(3) Diskarte

25 4 13
                                    

Diane's POV

Papunta na ako sa school ngayong araw.  Kingina malapit na akong malate af.  Sa aming tatlong magkakaibigan nina Samantha,  si Bea lang ang laging maaga or on time.  As in lagi!  Si Kuya Dilan kasi eh! Kahit kailan talaga ung kapatid kong un! Ang dami daming binibilin sakin eh as if naman na hindi ako marunong magluto, maglinis ng bahay,  maghugas ng pinggan, hugutin ung nga saksakan. Eh ilang linggo lang naman sya mawawala!

Pupunta kasi sya sa Palawan. Architect kasi itong si Kuya kaya busy. Dalawang linggo syang mawawala sa bahay.  Eh as if naman na hindi ako mabubuhay dito diba? Binilin nya sakin ung mga gagawin ko pag ako lang ang basa bahay. Btw,  wala kaming yaya.  Ayaw nila daddy.  Masyadong sensitive.  Mahirap daw kasing magtiwala.  Lam nyo na..  Trust issues. 

Tumatakbo lang ako patungong classroom at diretso lang ang tingin ko sa aking harapan.

*DUG!* [lel di ko po knows ang sound in words ng nadapa XD]

Ouch! Oh my gosh... Napatid ako ng walanghiyang shoelace ko. Paano na ang pinaka iingatan kong legs? Grrr!

Nabitawan ko tuloy lahat ng mga libro na hawak ko.  Oy madami to no! 4 subjects muna bago ang breaktime namin duh.  Halatang halata na ginugutom nila kami ๏︿๏

Dahan dahan kong tinali ang sintas ko saka inabot ang mga lib--.

May kamay na sa harapan ng mukha ko.  Tumingala ako at nakita ang isang napaka puting anghe-- i mean,  lalaki.  Hindi na ako nag hesitate na kunin ang kamay nya kasi medyo sumakit ang tuhod ko.  Although wala namang galos or anything,  nauntog lang siguro ang tuhod ko nang bumagsak ako sa tiles ng hallway. 

Nang makatayo na ako, sya na rin ang kumuha ng nga librong nabitawan ko.  Ayyt! Nakakahiya naman dito sa anghel na ito!  Ako na ang kumuha ng isang librong nasa medyo malayo.  Parang ang kapal ko naman kung hahayaan ko lang na sya lang ang kumuha ng mga libro.  Sya na ang nag magandang loob,  aabusuhin ko pa ba? Nang iabot nya na saakin ang mga libro ko,  nagsalita na ako. 

"uhm..  Maraming salamat.  Anong name mo? I'm Diane Lim.  You can call me Yan for short" pagpapakilala ko. Tumingin sya sa relo nyang napaka cool tingnan bago tumingin sakin. 

"I'm Nathan.  Nathan Marquez.  You're welcome.  Sige next time nalang male late na ako sa klase ko.  Bye!" sabi nya,  sabay takbo habang winawagayway ang kanyang kamay na animo'y nagpapaalam.  Ang cute nya tingnan.

"Bye! Nice meeting you!"

Hindi na ako tumingin sa relo ko dahil sigurado naman akong late na ako at papagalitan ako ng subject teacher namin.  Pero okay lang.  Something good happened naman and I have a new friend.  Okay na siguro un pampa bawas bad vibes.

Nang nasa tapat na ako ng classroom, may bigla akong naisip na paraan para makaiwas sa journal at deduction of deportment.  Omg im so brilliant! Although magmumukha akong tanga..  Well, idc.  Bahala na si batman at superman sa gagawin kong kabaliwan.

Binuksan ko ang pinto ng classroom at napaka tahimik ng klase dahil may sinasagutan sila. Umakto akong muntik nang mahihimatay at sumandal sa pintuan.  As expected, nagsi lapitan ang mga naistorbo kong kaklase,  lalong lalo na sina Samantha at Bea. 

Mas umarte pa akong napaka sama ng pakiramdam ko nang mapansin na ako ng teacher namin sa Physics. Oh my goodness..  Physics pa?? Jusko hirap na hirap na nga ako sa subject nato tapos ngayon pa?? Well..  Nvm.

"Ms. Lim,  are you alright?? What happened!?" sigaw ni Mrs.  Dela Cruz.  Napahawak sya sa sintido at sinabihan si Bea na samahan ako papuntang clinic. 

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon