Love Team - Chapter 14

125 0 0
                                    

Chapter 14

Nakatanga si Franco, nakahiga, pinagmamasdan ang kisame habang iniisip si Diane.

Kumatok si Keno.

"Tok ! Tok ! "

Nilapitan ni Keno si Franco at gamit ang baroque english niya

ay kinausap niya ang problemadong kaibigan.

"Hey you ! , you look problem! "

"Yeah I look problem! "

"But why is there something wrong?"

Nagtaka si Franco.

"Aba, tama yung grammar nun ah! "

"Ahaha.. Nalunok ko yung dictionary namin eh! "

Nagtawanan ang dalawa at pumunta na sa seryosong usapan.

"Ano ba problema mo?"

"Napagkamalan ko kasing yaya yung nanay ni Diane."

Natawa si Keno.

"AHAHAHA. Gunggong!

MORAL LESSON : Dapat kilalanin muna kung sino ang kausap mo Franco!"

"Yun na nga eh. Nagkamali ako."

"Ano sabi sayo?"

"H'wag na daw akong pupunta sa bahay nila.

At h'wag na ko na daw ipapakita yung pogi kung mukha sa pamamahay nila."

"Seryoso ka ba?"

"Oo."

"Seryoso ka nung sinabi mong pogi ka?"

"Oo naman."

Biglang kumulog, pagkatapos sabihin ni Franco yun.

At nagpunta na sila sa "MAS" seryosong usapan.

"Ano'ng gagawin mo tol?"

"Pupunta kina Diane hihingi ng Sorry."

"Sira talaga ulo mo! "

"Eh anong gagawin ko?"

"Iisipin ko."

Kinabukasan, nagsimula na si Diane na iwasan si Franco.

Kahit sa eskwelahan at kahit sa set ng first movie nila.

"Direk ano nangyari kay Diane? kanina pa niya ako hindi pinapansin..." tanong ni Franco sa direktor.

"Baka bad mood lang yun." sabi ni Direk.

Nasa romantic scene ang dalawa.

*Kunwari ay hahabulin ng dalaga si Franco na may dala dalang prutas.

"Franco intayin mo ko! "

Ngunit hindi huminto si Franco sa pagtakbo hanggang sa sinabi ni Diane na :

"Franco mahal kita! "

napatigil si franco

at "CUT! " sabi ni Direk.

------------------------------

*Scene lang yun :)

-----------------------------

Love TeamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon