Chapter 4
Nagkagusto na si Franco kay Diane.
Araw araw ay kung ano ang ginagawa nyang pagpapapansin sa kaklase.
Katulad na lamang ng pagususuot ng t-shirt na may I <3 U na nakapaloob sa polo ni Franco.
Nagbibigay siya ng mga chocolates, roses at iba pa.
Noong una ay natutuwa pa si Diane.. ngayon ay naiinis na siya dahil hindi nga siya
nagpapaligaw, e pilit ng pilit itong si Franco.
Iniiwasan ni Diane pero makulit talaga si Franco at lagi pa niyang sinusundan si Diane.
Kinausap na ng dalaga si Franco.
"Franco ano ba? Hindi ka ba napapagod sa kakasunod sa akin? Kakabigay ng kung ano ano?
At kung ano ano pang ginagawa mo!"
"Hindi ako mapapagod Molaco! "
"Bahala ka. Pero wag mong asahan na may mangyayari dahil sa mga ginagawa mo!"sabi ni Diane sabay walk-out.
Nalungkot doon si Franco
Akala nya e na appreciate ng dalaga yung mga ginagawa niya.
Kasama si Keno ay nakaupo sa Waiting Shed ang dalawa - habang kumakain ng spaghetti
Maluha luha si Franco habang kumakain.
Iniisip nya kung bakit naiinis na sa kanya si Diane her lab nya.
Pauwi na si Grace, agad namang tinawag ng magkaibigan si Grace upang mainterview about kay Diane.
"Grace, ganon ba talaga si Diane? Masungit?"
"Hindi naman. Naiinis na kasi siya sayo e. Lapit ka daw ng lapit sa kanya."
"Aruy!" pangaasar naman ni Keno.
"Ganun ba.. Ano ba dapat kong gawin para magustuhan nya ko? (maluha luha)" tanong ni Franco.
"Ewan ko lang Franco a, pero hindi talaga siya nagpapaligaw. Siguro ang chance mo e 10 - 20% lang."
Pagkatapos ng paguusap na yon ay nakita ng tatlo na pauwi na si Diane.
Agad namang susunod si Franco pero tinapik siya ni Grace.
"Ano'ng gagawin mo?
"E di susundan siya."
"Gusto mo bang lalo siyang magalit sayo?"
"Hindi siya magagalit, palihim naman e!"
"Bahala ka nga."
Sinundan ng mag best friend si Diane.
At nalaman nila ang bahay ng dalaga.
"May plano ako!" sambit ni Franco.
BINABASA MO ANG
Love Team
RomanceSi Franco ay transferee galing sa Private School. Sa paglipat niyang iyon ay hindi niya inaakalang mahahanap niya ang first love nya na si Diane. Romance Comedy Medyo pambata yung story. Worth reading. Kilig and laughter guaranteed :) Written and Pu...