(13)

2 0 0
                                    

Nicolo's POV

"Honey, sure ka bang walang gusto sayo ung babaeng un?"

"Oo naman. Ano ka ba. Para ko na syang baby sister no. Hindi un magkakagusto sakin."

"Tss. The way she acts when I am infront of you? Mukhang patay na patay sayo. I always see her rolling her eyes when I'm around!! "

Hays. Eto nanaman kami. Lagi nalang nya akong tinatanong kung may gusto ba sakin si Sam. Tingin ko naman talaga wala eh. Meron ba?

"Basta i hate her!"

Di nalang ako sumagot at pinagpatuloy na lamang ang kinakain namin. Bukas na ang performance namin kaya todo practice kami ni Samantha para syempre di kami mapahiya.

Actually may halong excitement at kaba ang nararamdaman ko. Di naman sa first time kong magperform sa stage pero kasi.. basta.

Nang matapos na kaming kumain ni Ysa, nagpaalam na sya at nagpunta na sa class nya. Ganun din naman ako. Habang papunta ako sa aking classroom, maraming nakatingin sakin. Nginitian ko naman sila since di naman ako snob. Lol. Mabait kaya ako! Gwapo pa!

Samantha's POV

"Sus. Landi naman ng babaeng un. Kala mo kung sinong maganda. Pansin kong lagi nyang kasama si Nico ah."

"IKR!! Kala nya naman magugustuhan sya ni Nico"

"Pero di ba mabait un? I heard her classmates na mabait naman daw ah."

"Pfft. Whatever. C'mon girls!"

Lumabas ako ng cubicle at tumingin sa salamin. I was here the whole time. Tss.

Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Tsaka duh normal lang na magkasama talaga kaming dalawa ni Nico no! We're preparing something!

Maaga kaming na-dismiss ngayong araw dahil bukas na ang event at kailangang maghanda ng mga performers.

Nang lumabas ako ng cr, nakita ko si Nico na nag-aabang. May hawak syang bouquet ng red roses at uhm.. familiar na notebook?

Nang nakita niya ako ay mabilis na inayos ang kanyang tayo at matiim na tumingin sa akin.

"N-nico.. may hinihintay ka ba?"

"Ah.. ikaw sana. Sasabihin ko lang sana sayo na naiwan mo ung isang notebook mo sa bahay nung isang araw. Eto oh."

Inabot niya saakin ang notebook na naiwan ko at kinuha ko naman ito sa kanya. Eh ung r-rosas.. para kanino kaya? Ay.. malamang hindi para sayo! 'Ano ka ba naman Sam!'

"Salamat."

"Sige mauna na ako. Good luck satin bukas. "

Tinanguan ko sya at umalis na. Akmang lalabas na ako ng school gate nang may bumunggo saakin.

"Oh. Samantha the freak is here!"

Oh. Si Ysa pala. Anong kailangan nito?

Hindi ko sya pinansin at maglalakad na sana ngunit bigla ulit siyang nagsalita.

"Tell me. May gusto ka ba sa boyfriend ko?"

"W-what?"

"Oh. Let me rephrase that. Nilalandi mo ba ang boyfriend ko?"

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Tsh. Don't act as if you're innocent. Kinakalaban mo ata ako? We'll see." At iniwan nya na ako.

Ano un?? Nilalandi?? San banda tss. Mga praning nga naman oh.

Wala sila Bea at Yan ngayon dahil kasama sila sa magdedesign ng stage ngayon. Syempre di ako pwedeng sumali dahil performer ako.

Dumiretso na ako sa bahay at umakyat sa kwarto. Tinatamad akong magpractice. Hays.

Nagpunta ako sa veranda at uminom ng frappe. Hays. Another sigh again.

Teka, bakit parang ang lungkot ko ata? Hindi naman siguro dahil hindi sakin ibinigay ung rosas diba? Oo hindi dahil dun noh! Hindi talaga!

'Sige lokohin mo nalang sarili mo'

Hindi ko nalang pinansin ang sarili at nagpunta sa mall. Actually di ko alam kung bakit ako nagpahatid dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon