Love Team - Chapter 5

221 0 0
                                    

Chapter 5

Sabado ng hapon, tinawagan ni Franco si Keno

"Keno, samahan mo ko!"

"San tayo pupunta?"

"Kina Diane manghaharana ako."

"Ay. Di ka ba nakinig kay Grace kahapon?"

"Wala ko pakialam dun! Sige na samahan mo na ko."

Dala dala ang gitara at improvised drums ay hinarana ni Franco si Diane.

"H'wag ng malumbay, ang pag-ibig ko ay tunay sabihin man ng iyong nanay na, wala akong silbi sa buhay, tuunnaaaayyyyy"

Habang kumakanta ay nagsilapitan ang mga tao sa dalawa..

Palakpakan ang madla na nanonood kay Franco nang matapos ang kanta nito.

Lumabas ang yaya ni Diane.

"Hoy ikaw bubwit, sino yung kinakantahan mo dito?" tanong ng yaya.

"Yung amo nyo po na si Diane,"

"Hindi nagpapaligaw si Diane! kaya makakaalis na kayo."

"Saglit lang naman po, gusto ko po siyang makausap.."

"E hindi nga pwede."

Kinausap ni Keno ang yaya.

Ginamit niya ang "baroque" english niya para maconfuse at makuha ang atensyon nito.

"Hey you, you old woman!"

"O, bakit?"

"Don't you dare me to call my father police!"

"O eh ano ngayon kung pulis tatay mo?"

"He gonna bang bang you with his 36 rifle gun and you will be dead with one shot!"

Nakuha na ni Keno ang atensyon ng yaya na siya namang "go" signal

para kay Franco para pumasok sa loob ng bahay.

"Ang ganda naman pala dito.." sabi ni Franco.

"Kuya, sino ka?" tanong ni Joana, kapatid ni Diane.

"Joana, h'wag mong kausapin yan! Hoy Lalaki, anong ginagawa mo sa pamamahay ko?" tanong ni Diane.

"Gusto lang kitang makausap"

"Ate manliligaw mo?" tanong na pasingit ni Joana.

"Hindi, Joana! At bakit mo naman ako gustong makausap?" tanong ni Diane,

"Aa..Ee.. Miss na kita eh :)" sagot ni Franco.

"Utot mo! Sige na lumabas ka na.. chu chu chu!"

At umalis na ang magkaibigan.

Kahit napalayas sa bahay ni Diane her lab nya e, masaya na rin

kahit papaano si Franco dahil nakausap nya naman si Diane.,

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon