Chapter 9
Ilang gabi matapos ang field trip sumama si Franco sa kanyang ninong na anchor ng isang talk show
program ng isang Fm radio station.
Napagtripang isama ng ninong nya si Franco upang may magawa naman daw itong mabuti at
para ma-i train na rin sa pagiging dj..
Mga 9 : 30 ng gabi, nagsimula na ang programang "Love Problems, ask Dr. Love".
Habang nagpoprogram ang ninong, si Franco naman ay nakaupo lang sa upuan
malapit sa ninong niya.
Mamaya maya pa ay najijingle ang ninong niya.
"Franco dito ka lang ah! Wala kang gagalawin ha.." Bilin ng ninong niya.
At dahil makulit ang binata, umupo siya sa upuan ng dj at cinut nya ang commercial.
"Ok.. Please welcome your guest dj for tonight.."
hindi siya nagpakilala dahil wala siyang maisip na DJ Name.
dagdag pa niya..
"Next Caller Please!!"
Ilang saglit lang ay may tumawag..
Sinagot niya ang caller.
"Hello?"
"Hi po Dr. Love? "
"Hi din. Sino to?"
"Diane po."
"Tiga saan?"
"Paranaque"
Parang kilala nya ang boses ng caller.
"Ok iha... Anong problem mo?"
(iniba niya ang boses para hindi makilala.)
"E kasi po,"
"H'wag kang mahiya"
"May nagkakagusto po sa akin Franco po yung name niya,
palagi niya po akong sinusundan, binibigyan ng kung ano - ano,
at lagi po siyang nagpapapansin sa akin. Naiirita po ako sa kanya dati pero
noong inalagaan niya ko nung field trip namin e parang nagkagusto na rin po ako sa kanya...
Ano po ba ang dapat kong gawin? Ipagtatapat ko na po ba sa kanya yung nararamdaman ko?"
Kinilig si Franci sa narinig at napangisi ng konti na narinig naman ng caller.
"May nakakatawa po ba?"
Ngunit nang sasagutin na sana ni Franco ay kinalabit siya ng ninong niya
at pinaaalis na siya sa upuan.
Cinut ni Ninong Bert ang tawag at nagusap ang magninong.
"Franco diba sabi ko naman sayo e hwag mong pakikialaman yung program."
Sabi ni Ninong Bert.
"Sorry po ninong, pero may caller po ako na nanghihingi ng payo!"
"O sige, sige. Sino ba yung caller mo?" tanong ni Ninong Bert.
"Yung crush ko po sa school."
"Sige. Ako na ang kakausap sa kanya."
"Di ko po ba maririnig?"
"Umuwi ka na. "
Medyo nainis si Franco.
Ngunit, utos iyon ni Ninong at kailangan niyang sundin.
Kahit dismayado dahil saglit lang niya nakausap si Diane
ay masaya na rin si Franco dahil nalaman niya ang saloobin ng
crush niya o mahal na niya yata.
Kinabukasan, nagtext si Joana kay Franco
"Kuya, pupunta po si ate Diane bukas sa Tv station."
"Ano'ng gagawin nya doon?"
"Di ko po alam eh."
Natuwa si franco sa balita na iyon sabay sabing:
"Yes! May lakad ako bukas!"
BINABASA MO ANG
Love Team
RomanceSi Franco ay transferee galing sa Private School. Sa paglipat niyang iyon ay hindi niya inaakalang mahahanap niya ang first love nya na si Diane. Romance Comedy Medyo pambata yung story. Worth reading. Kilig and laughter guaranteed :) Written and Pu...