"Arrggg!" tili ni Yurika sa loob ng changing room. Tinapunan na naman kasi siya ng pagkain ng kanyang tinaguriang most hated customer of all time. Sa kanya kasi isinisisi ang pagiging maalat ng pagkain. Kasalanan pa talaga niya kahit na isa lamang siyang hamak na maid waitress. "Sa chef siya magreklamo, hindi sa akin! Pasalamat siya't customer siya at mahal ko ang trabaho ko. Kung hindi, matagal ko ng minasaccre pagmumukha niya! "
"Yurika, tapos ka na bang magbihis? Pakibilisan naman oh. Masters are waiting!
"A-andiyan na po manager!" Dali-dali niyang hinubad ang kanyang maruming maid costume at kumuha ng reserba. Palagi niyang dala ang kanyang reserba para sa mga tulad nitong eksena. Isinuot niya ang black and white Lolita dress with white apron na may laso pa para sa leeg at beywang. It really matched her appropriately. Lumilitaw ang balingkinitan niyang katawan. Isang tusong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
Max sexy pa kasi ako sa bruhildang customer na 'yon. Insecure lang 'siya sa akin.
Meet Yurika Amihan, sixteen years old. Kakatapos lamang niya sa high school at heto siya ngayon nagsu-summer job sa Maid Café isang cosplay restaurant upang may panustos pang-college sa darating na pasukan. Dalawa na kasi silang papag-aralin ng kanilang ama sa kolehiyo at tiyak na mabibigatan ito kapag nag-aral na siya. May kapatid siyang dalawang taon na sa kolehiyo at katulad din niya ay nagtatrabaho rin, nagpa-part-time job upang makatulong sa gastusin.
Lumabas na siya sa changing room at binalikan ang trabaho kunwari walang nangyari. As always, she served the customers with a smile.
Nang magkaroon na ng shifting ay pumasok na ang lahat ng maids at chefs sa changing room upang magbihis.
"Nakakaloka mga bes! Upgrading na ang pang-aabuso ng mga customers ngayon, palibhasa kasi customers are always right," komento ni Meyrin sa loob ng cubicle.
"Sinabi mo pa bessy. Naalatan lang isasampal na kaagad sa damit ni Yuri 'yong Omelette Rice? Good manners pa ba 'yon ha? Wui Yuri magsalita ka naman diyan. Ayos ka lang ba?" pagsang-ayon naman ni Luna sa katabing cubicle.
"Ikaw kaya tapunan ng panglimang beses on purpose?" Kung hindi omelette, soda o 'di kaya'y coffe. At pansin n'yo? Bakit si Yurika lang ang iso-solo niyang pagtripan? Kung tayo ang magse-serve sa kanya mabait naman 'yon. Yuri, magtapat ka nga kaaway mo ba 'yon at naghigante sa'yo? Tanong naman ni Shania.
"Iyon nga ang ipinagtaka ko eh mga bes. May allergy yata 'yon sa akin. 'Di ko kilala 'yon noh. Dito ko lang siya nakita sa café. Ewan ko ba, kapag galing kay Chef Julia ang pagkain nasisira ang araw ko," pabiro pa niya. Tinutukoy niya ang kaibigan nilang bakla na ka-shifting din nila sa araw na ito.
"Hoy objection!" Mula sa men's changing room ay pumasok ito sa lady's. "Magaling akong magluto!" Diin ni Julia habang nakameywang. "Ako ang pinakamagaling na chef dito sa maid café! Tama si Shania, Yuri. Ikaw lang talaga ang pinagtripan no'n tseh!"
Nakalabas na si Meyrin. "Ewww... bakla bakit ka nandito? 'Di mo ba nabasa? Ito ay para sa mga la-dies," diin nito sa huling salita.
Umabante naman si Julia na pang-Pia Wurtzbach lang ang peg habang nakapameywang at taas kilay. "Well, I'm a lady can't you see? Kung tutuusin mas babae pa akong tingnan kaysa sa inyo!"
Sa pagkarinig no'n ay umarteng parang masusuka sina Luna at Shania habang si Yurika naman ay sumasakit na ang tiyan sa kakatawa.
"Eww...! Alis na dito Julia! Hindi pa kami tapos eh balik ka doon sa men's. 'Di ba doon ka naman interesado sa mga lalaki? Mag-fiesta ka doon kasama nila." Itinulak ni Meyrin si Julia sa labas ng changing room.
BINABASA MO ANG
My Sister, My Wife
RomanceMalapit si Yurika sa kanyang nakakatandang kapatid na si Regan. Dumating na sa puntong nakabuntot na siya palagi rito. Bukod pa roon, iniidolo rin niya ito hanggang sa mapagtanto niyang hindi niya kayang mawalay rito. Kaya isang bangungot para sa ka...