Love Team - Chapter 18 (LAST)

216 0 0
                                    

Chapter 18 - Last :D

"Halika Diane, pasyal tayo! " paanyaya ni Mommy Imelda bilang pambawi sa nagawa nito.

Ngunit may shooting pa si Diane kaya hindi siya na kasama sa kanyang pamilya.

Tanghali na ng magluto ng baked mac si Diane.

At umakyat siya sa taas para magcomputer.

Ngunit hindi namalayan ni Diane ang oras at nag over heat ang niluluto niya.

Masyadong nakatutok si Diane sa computer, mamaya maya pa ay

may napansin siyang usok na nangagaling sa ibaba.

Napaisip si Diane at naalala niya ang niluluto niyang baked mac.

Agad siyang tumakbo papa ng hagdan, nadulas siya

at nabagsakan ng kahoy na siyang ikinaipit na kanyang paa.

Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at

dinial ang 1 na naka assign sa number ni Franco.

"Franco tulungan mo kooooo"

sigaw ni Diane na humihingi ng tulong kay Franco.

To the rescue ang ating bida..

Pinatay niya lang ang kanyang PSP at

dali- dali na siyang pumunta kina Diane.

Pagkarating ni Franco ay mausok na ang paligid.

Naaninag ni Diane si Franco.

"Franco mahal ko!!! Andito akoooo!"

Narinig ni Franco ang sigaw na iyon at nilapitan niya si Diane.

Tinanggal ni Franco ang kahoy at binuhat niya si Diane at

inihiga sa sofa, pagkatapos ay kumuha siya ng basahang basa at

buing tapang na pinatay ang apoy.

Nagtagumpay si Franco sa pagpatay ng sunog.

Binalikan niya si Diane sa sofa at sinampal siya ng dalaga.

"Uhm!" Iniwan mo ko dito? Eh pano kung mabagsakan ulit ako?"

"Eh kesa naman hindi ko patayin yung apoy?! E di natupok tayo! "

Binuhat palabas ni Franco si Diane at doon ay tinanong niya kung ano'ng nangyari.

Isinalaysay ni Diane ang nangyari.

May pahabol na tanong naman si Franco.

"Anong sabi mo kanina?" tanong ni Franco.

"May sinabi ba ko?"

"Meron kaya!"

"Wala! "

"Franco mahal ko pa nga yun eh!"

"Ikaw nagiimbento ka!"

"Totoo yun eh! Amin ka na!"

"Oo na mahal kita!"

"Galit ka yata eh?"

"Hindi sabi ko... Mahaaaaall kitaaaaa (malumanay)"

"Hahaha! Sabi ko na may gusto ka rin sa akin eh!"

"Franco I love you! " sigaw ni Diane.

"I love you too Dianeeeeeeeee" sigaw din ni Franco.

at over sa kilig ang dalawa.

"Penge ng kiss :* " sambit ni Franco.

Akmang hahalikan niya na si Diane ng takpan ng dalaga ang bibig nito.

At dito na nagtatapos ang ating istorya :)

---------------------------------------------------

The end :D thanks for reading

--------------------------------------------------
EDIT: Abangan ang sequel ng LoveTeam na pinagamatang Soulmates, si Franco at Diane pa rin kaya hanggang dulo?

Salamat
---------------------------------------------------

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon