Malapit si Yurika sa kanyang nakakatandang kapatid na si Regan. Dumating na sa puntong nakabuntot na siya palagi rito. Bukod pa roon, iniidolo rin niya ito hanggang sa mapagtanto niyang hindi niya kayang mawalay rito. Kaya isang bangungot para sa kanya nang magka-girlfriend si Regan kay Stellar. Naagaw ni Stellar ang atensyon ni Regan na dapat ay para sa kanya dahilan na mainis siya rito. Ngunit may umusbong sa kanyang isang damdaming hindi dapat maramdaman ng isang kapatid. Isang damdaming labag sa batas ng Diyos at tao ngunit hindi niya ito kayang pigilan kaya inilihim niya ito sa kanyang diary. Isang lihim na makapagbago sa tadhana nilang tatlo.