(6) Laglagan

13 3 2
                                    

Bea's POV

"Hi Samantha!  Pwede ko ba syang makausap sandali?"

Tinanguan ko lang si Nico pero itong katabi kong si Yan, mukhang natulala nalang bigla nang nakaalis na sina Samantha. 

"Huy!  Ayos ka lang?"  sabi ko sa kanya.  Mukha kasi syang may malalim na iniisip. 

Hindi sya gumalaw o tumingin man lang saakin.  Nanatili lang syang tulala. 
Tinapik ko sya saka nagising sa katotohanan. 

"H--huh?? "

"Okay ka lang? Kanina ka pa nakatulala dyan ah! "

"W--wala lang..  Naalala ko lang si Chris kina Samantha at Nico.  Ganoong ganoon ko rin tingnan si Chris tulad ng kung paanong tingnan ni Sam si Nico. Ung parang may kumikislap kislap sa mga mata nya... T_T"

"Tsh. Eh malamang!  Alam naman nating dalawa na crush nya si Nico diba? Tsk tsk. Siguro naalala mo nanaman ung napanaginipan mo noh? Ung panaginip mo na niloloko ka na ni Chris? Tama ba ako? "

I heard a loud sigh before she nodded. Alam na dis! 

"Hay nako! Di naman totoo ung mga ganon! Nagpapaniwala ka sa mga ganon? Pamahiin lang un ano ka ba!  Tsaka ano naman kung magloko sya? It's his loss not yours Diana.  Right?"

" *sigh* Tse!  Eh mahirap din naman kayang makahanap ng katulad ni Chris! Isipin mo, napaka bait nya.  Matalino pa! Tapos idagdag mo pa ang pagiging caring nya! Oh, bakit ka pa maghahanap ng iba? Tsaka ano ba? May sarili ka namang love life! Ahh este..  Crush life pala haha!!"

"Oh eh ano naman?  Sinasabi ko lang naman para diba?? Tsaka, kayo na ba ni Chris?? Di pa naman diba? Duh"

Maya maya, naaninag namin si Sir Gutch na papalapit saamin nang may dalang pasta. Hindi nga ako nagkamali na makikisabay sya saming dalawa nang umupo na sya sa harapan ko at tumabi sya nang onti kay Yan.

"So, success ba ang plano ko?"

"Nako sir!  Napaka galing mo talaga.  Ameyching!!" sabi ni Yan sa kanya.

"Nako sir, sure akong tuwang tuwa si Samantha nung nalaman nyang makakasama nya ung crush nya sa isang project!!" mahinang sambit ko

"Sabi ko naman kasi sa inyo eh.  Buti nalang at sinabi nyo sakin. Tapos may paparating pala na project kaya saktong sakto! "

"Pero sir, hindi kaya magtampo si Samantha samin kasi imbis na sa kanya manggaling na crush nya ung studyante mong Grade 9 na si Nico, kami pang mga kaibigan nya ang nagsabi sa inyo.. " sabi ko ulit.

"Sus!  Hindi yan. Basta't totoo nga ang sinabi nyo saakin tungkol kay Samantha, smooth flowing ang lahat."

"Pero.. Sigurado ba kayong si Nico talaga ang gusto nya? Hindi si Nathan?"

" E--ewan ko nga dun sa kaibigan naming un sir."

"Gwapo rin naman si Nathan ahh"

"Oo nga sir ehh..  Lalo na ung sobrang lalim na dimple nya sa magkabilang pisngi.. Ang cute haha!"

Tiningnan sya ni sir at ngumiti.  He nodded as a sign that he agreed to what Yan said. 

"oh sige na.  May klase pa ako. Kita nalang tayo sa classroom nyo."

Nang umalis na si Sir Gutch,  nag apir kaming dalawa ni Yan.  Tsk, kahit kailan talaga itong si Sir Gutch, napaka talino.  Lodi na talaga namin sya promise! 

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon