"Bukas na ang Field Trip natin" announcement ni Ms. Jayalin
Naghiyawan ang buong section.
Habang nagrerecess nag-usap ang mag best friend.
"Franco, sino katabi mo bukas?"
"Ikaw syempre, lagi naman e."
"Oo nga ano? Simula kinder yata hanggang 4th year yata ng high school e tayo ang magkatabi."
Nagtawanan ang dalawa.
Kinabukasan, araw na nang field trip.
Dahil excited, maagang gumising sina Franco at Keno
Dahil sa sobra ngang excitement.. Sila ang nauna sa bus nila.
"Grabe tol ang aga pala natin!" pansin ni Keno.
"Ahahaha. Ok lang yan para makatabi natin si Ms. Jayalin :) "
"Loko ka talaga Franco."
Isa- isa na ring nagdatingan ang mga classmates nila.
At si Mom Jayalin, umakyat na sa bus. Nakita ng adviser na ang magiging katabi nya ay ang
mga kinaiinisan niyang estudyante.
"Good Morning ma'am " bati ng dalawang estudyante kay Mom Jayalin na may nakakalokong ngiti.
"Dyosko, ang pangit ng field trip ko ngayong taon." bulong ni Mom Jayalin sa isip.
Dahil no choice na, tumabi na si Ms. Jayalin sa mga kinabibwisitan nyang mga estudyante
na sina Keno at Franco.
At umakyat na si DIane kasama si Joana.
"Good morning Diane my Lab! " bati ni Franco.
"Tse...! "
"Sungit!"
Tinapik siya ni Ms. Jayalin.
"Ano'ng Diane my love pa dyan? Gusto mo sumbong kita sa tatay nun?" pagbabanta ng adviser kay Franco.
"Hwag naman po"
Umandar na ang bus.
First stop ay sa Gardenia, sa may Laguna.
"Hmmm... Bango..! " Sinisinghot ni Keno ang amoy ng gardenia ng bumaba sa bus.
"Masinghot mo yung buong planta." pangaasar ni Ms. Jayalin
"Oo nga. Baka pagbalik natin e wala nang gardenia bread, naubos mo na. " gatong pa ni Franco.
Ipinakita step by step kung paano ginagawa ang masarap na Gardenia.
At pagkatapos noon ay nagtanong ang guide. "May tanong ba kayo?"
Umepal si Franco ng tanong.
"Gumagawa po ba kayo ng Pork Bread" sambit niya sabay turo sa katabing si Keno.
Nagtawanan ang Section 3.
Pagkatapos ay pumunta sila sa Gardenia Store para sa products.
Pasimpleng lumapit si Franco kay Diane.
"Diane tinapay ka ba? Palaman kasi ako. Perfect match tayo! "
"Korni. " nasabi lang ni Diane,
Si Joana naman ay napangiti sa pickup line.

BINABASA MO ANG
Love Team
RomanceSi Franco ay transferee galing sa Private School. Sa paglipat niyang iyon ay hindi niya inaakalang mahahanap niya ang first love nya na si Diane. Romance Comedy Medyo pambata yung story. Worth reading. Kilig and laughter guaranteed :) Written and Pu...