(2) First day of classes

28 8 5
                                    

Samantha's POV

1 week later...

*Kring Kring*

Kinapa kapa ko ang bedside table ko at kinuha ang aking cellphone.  May tumatawag ehh. Nag answer lang ako kahit hindi ko pa nakikita kung sino ang tumatawag. 

"Hel--"

"OY SAMANTHA ANO NA?  MAY BALAK KA PA BANG PUMASOK HA? MAG AALA SAIS NA HINDI KA PARIN BA NAGRE READY? ANO NA TEH!? MALIGO KA NA JUSKO!  KUNDI PUPUNTAHAN KITA SA BAHAY NYO AT HAHATAKIN KITA PAPUNTA SA BANYO! AKO PA MAGPAPA LIGO SAYO GUSTO MO? BES,  FIRST DAY OF CLAAAAAAASES NATIN NGAYON!  MY GOSH! MAG AYOS KA NA HA" sunod sunod na sigaw ni Bea tsaka binaba ang  linya.

WATT?!?  ALA SAIS NA?  MALE LATE NAKO!

Dumiretso na ako kaagad sa banyo at naligo. Mabilis lang akong nakatapos sa pag re ready dahil hindi naman ako naglalagay ng mga kung ano ano sa mukha.  Wala akong pakialam kahit pumasok ako nang walang kulay ang labi ko.

Pagkatapos kong mag bihis,  bumaba na ako at kumain ng breakfast.  Wala nanaman sila mommy at daddy.  Lagi silang wala sa bahay.  Ni hindi ko na nga sila masyadong nakaka bonding eh.  Only child nga ako pero hindi naman nila ako masyadong natutuunan ng pansin simula nung mapatayo na ang company namin dito sa Pilipinas at unti unting lumago ito. 

Well,  okay lang naman sakin.  Naiintindihan ko naman sila kung bakit mas pinipili nila kung minsan ang business trips.  Nag tatrabaho sila para sa kinabukasan ko. Okay na rin ung ganon.  Kaysa naman wala kaming pambayad sa mga gastusin dito sa bahay.  At least,  kaya naming bilhin kung ano man ang gustk namin.  Kahit sampung BMW na kotse pa yan,  kaya.

Nagpaalam na ako kay Manang saka sumakay sa kotse.  Hinatid ako ng driver namin sa school. 

"Sam, andito na tayo sa school nyo.  Ano nga palang oras ang uwian nyo mamaya para masundo kita" tanong ni Kuya Tos habang inaabot saakin ang mga gamit ko. 

"12:00 pm po Kuya. Message nalang po kita kapag nasa gate na po ako.  Salamat po.  Ingat kuya! " Nag salute lang kami pareho ni Kuya Tos saka sya umalis. 

First day of classes pero napaka dami kong dalang libro.  Iiwan ko kasi sya sa locker ko. By the way,  nag iba na nga pala ang locker namin.  Na move na since Grade 8 na nga pala ako ngayon.  Whew hassle!

Natext ko na sila Yan at Bea. Nasa classroom na raw sila.  Pero wala pa namang teacher.  Hindi na raw ako nahintay dahil bawal daw maghintayan sa may gate sabi ng school guard. 

Pumunta ako sa Information desk at hinanap ang locker ko. #58 ang locker ko. Ang layo nito kila bea.  #23 si Bea at #18 naman si Yan.  Eehh nevermind. 

Pumunta na ako sa mga lockers at binuksan na ang akin. Habang binubuksan ko ito, natamaan ako ng isang eggyolk sa jacket ko.  Like Wth? May bumato sakin mula sa likod.

Nilingon ko kung sino ang nagbato at nakita ko si Jed at mga kaibugan nya. Si Jed ang pinaka makulit sa buong batch namin.  Tsk tsk, di parin pala nagbabago ang hin*yup*k. Nag sorry naman agad sakin si Jed dahil aksidente lang naman DAW. Tss wala akong pakialam sa kanya.  Buset sya.  Unang araw,  naghaharutan?

Hinubad ko ang jacket ko at pinasok nalang sa locker. Nilagay ko nalang ito sa paper bag. Malapit na talaga ako ma late I swear! 10 mins nalang,  dadating na ang teacher. Grade 8 palang ako kaya expected na ang mga pasungit na pasungit na mga teachers. 

Nang makapasok na ako sa classroom namin.  Napa buntong hininga ako nang makitang wala pa ang teacher. Pinapunta ako nila Yan sa table sa gitna nila.  By three kasi every row.

So bali si Yan ang nasa kanan ko at si Bea naman ang nasa kaliwa. 

"Good morning bes! Grabe oh, ang onti ng mga kaklase natin.  Wala pa nga ata sa 35 tong nga to ehh.  Kasama na tayo ahh. Pilot section tapos ang onti ng studyante? So onti nalang matatalino sa batch natin ganon?" sabi ni Yan sakin. 

"Tss grabe ka naman bes.  Baka naman late lang or sadyang onti nga talaga ang mga naiwang matatalino ^o^" Sabi ko sa kanila. 

Dumating na ang teacher namin.  Sa pagkakabilang ko,  34 palang talaga kami kasama na ang boys at girls. Ang konti diba?

IndecisiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon