(5) Having snacks with her

15 4 4
                                    

Nico's POV

"Ahh hehe.. Okay lang." sabi nya habang nakangiti saakin nang malapad.  Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa kakyutan nya.

Maya maya, bigla nalang pumungay ang mga mata nya and before i knew it,  tinatakbo ko na sya papuntang clinic.  Kinakabahan ako..  Kahit kakikilala ko pa lang kay Samantha, aaminin kong nag-alala na ako agad para sa kanya. 

Pinahiga sya sa kama ng clinic at sinuri sya ng nurse. 

"Nico, okay naman sya. Maayos naman ang oxygen nya. Un nga lang, namumutla parin sya tulad kanina nung dinala mo sya dito. Sa ngayon, hintayin nalang muna natin syang magising. Sige maiwan ko na muna kayo" Paliwanag ni Nurse Jenny. 

"Sige po. Maraming salamat po."

Maya maya lang,  nakatingin na pala si Samantha saakin.  Napaigtad ako nang makita ko syang biglang ngumiti nang sobrang lapad. Agad akong lumapit sa kanya at tinanong sya.

"Oh ano Samantha? Anong nararamdaman mo ngayon?"

"Ahh..  Okay lang ako Nico. Masakit ang tyan ko.  Nagugutom na siguro ako.  Hindi pa kasi ako kumakain mula kaninang umaga."

"Ha!? Eh bakit hindi mo man lang sinabi saakin? Edi sana pinakain na muna kita..  Pasensya na ha.  Kasalanan ko"

"Hindi ah.  Wala kang kasalanan.  Sadyang tamad lang ako at nakalimutan kong sagutan ung homework ko kagabi kaya ayun, kaninang umaga ko sya sinagutan."

Tsaka sya tumayo nang dahan dahan habang nakahawak sa tyan nya na para bang bibiyakin ito. Ayoko nang nakakakita nang ganito lalo na sa taong kilala ko. Parang pinapasa aakin ang sakit na nararamadaman ng taong iyon. 

Agad ko syang inalalayan papunta sa desk ni Nurse Jen. 

"Oh Samantha, okay ka na ba? Anong nararamdaman mo ngayon? " alalang bungad sa amin ni Nurse Jenny. Hawak hawak ko parin sya sa braso hanggang ngayon. 

"Masakit po ang tyan ko. Medyo nahihilo parin po ako.  Gutom lang po siguro ito. "

"Ahh ganoon ba?  Oh sige. Kumain ka na. Tapos na ang breaktime nyo, kanina pa. Gagawan ko nalang kayo ng clinic slip para may excuse kayo sa klase.  Sige na.  Bumalik nalang kayong dalawa ni Nico ditl pagkatapos nyong kumain." sabi ni Nurse tsaka sya tumingin saakin saka kay Samantha.  Pabalik balik na tingin nga eh.

"Ahh..  S--sige po. Salamat po"

Nauna nang lumabas ng clinic si Samantha.  Sinusundan ko lang sya. Sabi nya kasi, kaya na nya daw kaya binitawan ko na sya..  Baka naiilang na siguro sya. Kumuha sya ng table at naupo roon.  Umupo nalang din ako sa tapat nya.

"Samantha,  halika samahan mo akong bumili ng pagkain. Tara, ililibre nalang kita. Tutal ako naman may kasalanan kung bakit ka nahimatay kanina.. "

Kumunot nang bahagya ang noo nya pero tumayo nalang din sya. Feeling ko,  wala syang dalang pagkain o pera. Kaya ililibre ko talaga to.

"Hay nako Nico.  Wala kang kasalanan.  It's my own fault naman so no need to worry. Kaso, pwede bang tanggapin ko ung alok mo ng libre hehe..  Iniwan ko kasi kanina ung baon ko sa mga kaibigan ko eh.  Eh malamang dinala na nila un sa taas.  Wala din akong dalang pera pambili kaya kakapalan ko nalang ung mukha ko pansamantala.."

" Oo na ililibre talaga kita.  Baka sa susunod, sa ospital na kita sugurin kapag nahimatay ka nanaman kaya mabuti pang kumain na tayo."

Sumunod naman sya saakin patungo sa bilihan ng pagkain. Actually hindi ako kumakain kapag break time.  Lunch time ako kumakain pero dahil ayoko namang panoorin lang si Samantha, nagorder nalang din ako.

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon