(8) I'm here for you

14 2 6
                                    

Samantha's POV

Papasok na ako sa school gate namin ngayong araw. Monday na ulit. Masaya ako ngayon. Lahat ng mga nakakasalubong ko ay binabati ko at nginingitian nang malapad kahit karamihan ay hindi ko kilala o hindi ako kilala. Wala lang, nasa isip ko parin kasi ung nangyari nung nagpunta ako sa bahay ni Nicolo. Hihi kinikilig nanaman ang lola nyo! LELZ!
  dv^ω^♥b

Nang malapit na ako sa classroom ay napansin ko ang nagkukumpulan kong mga kaklase. Pati sina Yan at Bea ay naririto na. Pero halata sa kanilang hindi rin nila alam ang dahilan ng pagkukumpulan ng mga studyante sa tapat ng silid namin. Nasa kabilang side sila kaya hindi nila ako napansin.

"Anong meron?"mahinang bulong ko.

"Binu-bully nanaman nila si Denden. Kawawa naman" sabi ni Alexa, isa sa mga kaklase ko.

"Bakit daw?" tanong ko sa kanya

"Ewan ko ba sa mga immature na yan. At as usual, si Denise ang may pasimuno tsk tsk. Tingnan mo nga kung pano nya ganyanin lang ung kaibigan ni Nathan. Sinisipa nya pa! Lakas talaga ng sira sa utak nyang babaeng yan!"

Maya maya ay dumating si Nathan na nakaagaw ng atensyon ng lahat. Mas lumapit pa ako upang marinig ang sasabihin nya.

"Ano bang problema mo sa kaibigan ko Denise? Kita mong nananahimik sya oh." mahinahong wika ni Nathan. Napatingin naman ako kay Denden na kasalukuyang nakayuko at tila ba pinipigilan si Nathan sa pagpatol sa mga nangbubully sa kanya.

"Gusto lang naman naming tingnan ung hawak nyang papel kaso ayaw nyang ipahiram, Nathan. Masyadong nagpapabida!  d◐.̃◐b"

"Hindi lumalaban ang kaibigan ko dahil alam nyang sayang lang ang panahon nya sa mga taong tulad nyo. Saka bakit kailangan nyo syang sipain at batuhin ng mga gamit ninyo? Ginaganyan din nya ba kayo? "

"Eh ano naman saiyo? Ikaw ba ang nasaktan? Hindi naman ahh" sabat ng kaibigan ni Denise na si Stella.

Biglang kumuyom ang panga ni Nathan pero halata sa kanya ang sobrang pagpipigil. Tsk tsk short-tempered pala ang isang to.

"Sa susunod na makikita ko pang may ginaganito kayong studyanteng inosente, hinding hindi ako magdadalawang isip na patulan kayo. Tandaan nyo yan. Hinding hindi ko tatanggapin ang rasong babae kayo." utas ni Nathan sa mga babaeng may hawak ng mga notebook at akmang ibabato kay Denden.

" Sa tingin mo natatakot kami sayo? Wala kang paki s-"

"Actually Ms. Felicidad, lola nya ang talagang may ari ng eskuwelahang ito. You're right. Mrs. Perez who passed away is his grandmother. If this incident happens again, baka matanggal kayo agad sa Claudia nang hindi dumadaan sa principal's office." pagputol ni Ms. Abad kay Stella.

Lahat kami ay napanganga sa sinabi ni Ms. Abad. Lola ni Nathan si Mrs. Perez? Pwede un? Edi ibig sabihin, kamag anak nya ang nagpapatakbo ng Claudia?  d@_@b

"All students who are involved in this scene especially Ms. Felicidad and Ms. Sillo, detention. Get your detention slips in my desk after classes.  Everybody proceed to your classrooms now. "

Nagsibalikan na ang mga studyanteng nakapalibot sa kani kanilang mga silid at umaktong walang nangyari. Ako naman ay umupo na rin sa upuan ko. Nga pala, nag seating arrangement na kami for the 1st and 2nd quarter at katabi ko si Rian. Okay na rin to. Matalino naman sya kahit papaano hehe. 

Nagdi discuss na si Ms. Buenaventura sa harapan ng panibagong lesson saamin. Tungkol ata sa Linear equations chuchu. Madali lang naman pala sya, akala ko sobrang hirap eh.

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon