Chapter 4

136 6 1
                                    

"Kuya Regan sino 'yan?" tanong ni Yurika. Napansin niya kasing may iginuguhit si Regan sa sala nang napadaan siya.

"Si Stellar," sagot nito habang nakangiti. "Maganda ba?"

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay may kumirot sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. "Ibibigay mo 'yan sa kanya?"

"Oo. Liligawan ko na si Ste. Ibibigay ko 'to sa kanya para ma-impress naman siya sa akin."

"Ah...sige goodluck." At inis siyang umalis.

"Yuri maganda ba drawing ko?!"

"Hindi! Itapon mo 'yan! Maba-basted ka lang!" pasigaw na sagot niya papalayo, na siyang ikinagulat ni Regan .

Hindi naman ganoon ang kapatid. Kahit pa sabihing mataray ito. Walang drawing na hindi nito na-aapreciate. Napakamot na lang ito sa ulo.



Payapang naglakad si Yurika patungo sa room ng kanyang Programming 1 class nang may bumangga sa kanya mula sa likod.

"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" bulyaw niya. "Sinadya mo talaga 'yon ano?"

"Whoops! Ikaw pala Yurika. Oh no, hindi ko sinasadya!" Naglabas si Stellar ng isang tusong ngiti.

"Sinadya mo! Katulad ng panglimang beses ng pagtapon mo ng pagkain sa maid costume ko!"

"Bagay lang 'yon sa'yo dahil napaka-assumera mo. Akala mo siguro mahahakot mo lahat ng atensiyon ng mga tao."

Naglabas siya ng magaang halakhak sa ere. "Hayun! Inggit ka lang sa akin dahil marami akong fans kaysa sa'yo!"

"Don't get me wrong alipin. Siguro doon sa pipitsuging Café marami pero dito," nagflip ito ng hair at nagpose, "ako ang reyna, ang pinakamagandang babae rito sa campus. Not to mention na mas hamak na sikat at tinitingala ako rito."

Tumawa ulit siya habang nakapameywang. "Wala akong paki kung ikaw pa ang miss universe. To the fact na inggit ka sa akin inggit ka talaga. Hindi na magbabago 'yon."

"Kapal din ng mukha mo! Nagtaka nga ako kung paano ka naging kapatid ni Regan ni hindi kayo magkaugali at magkamukha."

Isa rin 'yon sa matagal na niyang ipinagtataka. Si Regan ay may morenong balat, may matangos na ilong, matangkad at may malambing na mga mata na nakakabighani ngunit bilugan ito hindi katulad niyang chinita, maputi at hindi katangkaran.

"Natural, hindi kami kambal kaya hindi kami magkamukha!" Irap niya. "Alam mo maganda ka nga eh boba naman! Hindi ikaw ang ideal girlfriend ko para kay Kuya Regan kaya tigil-tigilan mo na ang kakalapit kay kuya, bruhilda!"

Naubusan na ng ibabatong salita si Stellar kaya sumugod na ito. "Aba sumusobra ka na-"

Itinapon ni Yurika ang kanyang bag at sumugod din. "Sige gusto mo ng away ha?"

Una niyang nahablot ang buhok ni Stellar at hinablot din nito ang buhok niya.

"Anong kaguluhan ito?" Gulat na gulat si Regan sa kanyang nakita.

Natigilan ang dalawang dalaga.

Nagsimulang humikbi si Stellar at humagulhol sa dibdib ni Regan . "Kapatid mo kasi...itinulak ako...!" Niyakap ito ni Regan at pinatahan.

"Maniniwala ka sa sinungaling na 'yan?! Siya ang unang bumangga sa akin!"

"Nagsorry ako pero itinulak niya pa rin ako..."

"Itinulak? Ikaw ang bumangga sa akin!"

"Yurika! Tama na. Hindi tama ang ginawa mo. Magsorry ka kay Stellar!"

My Sister, My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon