:Dedicated to toomuchpainxxx. Thanks for including Tatahakin man ay Kasaysayan in your reading list!
Mag-isang pumasok si Yurika sa Cafeteria. Umupo siya at tahimik na naghintay sa kanyang mga kaibigan. Ilan sa mga classmates niya ay kinausap siya hinggil sa mga lessons na maaaring isama sa exams. Maya-maya pa ay nagpaalam na ang mga ito upang tumungo sa kani-kanilang mga klase.
Wala pa rin ang mga kaibigan kaya napag-isipan niyang bumili ng snacks nang matigilan siya.
"Look who's here!" Mataray na salubong ni Stellar. Kasama nito ang mga kaibigan na may dalang tray ng pagkain. "Mabuti talagang nagkita tayo rito Yuri."
"Anong kailangan mo?" Taray niyang tanong.
"Akala mo siguro 'yong kahihiyan na nararanasan ko roon sa bahay ninyo palalampasin ko 'yon?"
"Buti lang 'yon sa'yo. Wala kang karapatang umapak sa teritoryo ko. 'Wag ka ng magkunwaring mabait ka kapag kaharap natin si Kuya kasi hindi bagay. Pati ang ibon na-oa-han sa'yo kaya ayon pati ibon marunong ng magbash. Buti nga sa'yo," irap niya.
"Matapang ka talaga ano? Tingnan natin kung hanggang saan 'yang tapang mo. Girls!"
Pumila ang tatlong kasama ni Stellar at isa-isang nagtapon ng juice sa kanyang mukha. Tumitili siya habang umaatras. Habang si Stellar naman ay panay ang tawa. Hindi pa 'yon natapos. Kumuha pa ito ng spaghetti sa tray ng isa pang kaibigan at isinampal sa mukha niya. Sapul na sapul ang pagkadikit ng spaghetti sa kanyang mukha habang padaus-dos naman ang plato sa kanyang uniform. Hindi niya 'yon naiwasan dahil abala siya sa pagpalis ng juice sa kanyang mga mata.
Napatingin sa kanila ang lahat ng estudyante. Ang iba ay awang-awa sa kanya ngunit may iba ring pinagtatawanan siya. Mabuti na lamang ay dumating na sila Julia, Shania, Meyrin at Luna. Papatakbo ang mga ito sa kinaroroonan niya.
"Let's go girls," natatawang utos ni Stellar sa tatlong kasama nito. Umugong pa ang tawanan ng mga ito papalabas ng Cafeteria.
"Oh my God Yuri! Ang dumi mo na!"
"Si Stellar ba gumawa nito sa'yo?"
Tumango lang siya. Kanya-kanyang kuha ng panyo ang mga kaibigan niya at pinunasan siya ng mga ito sa kanyang balat at uniform.
"Ok ka lang Yuri?"
"Ok lang ako Luna. Don't worry."
Sa kabila noon ay hindi siya umiyak at naawa sa sarili. Wala siyang paki kung may masabi ang mga tao sa kanya. Siya ang biktima rito, wala siyang ginawang masama. No way. Hindi niya palalampasin ang ginawa ni Stellar. Umaasa siyang may araw rin si Stellar sa kanya.
"Grabe naman talaga ang Stellar na 'yon."
"Nagdala pa ng mga assistants."
"Sumbong tayo sa guidance counselor mga bes," suhestiyon ni Meyrin. "'Di tama 'yong ginawa nila."
"Asa ka pa Meyrin. Wala lang tayong mapapala sa mga mayayamang katulad nila," sabi naman ni Shania.
"Oy! Oy! Porke't mayayaman pinapanigan na kaagad?" dagdag naman ni Julia.
"Hello, tiyahin kaya ni Stellar ang Guidance Counselor. At isa pa mga tiyuhin niya ang ilan sa mga Instructor dito sa School," sabi naman ni Luna.
"Kalimutan niyo na 'yan. Magsasayang lang tayo ng oras sa Guidance Office," awat niya. "Teritoryo niya talaga ito kasi Lolo niya ang founder ng School. Asa pa tayo."
BINABASA MO ANG
My Sister, My Wife
RomanceMalapit si Yurika sa kanyang nakakatandang kapatid na si Regan. Dumating na sa puntong nakabuntot na siya palagi rito. Bukod pa roon, iniidolo rin niya ito hanggang sa mapagtanto niyang hindi niya kayang mawalay rito. Kaya isang bangungot para sa ka...