(9) Her problem

15 2 0
                                    

Samantha's POV

Ilang minutes lang ay dumating na rin si Kuya Tos. Habang nasa sasakyan,  tumunong bigla ang phone ko.

Incoming call: Bes Bea

Pinindot ko ang accept saka inilagay sa tenga ang phone. 

"Hello?"

[C-can u v-visit me right n-now?]

"Is everything alright? Sige pupunta na ako"

[.......]

Bago pa ako muling magtanong ay ibinaba nya na ang kanyang phone. 

Napagpasyaham kong magdala na ng damit pantulog at uniform ko para bukas. Sa boses pa lang ni  Bea,  mukhang seryoso na ang problema niya kaya dun nalang siguro ako matutulog sa kanila para samahan sya. 

*********~~~*********

Pagkarating ko sa bahay nila,  nakita kong napaka gulo nito.  May bakas rin ng basag na salamin sa sahig kaya naman agad kong nilinis ito. Masyadong magulo ang bahay nila ngayon ah..  Very unusual..  Kinabahan tuloy ako bigla.

Dun ko nakita si Bea na umiiyak.  Nakaluhod sya at may sugat sya sa kaliwang tuhod nya na baka dahilan ng mga bubog na nakakalat rin kung nasan sya.  Mukhang na massacre ang bahay nitong isang to tsk. 

Agad akong lumapit kay Bea at niyakap sya nang mahigpit.

Hindi ako nagsalita bagkus ay inalalayan ko si Bea paakyat nang kwarto nya. Delikado sa baba. Masyadong madaming bubog at kung ano anong kalat. 

Binuksan ko ang aircon at kumuha ng towel sa closet ni Bea.  Pinunasan ko ang mga luha nya at binigyan sya ng tubig na naroon sa side table nya.  Nang kumalma na si Bea ay sinubukan ko syang tanungin.

"Bea, anong nangyari?"

"........"

Hindi sya sumagot ngunit napaiyak nanaman sya.  This time,  mas malakas at mas halatang sobrang lungkot nya. 

I can't stand this. I just can't. 

Pinatulog ko muna ang bestfriend ko at saka ako naglinis sa baba. Saming magkakaibigan,  ako lang ang may yaya or mga tagapagsilbi sa bahay.  Mga drivers lang ang meron sila. 

(Time Check: 6:00 pm)

Matapos kong linisin ang kalat nila ay may nakita akong litrato na isa sa mga nabasag.  Family picture nina Bea. Itinago ko ito sa isang tabi at dumiretso sa kusina.  Uminom ako ng tubig at naisipang tumingin ng mga recipe sa kanilang recipe book.

'Red Velvet Cake'

Naalala ko noon,  unang nagkita kami ni Bea,  kumakain sya nito.  Bata pa kami noon.  Naka ponytail pa sya at may bangs.  Napaka cute nya tapos napaka dungis ng mukha nya dahil sa frosting ng cake na kinakain nya. 

Hmm..  Kung eto nalang kaya ang gawin ko? 

Napagdesisyunan kong ipagluto sya ng red velvet cupcakes at lasagna. Naku siguradong matutuwa sya kapag natikman nya na ang specialty ko! Ngingiti na ulit ang bestie ko!  Sana..  Kahit onti. 

7:00 pm na nang matapos ako sa niluluto ko. Umakyat na ako sa kwarto ni Bea at hanggang ngayon ay natutulog parin sya.  Umakyat din ako kanina para tingnan sya at tulog parin sya ngunit may mga luha na bumabakas sa kanyang mukha.  Ewan ko kung nananaginip ba sya o nakapikit lang. Who knows?

Marahan ko syang tinapik at nagising naman sya. Nang makita nya ako ay agad nya akong niyakap.

Ano ba talagang nangyari??

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon