Chapter 5

140 5 0
                                    

"Yes! Yes!" masayang sigaw ni Regan. Palundag-lundag pa siya at kinarga si Stellar. "Maraming salamat at sinagot mo ako Ste!" Kasalukuyan silang nagda-date sa isang romantic na lugar.

"Ano ka ba, mahal kita kaya kita sinagot. Saka ang ganda ng drawing ah." Nagbitiw ito ng matamis na ngiti. Hinalikan muna ito ni Regan "Yes! Yes!" masayang sigaw ni Regan. Palundag-lundag pa siya at kinarga si Stellar. "Maraming salamat at sinagot mo ako Ste!" Kasalukuyan silang nagda-date sa isang romantic na lugar.

"Ano ka ba, mahal kita kaya kita sinagot. Saka ang ganda ng drawing ah." Nagbitiw ito ng matamis na ngiti. Hinalikan muna ito ni Regansa labi bago ibinaba. "Nag-aalala ako baka 'di mo magustuhan. 'Di kasi nagustuhan ni Yuri 'yong drawing maba-basted lang daw ako."

Pahamak talaga ang mochachang 'yon. May balak pa talagang sirain ang plano ni Regan  sa panliligaw sa akin. Ano ba?! She is just a sister so what's the threat anyway?? Tumikhim muna si Stellar at ngumiti. "Ikaw kasi masyado kang paniwala sa kapatid mo kahit binobola ka lang. Alam naman nating 'di 'yon boboto sa ating dalawa."

Saglit na napag-isip si Regan. "Honest 'yon si Yuri. Sinasabi niya talaga kong ano ang nasa loob niya lalo na't tungkol sa mga drawing ko."

Kibit balikat lang si Stellar. "Come on Reganito ang pinakamasayang araw natin. Let's enjoy it!"

"Hindi ako maging masaya ng lubusan kapag hindi kayo okay ni Yuri. Maaari mo bang kausapin si Yuri at makipagkasundo sa kanya para sa akin?"

Nag-isip muna si Stellar. Bakit naman hindi? Kunwari lang naman."Sure Regan. Ako ang pupunta sa inyo para kausapin si Yuri."

Linggo ng umaga. Napahinto si Yurika nang makita sina Reganat Stellar na magkatabing nakaupo sa sala. Papanaog siya sa hagdanan nang tumayo si Stellar.

Kumaway ito. "Hi Yuri!"

"Anong ginagawa mo rito?" mataray niyang tanong.

Nagulat siya nang niyakap siya nito. "Sorry na Yuri. 'Wag ka ng magalit sa akin. Alam kong may kasalanan din ako." Kumalas ito. "Kaya nandito ako upang humingi ng tawad sa nangyari." Parang tupa ang mga mata nito na parang walang bahid na pagpapanggap.

'Di muna siya sumagot. Kay Regansiya tumitig ng matalim. "Galing!" At kay Stellar. Pumalakpak siya sa ere. "Pwede ka ng maging actress Stellar. Anong nangyari at nagwind of change ang pakikitungo mo sa akin? "

"Ibaba mo ang pride mo Yuri. Si Stellar na nga ang nagpapakumbaba para sa'yo oh," hiling ni Regan. "Ayokong nag-aaway ang dalawang babaeng pinakamahalaga sa akin."

Napakislot siya sa narinig. "Ano?" Lumakas ang tibok ng kanyang puso.

Tumayo si Reganat tumabi naman si Stellar dito. Nakita niyang hinapit ni Reganang beywang ng dalaga.

"Tama si Regan, Yuri. 'Di tayo dapat nag-aaway lalo na't," tumingin muna ito kay Lance. "..girlfriend na ako ng Kuya mo."

Pagkarinig no'n ay tila ba lumindol at nadaganan ang puso niya. Si Stellar girlfriend na ng Kuya ko?!

"Hindi! Hindi ako papayag!" Bulyaw niya. "Hindi maaari..," halos mabasag ang tinig niya sa kanyang huling tinuran. "Hindi kayo bagay!"Agad siyang umakyat ng hagdanan patungo sa kanyang kwarto.

Pigil ang inis ni Stellar. Gusto niyang sabunutan si Yurika pero nagtimpi siya upang siya pa rin ang kakampihan ni Regan. Sa halip ay sumubsob siya sa dibdib ng binata at umiyak. "Regan, honey...ayaw talaga sa akin ng kapatid mo."

"'Wag kang mag-alala Ste balang-araw matatanggap din niya ang ating relasyon."

Nagmukmok lang si Yurika sa kwarto niya. Gumuho na ang kanyang mundo. Nagkakatotoo na ang kinatatakutan niya at ang mas masaklap si Stellar pa ang naging girlfriend ng Kuya niya. The most hated costumer!

My Sister, My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon