(7) Practice

16 3 1
                                    

Part 1 of chapter 7

A/N: Sorry sa typos and such! Sorry napatagal... Again. Mahaba haba naman po ito and may part 2 pa.  Hayy hobby ko na atang gumawa ng bitin na chap hehe. Sorry! Love ko parin naman kayo.  ♥♥    - Jaszszsg

Samantha's POV

"Hello mommy, kamusta na po kayo ni daddy dyan sa Japan?"

"Sweetie, okay naman kami dito ng daddy mo.  Wag mo kaming alalahanin masyado anak, how about you? How's your health and studies?"

"I'm fine mom.  May project nga po pala na pinapagawa sakin si Mr.  Gutch,  yung history teacher po namin. It's quite challenging but I'm sure that I will enjoy doing the school project that he gave me with another student."

"Wow, that's great anak! Wag mong pababayaan ang sarili mo ha.  Lagi kang mag-iingat dyan.  Oh sige na, we have to attend a meeting with other business managers here. Bye Sam, we love you!"

"Bye mom, love you too"

**End Call**

Masaya akong nakausap ko ulit si mommy.  She seemed so tired pero hindi nya lang pinahahalata sa boses nya.  I know her too well kaya kahit pagod ng boses nya ay alam ko.  I miss them so much..

Anyway, It's Saturday morning.  Kakakain ko lang ng breakfast.  It will be a busy day today dahil sabi ni Sir Gutch samin ni Nico nung isang araw, sana daw ay simulan na namin ang paggawa ng lyrics para sa love song. It turns out na free naman kami pareho ni Nico kaya magkikita kami sa bahay nya mamayang 12:00 pm and it's already 10:00 am.  Hindi na nga natuloy ung meeting namin sa lib ehh..  Masyado kasi kaming busy lalo na pag nasa school.

Dahil may natitira pa akong 1 hour para magmuni muni or do whatever I want, nagpasya akong maligo na at magpunta sa mall.. mag-isa.  Ayoko namang istorbohin ang dalawa kong kaibigan because it's a freaking weekend today and sure akong aalis sila with their families.

Nang matapos na akong maligo, nagpahatid na ako kay Kuya Tos papunta sa mall na malapit lang. Binaba nya ako sa entrance at dumiretso ako sa Miniso. 

Miniso is one of my favorite stores. Maraming mga gamit, it looks like a mini department store for me actually.  Gusto ko kasing bumili ng unan and this is the best store for it.  Dito ako mostly bumibili ng fluffy pillows dahil sobrang soft ng mga unan nila dito.  Not that sponsored ito ha, just saying. 

Naghanap ako ng mga cute designs and styles at napukaw ng paningin ko ang isang doggy pillow.  Round sya and color brown. It has mini ears on both sides, adding up to its cuteness.  I decided to buy it since I love dogs so much.. And it's so big. Although wala kaming aso sa bahay.  So sad..

Nagpunta naman ako sa actual department store ng mall na ito.  Naalala ko kasing malapit na ang birthday ni Yan.  Wala pa akong naiisip na ireregalo sa kanya kaya sigurado akong baka medyo matagalan ako sa paghahanap.

Nagpunta ako sa mga damit.  Sobrang daming dresses. Hindi mahilig si Yan sa dresses.  I think, she prefers wearing cropped top and shorts kaysa dress.  I searched for tops and wala naman akonh makita.  Shorts nalang kaya? But she has so many..

Nagpasya akong maglibot libot pa para maghanap ng pwede kong ibigay sa kanya.  As I was walking, napansin ko si Nathan na naglalakad. I had to admit, he's freaking gorgeous with his perfectly fitted dark blue shirt and ripped jeans. Nakapamulsa lang sya habang naglalakad at tumitingin sa kung saan.

Pinagmasdan ko lang syang magtanong sa saleslady (na nagpapa cute sa kanya, consistently) ng hinahanap nya at saka itinuro ang direksyon ko.  Nagpasalamat lang sya sa babae at saka dumiretso papunta sa mga damit sa likuran ko. Ngingiti na dapat ako sa kanya pero tinapunan nya lang ako ng tingin. Hmmph ang sungit!

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon