(4) Nicolo Marquez

30 4 5
                                    

Samantha's POV

Nasa classroom na kaming lahat. Hinihintay nalang namin ang announcement na bababa kami papunta sa quadrangle para mapanood ang mga performances.

Commemoration kasi ng founder namin ngayon kaya medyo busy. May tutula mamaya at may magkukwento.  Sigurado din akong may kakanta at may sasayaw. As usual,  palagi namang iyan ang nga ginagawa nila eh. 

"Huy bes,  tingnan mo si Nathan oh! Muntanga haha!" sabi bigla ni Bea sakin.  Nakakagulat naman tong babaeng to. 

Tumingin ako sa gilid ko,  sa direksyon ni Nathan. Alam nyo ba kung anong ginagawa nya? Jusq, sumasayaw lang pala. Pero kakaiba syang sumayaw. Para syang si barney pero may sipa ung style ng sayaw nya XD. Mukha nga syang ewan. Naka pout pako sya na parang bata. Buti nalang walang teacher dito sa classroom namin ngayon XD

"Oo nga bes, muntanga nga hahaha!"

"Bes,  diba crush mo si Nico? Ung grade 9 ngayon?"

Uhhh..  Namula bigla ako sa sinabi nya.  Tsk!

"Oo bakit? "

"Siguro naman,  alam mong kapatid nya si Nathan diba?"

"Malamang! Duhhh.  Ako? Para sa stalker, malaking kahihiyan sa katayuan ang pagkakaroon ng kulang kulang na detalye noh!"

"Sabagay.  If I know,  walang araw na hindi mo binabalik balikan ang account nun sa fb. Siguro nga kung alam mo din ang instagram account nya, nako! Mahigit dalawang oras ka sigurong nakatapat sa phone mo! Tsk tsk tsk!!"

Hays.  Okay na ako sa FB pero mas maganda kung pati sa insta, alam ko rin ang account nya.  Pero sino naman ako diba? Hindi naman kasi ako umaasa na magugustuhan ako nun! Masyado syang mahirap abutin eh. 

Umiling lang ako sa kanya at nagkwentuhan ulit kaming dalawa.  Sinabi na din sakin ni Bea ang ginawang kabaliwan ni Yan.  Kahit kailan talaga yung babaeng un! Manang mana sakin!  Haha XD

"Students from the high school level, please go down to the quadrangle now. Our program will start in a few minutes.  Thank you"

Natahimik ang buong klase namin nang magsalita na ang speaker. Inaasahan na namin ang teacher na magsusundo saamin papuntang quad.

Pinababa na kami papunta sa designated area namin saka kami pinaupo.  By height lagi ang arrangement namin kaya naman dahil medyo maliit ako,  pang anim ako sa pila ng girls.  5'3 lang ang height ko.  Awts! Nasa likuran ko naman si Bea at nasa likod ni Bea si Yan.  Magkasing tangkad lang kaming dalawa ni Bea. Mas matangkad lang saamin nang konti si Yan.  5'4 kasi ang height nya. 

"Uy mga bes,  may kwento ako sa inyo. Napanaginipan ko kasi si Chris kagabi. Ehh..  Alam mo namang naniniwala ako sa mga panaginip diba?" sabi ni Yan saamin ni Bea. Medyo lumapit naman ako sa kanya para marinig ko sya lalo.  Ang hina kasi ng boses. Eh malamang,  baka mahuli kami dito ng mga teachers.  Pero magtatawanan pa rin kami kahit papaano. 

Habang nagkukwento si Yan,  bigla kong nakita ang section ni Nico.  Syempre dahil matangkad sya, agad akong tumingin sa likod ng linya ng mga lalaki.  Hindi ko sya makita. Imposible namang wala sya kasi nga magpeperfo-- AYY OO NGA PALA! MAGPEPERFORM SYA NGAYON!! Pero nasan sya? Agad akong naghanap sa likod ko.  Parami na nang parami ang mga high school.  Lalo ko tuloy syang di makita. 

Maya maya,  may biglang kumalabit sa balikat ko.

"Huy Sami! Nakikinig ka ba? Hay nako, ayun si Nico oh! Nasa harapan! Incase hinahanap mo! Alam ko na yabg nga galawan na ganyan eh tsk tsk!"

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon