Chapter 10

150 6 0
                                    

Lumipas ang mga taon. Wala pa ring balita tungkol kay Yurika. Ipinagpapatuloy pa rin ni Regan ang buhay niya. Nag-aral siya ng mabuti hanggang sa nakatapos siya. Umaasa pa rin siyang magkikita silang muli ni Yurika at ang diary nitong naiwan ang tanging ala-alang iniingatan niya. Kapag nalulungkot siya ay binabasa niya lang ito upang mabawasan ang kanyang lungkot.

Hanggang sa siya ay nakapagtrabaho sa isang animation company dito sa Pilipinas bilang professional animator. Ang Pilipinas ang isa sa mga outsourcing partner sa mga malalaking international production sa buong mundo. Dahil na rin sa mababang gastos at sa galing na rin ng mga Pilipino sa English language at sa bilis at kalidad ng pagawa, karamihan sa mga paborito at sikat na anime na nagmula sa Japan ay dito ginawa sa Pilipinas. Katulad ng One Piece, Dragon ball Z at Slamdunk. Kaya naman si Regan ay masyadong abala at subsob sa trabaho lalo na't may bago na namang proyekto ang kompanya. Ang pagsasagawa ng animation sa isang story na bago pa lang sumikat sa Japan. Dahil sa rami ng request na gawan ng anime version ang story na 'to ay hindi ito pinalampas ng isang sikat na animation company sa Japan. At upang maging madali ang pagawa ng produksyon ay ipinasa na sa Pilipinas ang eighty percent sa pagawa.

Kararating lang ni Yurika kasama ng kanyang mga adoptive parents sa Pilipinas. Nanggaling pa sila sa Japan at ngayon sila'y nagbakasyon upang bumisita sa mga branches ng Maid Café. Limang taon na ring hindi siya nakauwi sa Pilipinas. Kinakabahan siya nang bumaba na sila mula sa eroplano. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang kanyang naging unang pamilya. Kumusta ka na Kuya Regan? Isang bahagi ng kanyang puso ang nagnanais na makitang muli ang nakakatandang kapatid kaya lang baka mahulog na naman ang kanyang loob dito at saka tiyak na isinumpa na siya ng kanyang Papa Arthur. Paninindigan na niya ang kanyang paglayo. Sisikapin niyang hindi na sila magtatagpo muli. Wala na siyang babalikan. Hindi na rin siya babalik.

Dumaan muna sila sa Mall upang bumili ng kanilang kakailanganin. Hindi niya pinalampas na dumaan sa isang Book Store doon. Na-miss na talaga ang mga gawa ng mga local authors ng Pilipinas. Pati na ng pagbabasa ng mga Tagalog Novels, Pinoy Comics at iba pang gawang Pinoy. Kahit na marunong na siyang magbasa at umunawa ng mga Japanese Manga ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga gawang pinoy. Iba pa rin talaga 'pag sariling atin. Namili agad siya ng kanyang bibilhin. Sa kanyang pamimili ay nakita niya agad ang kanyang mga sinulat ng libro na nakalagay sa isang shelf. Napangiti siya. Masasabi ngang natupad na niya ang kanyang pangarap. Isa na siyang international writer at hindi niya aakalaing darating siya sa puntong ito. Dahil ikaw ang naging inspirasyon ko Kuya Regan   . Maya-maya pa'y may grupo ng mga estudyante na namili at bumili ng kanyang mga libro. Halos maiyak siya sa tuwa. Thank you guys for patronizing my work. Marami kayong matutunan sa mga libro ko, hindi kayo magsisisi. Pinuntahan niya ang ibang section. Nakita niya ang mga instructional book na nagtuturo kung paano gumawa ng animation. Kinuha niya ito.

"Siguradong naging animator na siya ngayon at asawa na niya si Stellar," wika nito sa kanyang sarili. Maraming taon na ang lumipas pero nandoon pa rin ang bigat ng kanyang dibdib kapag iniisip niya ang tungkol sa kanila ni Stellar. Naudlot ang kanyang pag-e-emote nang tawagan siya ng kanyang itinuturing na Mama na sila'y uuwi na. Ibinalik niya sa shelf ang libro at dali-daling ipina-punch sa cash counter ang kanyang mga napili.

Ang pamilya ay dumiretso na sa Pasig. May nakahanda nang apartment doon upang kanilang matuluyan. Malapit lang sa Maid Café Pasig Branch.



"Sayang bro, 'di mo siya nakita," panimula ni Shin. Si Shin ay matalik na kaibigan ni Regan na isang animator din katulad niya.

"Sino Shin?" Ibinaba niya ang tasa ng kape mula sa kanyang bibig. Kasalukuyan silang nasa Cafeteria ini-enjoy ang break.

"'Yong author ng The Memoirs of a Great Dreamer na ginawan natin ng animation. Nakapaganda niya talaga. She has curly hair and smiling eyes," dugtong pa nito.

My Sister, My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon