PROLOGUE
Nagkaroon ng sunog sa isang three-storey apartment sa lungsod ng Mahayag. Abala ang mga bombero sa pagresponde. Mabilisan ang pagbobomba ng iba sa apoy, samantalang ang iba naman ay lakas loob na pumasok sa apartment.
"Patay na ang dalawang ito," tukoy ni Paciano sa isang babae at isang lalaki na nakahandusay sa sahig. Pinagtutulungan nila itong mailabas sa apartment.
"May naririnig akong iyak ng sanggol. Mauna na kayo hahanapin ko lang ang kinaroroonan n'on!" paalam ni Arthur sa mga kasama at maliksing naghanap. Hindi niya alintana ang init ng apoy sa paligid makaligtas lamang ng buhay. Sa wakas ay nakakita siya ng isang kuna. Agad niya itong nilapitan. Maya-maya pa'y may nahulog na naglalagablab na bagay mula sa itaas. Bago pa ito mahulog ay kalong na ni Arthur ang sanggol at dali-daling umalis.
: Dedicated to KokomiCenrikYuzako dahil sa pagvotes niya sa kwento kong Tatahakin man ay Kasaysayan. Maraming salamat po!
BINABASA MO ANG
My Sister, My Wife
RomanceMalapit si Yurika sa kanyang nakakatandang kapatid na si Regan. Dumating na sa puntong nakabuntot na siya palagi rito. Bukod pa roon, iniidolo rin niya ito hanggang sa mapagtanto niyang hindi niya kayang mawalay rito. Kaya isang bangungot para sa ka...