Love Team - Chapter 1

996 3 5
                                    


Author's Note: this story was written and published in 2010, when I was still a teenager so pardon if the story feels childish. Characters were based on real persons and most of the scenarios were purely product of author's imagination.


Chapter 1

Enrollment para sa SY 2004 - 2005 sa isang elementary school.

Maaga pa lamang ay nagpunta na sina Franco at Keno sa paaralan.

Palibhasa'y galing private school, alam na nila kung ano ang kakaharapin

nila sa public school, tulad na lamang ng mahabang pila at kaguluhan sa

enrollment.

"Ang daming tao, Keno." nagulat na sabi ni Franco sa kasama.

"Oo nga. " pagsangayon naman ni Keno sa best friend niya

habang kumakain ng fish crackers.

Nagikot-ikot ang dalawa sa campus at mamaya maya pa ay nakita na nila

ang pila sa enrollment para sa Grade 4.

Pumila ang dalawa at ibinigay ang kanilang mga forms sa assigned teacher.

"Ahh.. Galing Private kayong dalawa.." pansin ng guro.

"Opo." sagot naman ng magkaibigan.

Ngumisi ang teacher.

"Siguro naghihirap na ang dalawang ito kaya nag transfer."

bulong sa isip ng guro kaya napangisi ito.

Napansin ni Franco ang pagngisi.

"May problema po ba? magalang na tanong ni Franco.

"Pangit po ba ako sa picture? tanong naman ni Keno.

Hindi pinansin ng guro ang mga tanong at nagisip.

"Section 3 kayo." sambit ng guro.

"Ano po?" tanong ni Franco.

"Bingi ka ba? Sabi ko e, Section 3 kayo pareho." pagtataray na sambit ng guro.

Nagulat sila. Hindi nila inakalang huhulaan lang ng guro ang kanilang section.

Syempre, dahil galing private school ang dalawa,

hindi sila sanay sa ganung sistema.

Kaya habang umuuwi e panay reklamo nila.

"Ang galing naman ng teacher ng guro na yon! Parang si Madam Auring! " pangaasar ni Keno.

"Nahulaan niyang Section 3 tayo!" gatong pa ni Franco.

"Ngayon lang tayo magiging Section 3! Di ko matangap! " pangingitngit ni Keno.

"Hayaan mo na, kamukha naman ni Manny Pacquiao yung teacher na yon! " pangaalaska ni Franco na may galit.

Nagtawanan ang dalawa, habang pauwi at mamaya maya pa ay nagtanong naman ng seryoso si Franco.

" Bakit pumayag si Tita na mag-aral ka sa public? " tanong ni Franco.

" E kasi kasama daw kita e. " sagot ni Keno

Tumingin si Franco ng masama kay Keno sabay sabing :

" May gusto ka sa akin ano? "

"Siraulo!"

"Eww.. Yuck.."

"Di ako pumapatol.."

Naghalakhakan ang dalawa pauwi.

Nang makauwi na, ibinalita ng dalawa ang nangyari sa kanilang mga magulang.

"Ok lang yon anak. Siguro dahil transferee ka, kaya ka naging section 3" malumanay na paliwanag ni Mommy Tessa sa anak na si Franco.

"Hindi ok yon anak! PINAGTAWANAN KAYO NG GURO NA YON! BAKIT SINO BA SIYA? DAPAT SUGURIN NA YON E!"

galit na galit na sabi ng histerical na nanay ni Keno sa kwento ng anak.

At doon natapos ang araw na iyon.

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon