Chapter 10
Lunes ng hapon pagkatapos ng 'skwela ay naghanda na si Diane para
magpunta sa broadcasting station.
Sa Taft Ave. Station ng MRT nakita ni Franco si Diane.
Sa pilahaan ng ticket ay malayo ang agwat ng dalawa.
At para hindi makahalata si Diane, ay nakasuot ng jacket
si Franco naman ay palingon lingon sa dalaga.
Dahil mukhang kriminal ang kilos ay nilapitan ng guard si Franco
"Kung may masamang balak ka, h'wag mo ng ituloy." sabi ng guard.
"WwaaaLLAaa Poooo" tulirong sagot ni Franco.
At ipinaliwanag ni Franco pakay niya kay Diane at maluha luha naman ang guard ng
mapakinggan ang paliwanag.
"Naniniwala na ko sa kwento mo bata.. Ganyan din ako noong una akong magmahal.."
Dadagdagan pa sana ng guard ang drama niya pero pinigilan na siya ni Franco.
"Ok na po!, ok na po!" sabi nya upang mapatahan ang nagdadrama nang si Manong guard.
Nakabili na si Franco ng ticket at dali dali itong tumakbo para sundan ang papasakay ng si Diane.
Sa tren, umupo si Diane malapit sa dulo.
Sakto namang pwesto para mamanmanan siya ni Franco.
Habang nasa tren ay pasulyap sulyap ang binata sa dalaga,
Bumaba na si Diane at sinundannaman ni Franco.
Sumakay si Diane sa tricycle para makarating na sa broadcasting station.
"Ano kayang meron dito?"
tanong ni Franco sa sarili.
Nakita niyang nakapila si Diane kaya para masundan niya pa rin ito ay pumila na rin siya
- kahit hindi niya alam kung para saan ang pila.
Binigyan sila ng numbers, wala pa ring kaalam alam si Diane na audition pala
ang pila para sa bagong boy and girl ng Isang talent search show.
Nakita na ni Franco si Diane na nandoon sa stage .. At tinatanong ng Judge.
"Iha, anong pangalan mo? "
"Diane po. "
"Anong talent mo? "
"Kakanta po.."
Kumanta si Diane
Kilig na kilig naman ang binata Habang nanonood
feeling niya kasi ay siya ang kinakantahan ng dalaga.
Pagkatapos ng performance ay sinabi ng judge na hintaying ang results mamaya maya.
"Next ! " sigaw ng judge.
Ang nakatangang si Franco kay Diane ay walang kamalay malay na siya na pala ang susunod.
Tinapik siya ng nasa likuran niya.
"Kuya.. Ikaw na po ang next ! "
"Ah.. Ako na ba? "
"Opo."
Umakyat si Franco sa stage at tinanong siya kaagad ng judge.
"Bakit ang tagal mo?"
Ngiti lamang ang naisagot ni Franco.
"Anong Pangalan mo?"
"Franco po. "
"Anong talent mo? "
Nagisip saglit si Franco at sinabing "sasayaw na lang po."
Tumugtog na ang music.
Si Diane naman ay napatingin sa stage at nakita niya si Franco na sumasayaw.
Nagtawanan at naaliw ang mga tao sa dance number,
kasama na ang judge, na tuwang tuwa sa performance ni Franco.
"You are wonderful! Balik ka mamaya for the result ah! "
Napangiti si Franco at nagpasalamat.
BINABASA MO ANG
Love Team
RomanceSi Franco ay transferee galing sa Private School. Sa paglipat niyang iyon ay hindi niya inaakalang mahahanap niya ang first love nya na si Diane. Romance Comedy Medyo pambata yung story. Worth reading. Kilig and laughter guaranteed :) Written and Pu...