Chapter 3
Nagbago ang IHIP ng hangin.
Ang dating tamad na tamad pumasok na si Franco ay masiglang gumising at atat na atat pumasok.
Ikinagulat ni Keno ang pagbabago ng kaibigan.
"Ano'ng nangyari sayo?
"Basta?"
"Dahil ba doon sa babae kahapon?"
"Oo."
"Mukhang tinamaan ka dun ah!"
"Mejo Brad!"
Nakarating na ang dalawa sa paaralan, at agad silang dumeretso sa classroom nila.
Pagdating sa classroom ay umupo na ang dalawa.
Sumulyap si Franco sa upuan ni Diane at nakita nyang wala pa ito.
Ngunit ilang saglit lang e, pumasok na si Diane sabay upo sa upuan.
Tumayo si Franco at tumuntong sa lamesa, agad syang kumanta ng Closer you and I habang naglalakad papalapit sa mesa ni Diane.
Nagulat ang section sa nangyayari, kahit si Keno.
"The Closer I get to touchin you.. The Closer I get to lovin you.."
at sa "You and I " ay lumuhod si Franci at hinihingi ang kamay ni Diane.
Kinilig ang lahat. Napangiti si Diane sa ginawa na iyon ni Franco.
Pero pumasok na si Ms. Jayalin, kitang kita niya si Franco na nasa ibabaw ng lamesa.
"Mr. Franco ano'ng ginagawa mo dyan?" tanong ng guro.
"Aaaa.. Ee... " tanging nasagot lang ni Franco na pakamot kamot sa ulo.
"Bumaba ka dyan at may meeting ka ngayon sa guidance " paguutos ni Ms. Jayalin.
Piningot sa tenga ng guro ang pasaway na bata habang papunta sila sa guidance.
"Araaay" sambit ni Franco sa pingot ni Ms. Jayalin
Nakarating na sila sa guidance at agad inereport ni Ms. Jayaling ang nangyari kay Mrs. Glodo, ang guidance counselor.
"Ano bang ginagawa mo sa ibabaw ng mesa Franco?" tanong ni Mrs. Glodo.
"Nanliligaw po." agad namang sagot ni Diane.
Nagulat ang dalawang guro sa sagot.
"Ang bata bata mo pa nanliligaw ka na?" tanong pa ni Mrs. Glodo.
"Opo"
"Ewan! Basta wag mo nalang uulitin ito a!"
"Pangako po."
Nakangiting panginis si Franco nang lumabas sa guidance.
Ipinakita pa niya sa adviser ang ngiting iyon, na siya namang kinaasar sa kanya ni Mom Jayalin.
Recess time.
Nagusap ang mag best friend na sina Grace at Diane.
"Nakakakilig yung ginawa niya kanina Diane a! "
"Oo nga eh. :)"
"Mukhang tinamaan sayo yung makulit na yon a!"
"Ewan ko ba."
"Nanliligaw na ba sayo?"
"Hindi noh! Hindi ako nagpapaligaw.."
"Ah sayang cute pa naman siya, sweet pa."
Sa kabilang banda, ay ang mag best friend na sina Franco at Keno ang nagusap.
"Nagawa mo yun Franco?"
"Hehe. Oo, na Buenamano pa ko sa guidance.."
"Ang lakas talaga ng sayad mo."
BINABASA MO ANG
Love Team
RomanceSi Franco ay transferee galing sa Private School. Sa paglipat niyang iyon ay hindi niya inaakalang mahahanap niya ang first love nya na si Diane. Romance Comedy Medyo pambata yung story. Worth reading. Kilig and laughter guaranteed :) Written and Pu...