Chapter 3

160 6 0
                                    

Si Regan ang nagsaing at nagluto para sa agahan. Kadalasan ay katuwang niya si Yurika sa gawaing bahay kaya lang hindi na niya ginising ito dahil alam niyang pagod ito sa huli nitong trabaho kahapon. Saka ayaw na rin niyang abalahin ang Papa Arthur niya dahil lalo rin itong pagod sa trabaho. Kahit na may part-time job siya 'di naman siya gaanong pagod dahil nagtatrabaho lang siya sa bahay through online. Saka unang araw ito ng pasukan. Ayaw niyang mabadtrip ang kapatid dahil sa pagod nito. Mainit pa naman ang ulo ni Yurika kapag hindi sakto sa oras ang tulog kaya siya na lang muna ang nag-asikaso ng lahat. Tumingin siya sa orasan. Gigisingin na niya ang kapatid at Papa niya. Nauna na niyang ginising ang Papa niya at tumungo na agad ito sa kusina. Tinungo niya ang kwarto ng kapatid. Kumatok siya pero walang sumagot. Sinubukan niyang buksan ang pinto at laking gulat niyang hindi ito naka-lock.

 "Ito talagang batang 'to hindi man lang nag-lock ng pinto bago matulog. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan. Yurika gising ka na, sige ka mala-late ka sa first day of school." Pinasok na niya ang kwarto nito at pailing-iling na lang siya nang madatnang masarap pa rin ang tulog nito habang akap akap ang unan na may desinyong One Piece. "Nasa sa'yo pala ang paborito kong unan ah. Kaya pala nawawala sa kwarto ko. "Pilyo niyang hinila ang unan na yakap nito. "Yuri. .gising na..." Nakuha na niya ang unan nito pero tulog pa rin ito. Inalog na niya talaga ito. "Yuri, first day of school ngayon. Sige ka iiwan ka ni Kuya. Yuri."

Nagising na nga ito pero nakapikit pa rin. " Kuya...ano ba?" Kinusot-kusot nito ang mga mata. "Inaantok pa ako eh..."

"Senorita, bumangon ka na dahil nakahanda na po ang almusal. Pasalamat ka na lang dahil babangon ka lang para kumain."

Inis itong bumangon pero 'di pa rin umalis sa higaan nito. Nakasimangot itong tumingin sa kanya. Naka-fly away ang buhok nito paitaas. Mas lalong sumingkit ang mga mata nito lalo na't bagong gising. "Anong sinabi mo Kuya?"

"Sabi ko maganda ka. Tumingin ka kaya sa salamin." At siya'y napangiti. Sinunod naman nito ang sinabi niya. Tumayo ito at tumingin sa malaking salamin. "Don't worry mukha ka pa rin namang anime diyan." Tinakpan niya ang kanyang bibig upang pigilan ang sarili sa pagtawa.

Napaungol ito nang makitang parang nakuryente ang kulot nitong buhok. Humarap ito sa kanya at hinampas-hampas siya. "Ah....! Ikaw talaga Kuya ang sama mo...!" Sa sobrang pikon ay humiga ulit ito.

"Wui Yuri, 'wag namang ganyan mala-late na tayo."

"Bahala ka diyan." Kinumutan pa nito ang sarili.

"Hay nako talaga Yuri konsumisyon ka talaga sa akin! Ayaw mo talaga ah."Sumampa na siya sa higaan at kiniliti niya ito. "Tumayo ka na..."

"Ano ba? Tama na 'yan!"

"Ayaw mo talagang tumayo?"

Napahalak ito. "Ta-tayo na ako promise. Kuya itigil mo na 'yan!"

Tumigil na siya pero hindi pa rin ito tumayo. Sa halip ay niyakap nito ang paborito niyang unan.

"Wui Yuri unan ko 'yan!" Benilatan lang siya nito. Sumampa ulit siya sa higaan at niyakap ito mula sa likod. "Ayaw mo talagang tumayo?" Umiling-iling lang ito habang nakangiti. "Ayaw?"

"Ayaw!" Hinalik-halikan niya ito sa pisngi hanggang sa mapatili ito.

Hindi na ito nakatiis kaya bumangon na talaga ito. "Ewww! Kuya laway mo...! Sigaw nito habang punas ang mga pisngi nito.

"Ang arte nito hoy bagong ligo at sipilyo 'to."

"Kahit na! May bacteria pa rin ang laway mo! Eww Kuya Regan ! Eww!" Tili nito. Kumuha ito ng unan at hinampas sa mukha niya.

My Sister, My WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon