daphne.”
“Kaya kong palakihin ang batang ito na nag-iisa.”
“Really? Kaya mo din bang gawin ang batang iyan na nag-iisa?”
Hindi siya nakasagot doon.“Okay, kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, fine! I will marry you.”
“Are you insane?”
“Kung wala kang maihaharap na ama niyan sa akin ay mapipilitan kang pumayag sa gusto ko, or I will tell your Mom about us.”
“Ano’ng karapatan mong gawin iyan? Ni hindi mo nga ako tinawagan sa loob ng tatlong buwan. Ngayon ay basta ka na lang susugod sa kuwarto ko na parang nasa iyo ang lahat ng karapatan!”
“Dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa ’yo. Dahil gusto kitang bigyan ng panahon para mag-isip. At dahil hinihintay ko na ikaw mismo ang makaramdam ng pagkawala ko, but it seems that you are so immune to my absence. I’m so mad at you, Daphne.”
“Eh, bakit mo ako pakakasalan? Dahil lang nabuntis mo ako? Should two people marry for that simple reason? We had casual sex. That’s it.”
“Shut up! Ano’ng alam mo sa casual sex?”
“Nangyari iyon dahil lasing ka.”
“Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang ginagawa ko noon? Puwes, alam ko! I knew and I can still remember every single detail. Because I was not drunk. Hindi magagawa ng isang lasing ang lahat ng ginawa ko sa ’yo.”
“You mean... ”
“I heard all those moans. I heard you crying in pain, and then in passion. I got your scent and I memorized every contour of your body.”
“Oh, my God. Stop it.” She blushed in shame.
“And I can still remember how it felt like inside you.”
BINABASA MO ANG
I Couldn't Ask For More
Romancepublished under PHR 2012 (Modified version) Natanim sa isip ni Daphne ang hula sa kanilang mag-ina noong bata pa siya. Bakit ba hindi, eh lagi na lamang siyang dinadalaw ng isang lalaking walang mukha sa mga panaginip. Kaya nga naging mission...