Love Team - Chapter 2

338 1 0
                                    

Chapter 2

First day of classes nanaman. Salungat sa nakakarami, Hindi excited ang mag best friend.

Asar sila dahil simula nanaman ng 'kalbaryo' nila..

Dala ang isang black na ballpen at isa ring notebook, sabay silang umalis ng bahay

para pumunta sa eskwelahan.

Habang naglalakad, ay nagkekwentuhan sila.

"Feeling ko gigisahin tayo.."

"Feeling ko rin yun e. "

".. na gigisahin tayo? "

"Hindi. ... na 'gisa' ang ulam namin mamaya."

" Puro ka naman pagkain e! "

Nakarating na ang dalawa at hinanap nila ang kanilang classroom.

Pagpasok sa classroom nila ay nagulat ang dalawa na nagsimula ng mag-orient ang adviser nila.

"Good Morning ma'am" bati ng dalawa na pacute ang ngiti.

Magkaharap ang napiling upuan ng dalawa.

"magkatapat pa tayo ng upuan! " sabi ni Franco

"nagsasawa na nga ko sa mukha mo Franco e! " pangaasar ni Keno.

Napansin ng adviser na nag-uusap at pinagalitan nito ang dalawa.

"Hoy kayong dalawa! Ang ingay nyo! "

Nagulat ang dalawa at agad naman silang nagsorry kay Mom Jayalin na may ngiting pacute ulet.

At nagsimula nang magpakilala.

Dumating na sa turn ng dalawa.

Sabay tumayo sina Franco at Keno at napansin nila yun.

"Sige ikaw na ang mauna."

ngunit umangal si Keno at sinabing

"Ikaw na Franco. "

Nagtalo pa ang dalawa kung sino ang dapat mauna.

Sumigaw si Mom Jayalin.

"Ano ba? TATAGAL TAYO!"

Si Franco na ang tumayo.

"Good morning my dearest classmates, I'm franco, living near here and I'm the only child of my mother.

My mother is..."

Nagalit ang adviser.

"Kailangan ba buong buhay mo e ikekwento mo dito?"

Nagtawanan ang Buong section At umupo na ang nabarang si Franco.

Sumunod si Keno.

" Hi.. Hello... How are you classmates? I'm Keno. Many people said I look like Jimmy Santos but I never believe because

it's not real. My talent is EATING HOTDOG IN 2 MINUTES. AND...."

"Next! " sigaw ng napipikon ng adviser.

At tumunog na ang bell ng recess.

"Ok yung baroque english mo kanina ah! " pangaasar ni Franco.

"Syempre! Prinactice ko pa yun kagabi bago ako matulog! Ayos nga yung story mo p're." Hirit ni Keno.

Habang naglalakad sa hallway e napansin ni Franco si Diane.

"Keno (niyuyugyog ang kaibigan ) ang ganda nya!! "

Nahumaling si Franco. Parang umiikot pa ang ulo niya sa tuwa.

"Lika lapitan natin!"

Nilapitan nila si Diane.

"Hi ate!"

"Hi din! "

"What's your name?"

"I'm Diane!"

"Ganda naman parang IKAW :)"

Ngumiti lang si Diane , sabay tanong nang:

"Di ba kayo yung pasaway sa room diba?"

"Kaklase ka namin??

"Yup."

"Ehem. I'm Francoand he's Keno."

Ngumiti nanaman ang dalaga at natunaw nanaman si Franco sa ngiting iyon.

"Asan na si Keno?" tanong ni Diane.

Wala na pala si Keno, bumaba na ito sa canteen dahil gutom na.

"Ahaha. Saglit lang ah! Hahanapin ko lang siya :)"

ngumingiti at pakindat kindat ni Franco na nag go good bye kay Diane.

Pinuntahan ni Franco si Keno at kinausap.

"Bakit mo naman ako iniwan?"

"Gutom na ko e."

At natapos na ang recess.

At natapos na rin ang klase.

Masayang umuwi si Franco at si Keno ay hindi.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon