Chapter 9

122 3 2
                                    


"Hello Stellar? Maaari ba tayong mag-usap? Sige hintayin mo ako sa plaza, salamat." Ibinaba na ni Regan ang kanyang cell phone. Lilinawin na niya kay Stellar ang lahat. Matagal niya itong pinag-iisipan. Ginugol niya ang mga araw na nagdaan upang limutin ang natitirang espesyal na pagtingin niya kay Stellar. Kailangan niyang tanggapin na kapatid niya si Stellar at hindi girlfriend. Isa itong napakahirap na hamon sa kanyang buhay ngayon na kailangan niyang lampasan. Naalala niya si Yurika. Kung tutuusin siya dapat ang magkaroon ng hiya sa sarili at hindi si Yurika pero wala na ito. Hindi na niya ito mahahanap at ito ang nagpapahirap ng kanyang kalooban ngayon. Si Yurika ang pumasan ng kahihiyang sila dapat ni Stellar ang pumasan.

Sabik na naghintay si Stellar kay Regan . Pagkakataon na niya itong ibalik ang kanilang relasyon. Hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa. Napatayo siya nang paparating na ang binata. Yumakap agad siya rito. "Regan ! Mabuti't naisipan mo akong kausapin. Marami rin akong sasabihin sa'yo. Pinapatawad mo na ba ako? Magbabalikan na ba tayo?" Maaaninag sa mukha ni Stellar ang pag-asa na sana magkakabalikan sila ulit ni Regan .

Kumalas si Regan sa pagkakayakap kasabay rin ng pagpigil ng kanyang damdamin. "Makinig ka muna sa akin Ste. May mahalaga akong sasabihin sa'yo." Silang dalawa ay kapwa naupo sa sementong upuan kung saan hindi matao at malaya silang makapag-usap. Malungkot siyang tumitig sa mga mata ng dalaga. "Stellar, hindi tayo maaaring magbabalikan," wika sa mahinahong tinig.

"Bakit naman hindi? Alam kong mahal mo pa rin ako! Makinig ka sa akin. Dumalo ako sa isang party na ginanap sa isang hotel. Si Allen ang isinama ko dahil hindi mo maiwan-iwan si Yurika no'n. Sa sobrang sama ng loob ay naglasing ako. Sobrang lasing ko no'n halos 'di ko na maalala lahat. Nang malasing ako ay 'di ko na namalayang dinala na pala ako ni Allen sa isang kwarto, doon sa hotel. May nangyari sa aming dalawa pero 'di ko na maalala ang lahat. Pati nga 'yong pagsagot ni Allen sa cell phone ko no'ng tumawag ka 'di ko alam. Noong gabing 'yon akala ko pinagbigyan mo na ako," halos mabasag na ang boses ni Stellar pagkasabi no'n. "Akala ko ikaw 'yon! 'Yon pala pinagsasamantalahan na pala ni Allen ang kalasingan ko. Kita mo? Katanggap-tanggap naman ang paliwanag ko hindi ba?!"

Pinalis niya ang mga luha ng dalaga. "Stellar," panimula niya. Kailangan niya itong gawin para sa ikabubuti ng lahat. Totoong minahal niya si Stellar bilang girlfriend ngunit nang tumitig siya sa mga mata ng dalaga ay iba na ang kanyang damdamin. Ang tanging nararamdaman niya ngayon ay ang simpatya para sa isang kapatid. Kanyang nakababatang kapatid. "Gusto kong malaman mo na hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa'yo. Sorry kung nasigawan kita noon. Naniwala na ako sa mga sinabi mo pero," balisa siyang napatingin sa malayo at nagbaba ng tingin bago siya ulit humarap kay Stellar. "..nag-iba na ang sitwasyon natin."

"Bakit nag-iba?"

"Dahil...dahil... ma-magkapatid tayong dalawa."

Napatayo si Stellar. "Pa-paanong magkapatid?!"

Tumayo na rin siya. "Alam kong mahirap paniwalaan ito pero magkapatid tayo sa ina. Ipinagtapat sa akin ni Papa na si Minda ang aking tunay na ina."

Isinalaysay niya ang lahat ng natuklasan niya mula sa kanyang ama. Kung paano sila iniwan ni Minda at kung ano ang nangyari rito pagkatapos. Humahagulhol si Stellar nang marinig iyon.

"Hindi ko ito matanggap....Baka nagkamali lang kayo. Bakit hindi natin subukang magpa-DNA testing para mapatunayan talaga nating totoo ang sinasabi ng iyong ama?"

"Hindi na kailangan." Bahagyang kumirot ang kanyang puso. Iisipin lang niyang hindi siya mahalaga kay Minda na tunay niyang ina ay nagpadagdag ito sa hirap na kanyang nadarama. "Tanungin mo na lamang ang ating ina. Siya ang makapagpatunay na magkapatid tayong dalawa. May isa ka pang dapat malaman Ste. Si Yuri ay 'di ko tunay na kapatid. Bago ko pa lang din ito nalaman. Inampon lang siya ni Papa sixteen years ago. Hindi ito alam ni Yuri.Ste, nawawala siya ngayon. Hindi ko alam kung saan namin siya hahanapin. Matapos noong nangyari sa school ay lumayas siya sa bahay," nahihirapang paliwanag niya.

My Sister, My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon