(1) Familiar

51 8 47
                                    

Samantha's POV

Ang boring naman ngayong araw. Well,  araw araw namang boring eh.  Sana mag pasukan na.  Kung pwede nga lang na pumasok na ako sa school namin,  gagawin ko ehh. 

At dahil bored ako,  nakatitig lang ako sa isang picture sa aking phone. Isang lalaki sya na grade 9 or third year high school na siguro sa pasukan. Hindi ko nga alam kung bakit ako napunta dito sa account nya sa FB eh.  Ni hindi ko nga alam kung anong name nya.  Kung hindi ko lang nakita ung pangalan sa account,  di ko malalaman. 

Familiar sya ehh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Familiar sya ehh.  Parang nakita ko na sya sa school pero d ko lang ma recall.  Marquez din ang Surname nya.  Alam nyo,  may ka batch ako na Marquez din ung surname ehh.  Nathan ung name nya.  ( Who cares? )

Okay back to the topic.  Kung ide describe ko sya based on his looks,  gwapo sya.  Wait,  di lang pala gwapo.  Sobrang gwapo! Jusme napaka puti nya.  Siguro pag sa hagdan namin sa school,  sya kaagad ung makikita mo kasi napaka puti and 6" feet pa.  Grabe..  Ang tangkad nya.  Leeg nya nga lang ata ako eh. 

"Samantha anak! Anne and Diane are here! Bumaba ka na dyan at aalis ata kayo ng mga kaibigan mo" - mom

"Yes mommy! "

Yass andito nanaman sina Anne at Yan.  Sila ang bestfriends ko simula grade 1 palang ako.  Never nila akong iniwan.  At syempre,  ako din. 

Dali dali akong bumaba sa hagdan namin at  nakita si Bea at Yan na nakaupo sa malaking sofa namin at prenteng prente na umiinom ng iced coffee.  Hehe..  At home na at home ahh d-_-b

"Hello mga beshie kooo! " -sigaw ko sa kanila.

Tiningnan nila ako tsaka dali daling tumakbo papunta sakin si Yan.  At times,  naiisip ko na parang sya pa ung pinaka bata sa aming tatlo.  Pero minsan lang un ^_^ ako na un ehh.

Pumunta din sakin si bea at nagyakapan kami for like 10 secs.  Muntik na nga akong di makahinga eh
d -_-+b

"Omg bess!  We missed you so much!! How have you been? Di ka ba nabo - bored dito? "  tanong ni Bea sakin.

"Ang saya kaya dito sa bahay! Kain tulog laptop at phone lang ako!  As in supeeeer saya grabe ๏︿๏"
*sarcastic tone*

"That's okay bes. May next year pa naman. I'm sure hindi na busy sina tito at tita sa pag aarange ng kompanya nyo.  Ang laki laki naman kasi ng kompanya nyo! Buong mundo ata inaasikaso nyo eh!  Kayo na mayaman bes! " - Yan

"Tsss.  Di naman bes.  Okay lang din naman.  Kaso kasi kayoo ngayon nyo lang ako binisita dito!  Tapos di nyo pa ako sinama sa outings nyo! Badd! " - me

"Bess,  family outing un. Halos buong angkan at ninu ninuan, kasama sa outing namin!  Nukaba bes! Wag ka magtampo kung parehas na may outing kami ni Bea!  At parehas din na may valid reasons kung bakit di ka makakasama. Maybe you deserve more than an outing you know" - Yan

Ang lalim ahh >_<

Kumain na kaming tatlo ng snacks at nagpaalam kina mommy at daddy. Pupunta daw kami sa mall ehh.  Bumabawi ata ung dalawa.  Libre daw nila ako ehh!  Tig 1,000 php daw silang dalawa.  Tss kuripot naman hays  d-_-b

Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa isang boutique sa mall.  Madaming magaganda pero wala akong mapili. Sila bea naman ay tumitingin ng damit. Habang ako,  pinagmamasdan ko lang ang sign sa may pinto nang may biglang dumaan na lalaki.  Napaka puti wth.  Tao pa ba to?? 

Tsaka ko lang sya nakilala nang bigla nya akong tinapik sa balikat. 

"Miss,  ung panyo mo.  Eto oh,  nabitawan mo ata. "

"Ahhh haha..  *awkward* salamat Kuya. " sabi ko habang kinukuha ang panyo kong kanina ko pa pala nabitawan.  Ngumiti lang sya sakin at pumasok na sa boutique. Pinagmasdan ko syang pumunta sa counter at may kinuha syang dalawang paper bags na may lamang mga damit.

Lumabas na kaagad sya matapos syang dumaan sa gilid ko palabas.  Umiwas kasi ako ng tingin ehh.  Ang awkward kayaa!  Ang gwapo kasi ehh!!

Sya si Nico Marquez.  Ang sinasabi ko sa inyong grade 9 na sa pasukan namin sa school sa isang linggo.  Paguwi namin sa bahay,  agad agad kong pinakita ang account ni Kuya Nico.

"Hala ka Samantha! Namumula na ung tenga mo!  Di naman kita kinakagat sa tenga ahhh!  Anyare teh?  Tsaka bakit ngumingiti ka nalang dyan bigla bigla?  May saltik ka na ata ehh! Nakainom ka ba ng gamot? " -Yan

"Pati pisngi mo bes.  Tsaka jusko ung kamay mo ang lamig! Isa pa,  ano bang meron dyan sa panyo na yan ha? Kanina mo pa hawak yan simula ng nakita mo si Nico sa mall! Ano na bes?  Love at first sight ganern?  WALANG GANON UYY! " - Bea. 

Bitter amp >_<

Nakatitig parin ako sa picture ni kuya Nico at inaalala ang nangyari kanina.  Oo alam ko napaka liit na bagay lang nung nangyari at kung tutuusin,  parang napaka OA ko nga ehh.  Bakit ba kasi ganito nalang ako maka react?

Alam nyo, nung isang linggo ko pa binabalik balikan tong account ni kuya Nico ehh.. As in after ko kumain,  tingin sa pic nya.  Then pagkagising tas maaalala ko na agad sya,  tingnan ko lang pic nya sa phone ko, okay na. 

"CRUSH MO NA BA?!?" sabay na sigaw nila Yan. 

Ewan ko ba..  Bigla nalang akong nag nod.  Well,  crush ko na naman diba? Ehh bala na si batman.  Tsaka,  why not? Grade 8 palang naman ako sa pasukan ehh.  Pwede pa mag ka crush ya know.  Pero may boyfriend, ayoko pa.  Ibang level na yun ehh >_<.

Napakadami pang seremonyas na nangyari at pinag usapan namin ang iba't ibang bagay. 

Nang mag gagabi na,  umakyat na ako sa taas.  Umalis na rin sila Bea. Nag la laptop lang ako sa kwarto ko.  Stalker be like lang ang peg ko eh. At sino pa ba ang sino stalk ko?  Edi walang iba kundi si Kuya Nico.  Nagulat ako ng bigla syang nagpost :

Nicolo Marquez
     ・ 10 mins. ago
Glad to help :-) @NathanMarquez,  sana ikaw din bro keep it up! Be good always brother! Advance happy birthday to you!
87likes. 31comments.

Eehh? Nevermind.  Well,  wala pa akong lakas ng loob na magsend sa kanya ng friend request ehh.  Kapal ko naman.  Ni hindi nya nga ata ako kilala ehh.  Pati pangalan ko di nya siguro alam.  Well,  as i've said, bahala na si batman. Nag log out na ako at pinatay ang laptop ko.  Humiga na ako sa kama, nagdasal at diretso tulog. 






IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon