Chapter 13
Ilang araw ang nakalipas, dadating na sa bansa ang nanay ni Diane
"Kamusta na kaya ang mommy nyo?" tanong ni Daddy nila sa dalawang magkapatid.
7 : 30 am ang nakatakdang arrival ng mommy nila.
Sakto naman ang time at nagkita na ang pamilya.
Dahil matagal ng nawala ay niyakap ni Mommy Imelda ang dalawa niyang anak.
Pagkauwi ay pinaghati- hatian ng pamilya ang mga pasalubong ni Mommy Imelda.
Kinabukasan, pumunta si Franco kina Diane, mangungulit na naman.
"Diane Yooohooo! Are you there?" sigaw ni Franco sa labas ng bahay nila Diane.
Lumabas si Mommy Imelda.
"Bakit mo siya hinahanap?"
"May sasabihin lang po.."
"Wala siya rito"
"Alam mo yaya, sa ganitong oras ko siya laging pinupuntahan dito.
Ngayon, kung bago ka po dito ay dapat na malaman mo na iyon. "
Nagalit si Mommy Imelda dahil napagkamalan siyang maid.
"Makakaalis ka na dito. " nagkikimkim na galit ng nanay ni Diane
"Yaya naman eh! Kahit saglit lang please? "
"Ano bang gusto mo sa ANAK ko?"
Nagulat si Franco sa narinig.
"Anak niyo po?"
"Oo! "
"Ngayon kung wala ka nang iba pang sasabihin ay
lumayas ka na dito at ayaw ko na makikita ko pa ang pagmumukha mo
sa harap ng pamamahay ko! "
Agad namang nagsorry si Franco ngunit pinagsarhan siya ng gate nito.
"Tsk! "
Si Mommy Imelda naman ay kinausap si Diane tungkol kay Franco
"Diane." tawag ng mommy niya.
"Po Ma? "
"Sino yung lagi daw tumatawag sayo dyan sa labas?"
"Si Franco po yun."
"Kaano ano mo yon?"
"Kaklase ko po."
"Bakit nagpupunta pa iyon dito?"
"Nangungulit po."
"Manliligaw mo?"
"Opo. Pero hindi ko po ineentertain."
"Pwes. Ayaw ko nang makikita siya dito. Ayaw ko na rin na
kinakausap mo siya sa school, ngayon, kung sweet kayo sa TV
gusto ko OFF-CAM hindi. Malalagot ka sakin Diane pag sinuway mo ako! "
"Pero bakit po?"
"Basta! Putulin mo na ang ugnayan mo sakanya simula ngayon!"
"Pero Ma! Mabait naman po siya eh! "
"Ayoko sakanya! "
At doon natapos ang kanilang pag-uusap.
Maluha luha si Diane.
Iniisip niya ang mga past moments niya with Franco.
At bigla siyang napangiti habang umiiyak ng maalala niya ang
tawag sa kanya ni franco
"Diane my lab."
Gumawa ng desisyon si Diane na susundin ang mommy niya at
iiwasan na lang si Franco para wala nang gulo.

BINABASA MO ANG
Love Team
RomanceSi Franco ay transferee galing sa Private School. Sa paglipat niyang iyon ay hindi niya inaakalang mahahanap niya ang first love nya na si Diane. Romance Comedy Medyo pambata yung story. Worth reading. Kilig and laughter guaranteed :) Written and Pu...