Chapter 8
Umalis na sila sa Gardenia, Ang next stop naman nila ay ang UP Los Banos Pastries.
Habang nasa biyahe ay nagiisip si Franco ng pickup line na pwedeng sabihin at may kinalaman sa pastries.
"Ngenong iniwisip mou Fwanco? " tanong ni Keno habang kumakain ng tinapay.
"Ano?"
"Sabi ko anong iniisip mo! BINGI ! "
"Nasabihan pa ko ng Bingi! E kumakain ka habang nagsasalita!"
At nakarating na sila.
"Keno dahan dahan lang baka maging diabetic ka"
asar ni Ms. Jayalin kay Keno.
Agad namang nagreklamo si Keno sabing "Mom naman eh! "
Lumapit si Patricia kay Keno sabay bulong na " Franco si Diane nasusuka. " sabay baba ni Patricia.
Ilang saglit lang ay lumapit naman si Joana kay Franco sabay abot nang gamot para sa nagsusuka.
Kumuha si Franci ng tubig at lumapit kay Diane.
"Diane ito yung gamot oh.." sabay ngiting pagabot ng gamot ni Franco kay Diane.
"Salamat."
"Your'e welcome"
"Hindi ka ba bababa?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Dito na lang ako babantayan kita."
"Neknek mo, bumaba ka na doon! (ngiti) "
"Kulit mo! Dito nga lang ako eh! :P "
"Joana ikaw na lang ang bumaba."
"Sumama ka kay Keno Joana"
At naiwan ang dalawa sa bus.
Tumabi si Franco kay Diane, inaasikaso ang dalaga na masama ang pakiramdam.
"Ok ka na ba?"
"Ok na."
At nakatulog ang dalawa. hindi sadyang nakapatong ang ulo ni Diane sa balikat ni Franco.
At bumalik na ang Lahatsa bus, sa pangunguna ni Grace ay lihim na kinukunan ng pictures ang dalawa.
Nagising ang dalawa at isang "ayiee" ang narinig sa bus.
Bumalik na si Franco sa harap.
"Diskarteng Marino Franco a.." sabi ni Keno sabay apir sa kaibigan.
"Loko.."
"Kunyari sweet, Napanood ko na yan! " pangaalaska ni Mom Jayalin.
"Mom naman e!"
"Sabi ko naman sayo ate, mabait siya eh. " sabi ni Joana sa kapatid.
"Oo na Joana. " sagot ni Diane,
Next stop nila ang montevista resort.
Masayang nagswimming ang Lahat at pinagbabawalan nila si Keno na magswimming
dahil daw baka maubos ang tubig sa pool.
Si Franco naman ay nakisali na rin sa kaguluhan sa pool.
Si Diane naman nakangiti habang tinatanaw ang mga kaklase sa malayo.
Naging masaya ang field trip na iyon para sa lahat.
Isang hindi makakalimutang experience ng Section 3
BINABASA MO ANG
Love Team
RomanceSi Franco ay transferee galing sa Private School. Sa paglipat niyang iyon ay hindi niya inaakalang mahahanap niya ang first love nya na si Diane. Romance Comedy Medyo pambata yung story. Worth reading. Kilig and laughter guaranteed :) Written and Pu...