(12) Kainis

11 1 0
                                    


Nung dismissal ay sinabihan ko si Nicolo na sasama ako sa kanya para matapos na ung lyrics. Utos un hindi pakiusap duh. Baka mabatukan ko sya pag di pa sya pumayag. Oops! Joke lang, crush ko nga pala un haha!

Andito na kami sa bahay nya at pinagiisipan na namin kung ano ang idudugtong namin sa lyrics na ginawa ko. Katabi ko nga sya at nakakausap pero may higad este linta naman kaming kasama.

Yup, andito si Ysa the linta. Yun na ang tawag ko sa kanya. Grabe naman kasing maka yakap kay Nico parang isasako ko ung bf nya sabay uwi. Tas napaka ingay pa nakakairita ung boses, actually gusto ko na nga syang sapukin kung pwede lang talaga.

Oo ganun ko na sya kinaiinisan. Eh kasi ba naman! Magdadalawang oras na kami dito sa library nila Nicolo pero ni kalahati hindi namin matapos tapos! Reason? Eto.

"Uy honey, alam mo ba tungkol saan itong librong to?" malakas na sigaw ni Ysa habang iwinawagayway ang manipis na librong ewan ko kung saan nya napulot.

"Ysa, kanina ko pa inuulit ulit sayo na mamaya mo na ako kulitin pwede ba? Hindi na kami matapos tapos ni Samantha dito eh.. *take note, SOBRANG kalmado lang ng boses nya na parang may kausap syang baby*" NGA PALA: UN DIN UNG LIBRONG KANINANG TINANONG NYA NA SINAGOT NI NICOLO. NAKAKAINIS. AS IN!

Mula sa masigla ay naging malungkot ito at lumapit kay Nico. Ayan nanaman po sila. Nagyayakapan nanaman.. Bagay na bagay silang dalawa. Halata namang mahal talaga ni Ysa si Nico.

Pero gusto ko paring isigaw sa kanila na HELLO ANDITO PA PO AKO? Wapakels ang presensya ko dito sa dalawang to. Sh*t lang. Sh*t lang talaga.

"Excuse me. Cr lang"

Lumabas ako ng kwartong iyon at nagtungo sa cr. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin.

Maganda naman ako ah. Maputi. Matalino. And uhm, kahit papano mabait? Pero bakit... Bakit..

Natahimik ako lalo nang may na realize ako.

'M-mahal ko na yata sya?'

Mahal ko na nga ba? Siguro? Baka.. Hay ewan. Eh bakit parang ang bilis naman ata?

Eh kasi hindi ko naman maiisip ang lahat ng ito kung hindi diba?

Pero.. sinabi ko sa sarili ko na hindi ako maiinlove diba? Diba? *sigh*

Wala na akong magagawa. Mahal ko na eh. Hindi naman pwedeng diktahan ang puso. Kung pwede na nga lang sabihin na 'uy wag yan. Wala ka namang pag asa dyan.' o kaya nman 'Di ka mahal nyan. Dun ka nalang sa may gusto sayo, ikaw lang naman hinihintay nun, mahal ka nun eh' ... Kaso hindi. Hindi ganun ang pag-ibig.

Huminga ako nang malalim at lumabas na ng cr ngunit nagulat ako nang may humigit ng braso ko at tinakpan ang bibig ko. Pero infairness, ang bango nya ah.

Nang tumigil na kami ay agad akong humarap sa humigit sakin.

"Nathan! May problema ba?"

"Jealous?"

"Ano?"

"Nagseselos ka kasi nakikita mo silang nagyayakapan?"

"Ano bang sinasabi mo!? Hindi ako nagseselos, okay? Tsaka bakit ako magseselos? My karapatan ba ako? Wala naman diba? Tsaka, gusto ko lang naman sya... ni h-hindi nga ata s-siya aware dun e-eh.." hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang nga luha ko na kanina pa nagbabadyang lumabas sa mga mata ko.

"Oo a-aaminin ko na nasasaktan a-ako. Oo nanghihinayang ako kasi dapat sinabi ko na pala sa kanya dati pa ung nararamdaman ko. Nalulungkot akong makitang ung lalaking mahal ko, minamahal din pala ng mahal nya. Oo n-naiinis ako kay Isabelle kasi parang nasa kanya na l-lahat. M-maganda sya, m-mayaman, madaming kaibigan,----"

"Let's just stay like this for a while. Please"

Lalo akong napahagulgol nang lalo pang higpitan ni Nathan ang kanyang yakap sa akin.

"Alam mo, I think you have to stop crying. Pangit ka na nga, mas pumapangit ka pa."

Napatingala naman ako sa sinabi ni Nathan at sumimangot.

"Hindi ako pangit! Ikaw ang pangit!"

"I'm just making you laugh. Though hindi ako marunong kung paano?" pagtawa nya nang bahagya.

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti na rin ako. There's something in his laugh that made me feel at ease.

Bumalik na ako sa library. Naabutan kong ninakawan ng halik ni Ysa si Nicolo sa labi. Huminga ako nang malalim at umubo.

Sa sobrang gulat siguro ay napatayo si Nico.

"A-ah, andito ka na pala Sam, tara tapusin na natin to. Baka gabihin ka pa."

Tumango lang ako bilang tugon. Ayoko nang ma-involve pa sa kanya. Pagkatapos nito, lalayo nalang ako. Para rin naman sa kapakanan ko to eh.

Habang gumagawa kami ay hindi ko mapigilang ma-insecure dahil sa mga tingin ni Ysa. Para bang binabasa nya ang nasa utak ko. Nakakatakot.

"M-may problema ba?" tanong ko sa kanya.

"Why did it took you so long to return pala? Did you--"

"Kinausap din kasi ako ni Nathan"

"Oh, okay! I thought it's a call of nature"

Aba tong babaeng to. Sabihan ba naman akong baka nagbawas ako sa cr sa bahay ng boyfriend nya?

Ngumiti nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.

***

Sa wakas ay nakatapos din kami sa kanta. Buo na sya at nakapag practice na rin. Past 10 na at kailangan ko nang umuwi dahil pagod na rin ako at kailangan kong ipahinga ang utak ko.

Nandito ako sa tapat ng bahay nila at pinapanood kong magtalo ang magkapatid sa harapan ko.

"Nathan, ako na ang mag-uuwi sa kanya. Ako ang kasama nya papunta dito kaya ako rin ang dapat na kasama nya paalis dito."

"Kuya, ilang beses ko bang sasabihin na pagod na si Samantha at kailangan nya nang umuwi kaagad. I'm sure mauunang umuwi si Isabelle kahit mas malayo ang bahay nya"

"Sige okay lang. Gusto ko rin namang makasama pa nang matagal si Nicolo. Uunahin naming iuwi si Samantha, we promise!"

"Uuwi nalang ako mag-isa kaysa magtalo pa kayong dalawa---"

"NO!!!"

ARAY ANG ANG SAKIT SA TENGA MGA PAR!

"Ihahatid ko na si Samantha, Nathan. Magpahinga ka na lang. Iuuwi ko naman nang kumpleto si Samantha, wag kang mag-alala."

Bumuntong hininga si Nathan at sumenyas na lumapit ako sa kanya.

Nakita ko namang pumasok na pala ng kotse si Nico at Ysa. Pinagbuksan nya pa ng pintuan si Isabelle.

Lumapit ako kay Nathan at niyakap ako sandali.

"I know it would be painful for you to be inside that car. Just close your eyes and think of a happy song and just sing it in your mind. Take care, goodnight"

"Thank you Nathan. Good night din."

Habang kumalas ako ng yakap sa kanya ay napansin kong nakatingin saamin si Nigel at si.. CHANTISIMA. Ung yaya na nakaaway ko dati tsk. (chapter 7 part 2)

Sumakay na ako sa kotse at tahimik na pumikit habang sinusunod ang ibinilin saakin ni Nathan. Tahimik kong kinanta ang isang masayang tugtuging alam kong magpapakalma saakin.

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon