(11) Stares

3 1 0
                                    

Nico's POV

~~•Sunday•~~
Gonzales' residence

"Love, halika let's watch sine! I want to watch the--"

"Sorry, may kailangan pa kasi akong gawin eh. Kailangan ko pang i-finalize ung kanta namin ni Samantha."

"Hmmph!  Nico ah.  You always make palusot! You love me diba??  Diba??"

Hindi ako sumagot at tumalikod na lamang sa kanya.

"Kapag hindi ka um-oo, magpapakamatay ako! Sa harap mo mismo!" biglang nag iba ang boses ni Ysa.  Mula sa matinis ay para bang sinapian sya bigla.

"I love you" napipilitan man, kailangan kong sabihin sa kanya ang katagang iyon.  Napa buntong hininga nanaman ako.

Kaya lang naman ako pumayag na maging kami ni Ysa (well, syempre kunwari lang un. Ang importante lang naman ay isipin nyang boyfriend nya talaga ako) , ay dahil nitong nakaraang linggo, tinawagan ako ng mommy nya.  Suicidal na pala itong si Ysa at ako lang ang hinahanap habang hinihiwa nya ang pulso nya ayon kay tita Belle,  mommy nya.

Nagmakaawa sakin si Tita, kaibigan ko si Ysa at alam kong ako lang ang makakapigil sa kanya kung gusto nya nang putulin ang buhay nya. 

Kaso,  simula nung naging kami, napansin kong nag-iba sya. Hindi lang isa, tatlo, apat, halos pitong beses o ewan ko,  hindi ko na mabilang ung pangungulit nya sakin araw araw.

Lagi nya akong tinatawagan kahit tulog ako o hatinggabi na.  Pati pagre review ko para sa mga quizzes namin, nauudlot dahil sa kanya. Talagang nagbago sya. And I'm dissapointed that she became worse each day I see her. 

*PLAK!*

Napalingon ako sa direksyon ng narinig kong nabasag ni Ysa. Tsk nagbabasag nanaman sya.

Nakakailang palit na nga ang mommy nya sa mga babasagin dahil kapag hindi ko sya masyadong pinag tutuunan ng pansin ay araw araw syang nagwawala sa bahay nila.  Malala na talaga tong babaeng to. 

"Hon!!  Si Isabelle!!" sigaw ni Tita Belle nang mapadaan sya sa gawi namin. 

Inawat sya ng mga katulong pero hindi sya nagpapatinag at pilit na naghahanap ng matulis na bubog galing sa nabasag nya.  Itinago kasi lahat ng matutulis na bagay dito sa bahay nila para kahit papaano ay maiwasan ang paglalaslas ni Ysa. 

Lumapit ako kay Ysa at niyakap sya.  Pasimple kong tinatanggal ang matulis ngunit maliit na bubog sa kamay nya dahil nagdudugo na rin ito. 

Sinenyasan ng daddy ni Isabelle ung isang katulong na kumuha ng mga pang linis at pinatanggal niya ang mga kalat habang ginagamot ko ang kamay ni Ysabelle sa kwarto nya.

Nang inangat ko ang tingin ko kay Ysa ay nakangiti sya nang pagka lapad lapad sa akin. 

"Wag mo nang gagawin ulit iyon Ysa. Kapag pinagpatuloy mo pa iyon, pano mo nalang ako makikita at makakasama?"

"Hmm..  Edi papatayin muna kita bago ko ibigti ang sarili ko para magkasama parin tayo hanggang kamatayan hahahaha!!"

Hindi ako nakagalaw sa sinabi ng babaeng nasa harapan ko ngayon. Ibang iba ang Isabelle Gonzales na kaharap ko. Hindi sya ito.. 

"I'm just joking! Don't take it seriously love! Ito naman hindi mabiro hahaha!!"

Umiling na lamang ako at hindi sya sinagot. Mas mabuti pa sigurong umuwi nalang ako at matapos na rin itong gagawin ko. 

"Oh saan ka pupunta?"

"I'm going home.  Marami pa akong gagawin.  Saka,  inaantok pa ako."

"Edi dito ka nalang matulog! I have a king sized bed just like yours! Why bother going home kung pwede ka namang matulog dito?"

"*sigh* Fine." napipilitan kong sagot sa kanya.  Wala naman akong magagawa eh.  Hindi naman ako paaalisin nito. 

~~•Monday•~~
Lunch break

Samantha's POV

"It's okay. Meron pa namang bukas." sagot ko nalang kay Nicolo.

"Believe me, I'm really sorry. Masyado lang talagang--"

**BELL RINGS**

"Okay lang talang Nico. Hindi ako galit ano ka ba! Sabay nalang nating ipasa kay Sir Gutch ung kanta bukas okay?"

"Okay.  I'll go ahe--"

"There you are my honeybunch! I've been looking for you almost everywhere, andito ka lang pala---"

Hindi ko na tinapos ang sinasabi ni Ysa at umalis na dun.  Nagtungo na ako sa line namin at tahimik na pumila. 

Not that naiinis talaga ako pero tingin ko, sya kasi ung dahilan kung bakit hindi matapos tapos ni Nico ung kanta. I just can't imagine. 

~~•~~

"What do you mean hindi nya pa natatapos ung part nya? Hindi ba dapat kayong dalawa ang nagtutulungan doon?"

Eto na nga ba sinasabi ko eh. Within this week (I think Friday or Thursday sya eh) na kasi ang performance ng mga napili sa paggawa ng kanta tapos hindi pa namin as in nakukumpleto ung lyrics. 

"Kasi po ang strategy na ginawa namin para makatapos po SANA kaagad is ung hatiin ung parts ng kanta then tsaka kami kanya kanyang gagawa. Pero sa finalization naman po ng every part na ginawa namin, sabay po naming chinecheck kung maganda ba sya or hindi para sa kanta"

Sunod sunod na sabi ko kay Sir Gutch habang sya naman ay patango tango lang. 

Jusko.  Buti nalang at hindi sya katulad ng mga teachers ko na grabe kung magsungit. Siguro kung ibang teacher ito, kanina pa ako sinisigawan at baka tinanggal na kaming dalawa ni Nico para sa contest. 

Kanina pa talaga ako naiinis eh. Ginulo pa nga ako ni Rian kanina at gusto nya raw manghiram ng ballpen saakin dahil Pilot G-tech ang gamit ko.  Ang kaso, nagkataon namang humiram din si Bea dahil ubos na daw ang tinta ng ballpen nya.  Aba syempre sino ba ang mas pipiliin ko?

At ayun buong magdamag nya akong kinulit.  Bwisit na bwisit ako sa kanya to the point na gusto ko na syang sipain sa pag-aari nya. 

Tapos sumabay pa itong lintik na selos kina Ysa at Nico.  Tapos dahil din dun kaya ako mas namomroblema ngayon dahil hindi nya pa pala tapos ang part nya. Nakakainis lang talaga sarap tumalon sa building jusko. 

"Alam mo Samantha,  sa tingin ko, sumama ka sa bahay nila para sigurado nang matatapos nyo ung ginagawa nya. Natulungan mo na, nakasama mo pa! San ka pa!"

"Hala Sir shhh!! Baka may makarinig sa inyo!!"

"Hahaha ikaw naman hindi ka naman mabiro! Hahaha!"

Asar! Pero uyy tama sya ahh haha JOKE taken na nga pala un. Muntik nanamam akong kiligin.  d-_-b

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon