Matapos magpaalam si Arthur sa kanyang mga anak na sina Regan at Yurika ay umalis na siya upang magreport sa trabaho. Si Arthur ay isang bombero at matagal na siya sa trabahong ito. Lulan ng kanyang motorsiklo, habang dumadaan sa mga gusali ay dumaloy ang mapapait na ala-ala sa kanyang isipan. Sa tuwing masisilayan niya ang isang mansion kumikirot ang kanyang puso.
"Minda..."
Hindi niya makakalimutan maraming taon na ang nakakalipas, siya'y iniwan ng kanyang asawa sa kadahilanang hindi niya maibigay ang mga luho nito na lagpas na sa kaya niyang ibigay. Mamahaling kotse, mga alahas at malaking bahay na parang mansion. Nang lumaon ay nabalitaan na lamang niyang sumama ito sa isang napakayamang negosyante at naibigay ng negosyanteng 'yon ang mga bagay na hindi niya maibigay sa kanyang asawa. Nakaramdam siya ng bigat sa kanyang dibdb. Hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang asawa sa kabila ng lahat.
Nagkaroon ng brief meeting ang magkakaibigang Yurika, Meyrin, Shania, Luna at Julia sa plaza bago pumasok sa trabaho. Panggabi ang shifting nila pareho kaya mahaba ang kanilang pagkakataong makapag-usap.
"Oh leader Julia anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Meyrin.
"Nais kong ipaabot sa inyo ang nasa isip ko diyan sa most hated customer ni Yuri. Para na rin linisin ang pangalan ko sa inyong lahat."
"Sige ano 'yon Julia para matapos na rin ito bago pa tayo matanggal sa trabaho," sabi niya.
"Mga bes, wala sa atin ang problema nasa customer. 'Yong omelette na isinerve nina Yuri at Luna ng mga oras na 'yon ay iisa lang. Bakit nasarapan 'yong customer ni Luna samantalang kay Yuri sinabing maalat?"
"Baka iba lang ang taste niya. Iba-iba ang taste ng tao eh," puna ni Meyrin na malalim ding nag-isip.
"Eh 'di 'wag na siyang bumalik kung gano'n! Eh bakit pabalik-balik pa siya? Hindi naman nagbago ang recipe araw-araw at bakit kung iba ang magse-serve sa kanya abot-teynga pa ang pasasalamat? Nag-iiba lang naman 'yon pag si Yurika."
"Sang-ayon ako diyan," wika ni Shania. "Favorite niya kasi 'yong Omelette Rice. Siya mismo ang nagsabi no'n sa akin one time noong ako ang nagserve sa kanya. Mabait naman'yon sa akin."
Nagsitinginan ang lahat sa kanya.
"Bakit?" Nakasimangot niyang tanong.
"Kung 'di mo talaga siya ever na kilala eh anong dahilan at pinag-initan ka niya?" Tanong naman ni Luna sa kanya.
Tumango ang tatlo.
"Eh bakit ba? Baka insecure lang siya sa akin." Wala sa sariling sagot niya. "I'm innocently beautiful. 'Di katulad niya maganda nga pero parang kung sinu-sino na yata ang kalaguyo," sagot niya with matching flip hair sa ere.
"Grabe ka Yuri. Hindi ko alam ipinagmamayabang mo pala 'yang beauty mo. Akala ko ba ako lang ang nagpo-promote ng beauty ko sa team na 'to."
"'Wag kang mag-alala Julia ikaw pa rin ang muse dito sa team," nakangiting bawi niya. Sumang-ayon naman ang tatlo.
"Char love you all..," ani Julia sabay flip ng maiksi niyang buhok. "By the way maliban sa sinabi ni Yuri, ano pa ang maaaring maging dahilan kung bakit niya ginawa 'yon?"
"Baka kulang lang siya sa pansin?"
"Sumpong sa utak?"
"Paranoid?"
"Baka psycopath."
Nagkatawanan ang magkakaibigan sa naisip.
"Hay naku, pustahan tayo. Insecure nga siya sa ganda ko. Alam niyo na, patok na ang mga chinita ngayon." At ipinamalas na naman niya ang makamandag niyang eye smile.
"Nakakaloka ang confidence mo Yuri. Nasisilaw ako," biro ni Julia na tinakpan pa ang mukha. "Pero may punto ka. Napansin niyo? Sisimangot siya kapag pinupuri ng mga customers si Yuri."
"Agree ako diyan! Naalala ko pa pati 'yong kasamang lalaki ng customer napatingin din kay Yuri at pumuri pa," dagdag pa ni Meyrin.
"Oh 'di ba tama ako?"
"Pahamak ang beauty mo girl," paninisi ni Julia.
"Ngayon alam na natin ang dahilan."
"Case closed," pagtatapos naman ni Luna.
"Pero kailangan natin itong sabihin kay Manager bago pa ito umabot sa mga boss natin," pag-aalala ni Yurika. "Pagkatapos matatanggal ako dahil pahamak ang beauty ko?"
"Hala 'no? Dahil sa kanya matatanggal ka? 'Di naman yata shunga si Manager para tanggalin ka sa ganyang kababaw na dahilan."
"May hustisya pa rin namang umiiral sa café."
"Correct! Saka mabait yata si Miss Manager maiintindihan niya 'yon."
"Saka tandaan mo Yuri, mahal ka ng mga customers natin, maliban na lang sa kanya." Sumang-ayon ang lahat. "Sino ang lamang ngayon? Siyempre sa majority papanig si Manager 'di ba?"
"Tama! Tama!"
"Siya nga pala malapit na ang pasukan. Anong kursong kukunin ninyo?" Tanong ni Meyrin.
"Computer Science."
"Accountancy."
"Sige, si Shania computer science at si Luna naman accountancy. Si bakla third year na sa HRM at ako naman Education. Ikaw Yuri?"
"Journalism sana eh," mahinang sagot niya. "Pero IT kukunin ko."
"Toinks, bakit?"
"'Yong journalism kasi hahagilapin ko pa sa ibang lalawigan 'yon saka gusto ni Papa IT dahil in-demand daw. Computer na raw lahat ngayon. Related lang sa course ni Kuya matutulungan ako ni Kuya sa usaping computer. Pwede naman daw maging writer kahit ano pa ang propesyon."
"Yuri paki-regards naman sa Kuya mo," hirit ni Julia sabay kindat.
"Julia!" Awat ng tatlo.
Napahalakhak lang siya.
"Kung sa bagay may punto rin ang Papa mo. So see you in School mga bes!"
"Yeah!"
: Dedicated to prinsesang_dyosa15 dahil sa pagvote niya sa prologue. Maraming salamat po sa pagbasa nito :)
BINABASA MO ANG
My Sister, My Wife
RomantizmMalapit si Yurika sa kanyang nakakatandang kapatid na si Regan. Dumating na sa puntong nakabuntot na siya palagi rito. Bukod pa roon, iniidolo rin niya ito hanggang sa mapagtanto niyang hindi niya kayang mawalay rito. Kaya isang bangungot para sa ka...