Epilogue

149 5 2
                                    


Sumikat ang anime adaptation ng The Memoirs of a Great Dreamer sa buong mundo. Sa kasagsagan ng tagumpay ay pinakasalan ni Regan si Yurika sa Pilipinas. Dinaluhan ito ng maraming tao. Siyempre dumalo rin ang mga matatalik na kaibigan ni Yurika na naging successful din sa kani-kanilang mga career. Naging masaya ang araw na iyon. Walang mapaglalagyan si Arthur sa galak na kanyang naramdaman sapagkat ang dalawang kayamanan niya ay hinding-hinding na maghihiwalay pa.

Kinarga ni Regan si Yurika papasok sa kanilang kwarto. Matapos na maibaba ang dalaga ay nagyakapan agad sila ng mahigpit.

"Yuri.."

"Regan .."

"Sa wakas magiging akin ka na."

"Ako dapat ang magsabi niyan. 'Di ko naisip na mangyayari ito sa buhay ko na ang itinuturing kong Kuya ay naging asawa ko na ngayon."

Malambing na hinawakan ni Regan ang mga kamay ni Yurika. "Dahil tayo ay para sa isa't-isa. Napakasaya ko rin. Hindi lang tayo nagkatuluyan natupad pa nating dalawa ang ating mga pangarap."

"Siyempre, ikaw na naging animator."

"At ikaw naman writer." Naglapat ang kanilang mga noo ng nakangiti. "Yuri, pwede ba akong magsulat sa diary mo? May mahalaga lang akong isusulat doon."

"Sure!" Kinuha niya ang diary sa loob ng drawer at ibinigay kay Regan kasama ang ballpen. Nagsimula ng buksan ni Regan ang notebook. Saka siya tumabi rito. "Anong isusulat mo riyan?"

Tumitig muna sa kanya si Regan ng puno ng pagmamahal at nagsimulang magsulat.

Dear Diary,

Si Yuri ay naging kapatid ko ng matagal na panahon ngunit asawa ko na siya simula sa araw na ito.

Saka naglapat ang kanilang mga labi.


: Dedicated to eyason Thank you for voting TMAK!

My Sister, My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon